IKA DALAWAMPUNG KABANATA
CHICHAY's P.O.V
Makalipas ang limang araw na pagbabakasyon namin ni Akihiro sa Palawan ay balik Manila na kami. Excited na excited akong umuwi dahil namimiss ko na sina Tiya Carina at Bruno. Marami akong gustong ikwento sa kanila. Isa na rito ang relasyon namin ni Akihiro.
Hinatid ako ni Akihiro pauwi sa amin. Sinalubong ako ng mainit na yakap ni Bruno at ni Tiya Carina.
"Namiss ka namin, Chichay." Sabi nina Tiya at Bruno.
"Miss na miss ko rin kayo, Tiya at Bruno." Sagot ko at saka humiwalay sa pagkakayakap sa kanila. "May pasalubong pala kami ni Akihiro sa inyo."
"Wow, nag-abala pa talaga kayo. Salamat. Salamat rin Akihiro." Sabi ni Tiya.
"Heto, souvenir shirts ng Palawan. At syempre makakalimutan ko ba ang favorite mo, Bruno?" Pabitin na sabi ko habang pinagmamasdan ko ang reaksyon ni Bruno.
"Lalaki ba 'yan na may malaking tutut?" Excited na tanong Bruno, na kahit kaylan ay puro kahalayan ang alam.
"Gaga! Hindi lalaki. Itlog ng native na itik 'to. Diba paborito mo 'to ang mga itlog?"
"Ay, akala ko pa naman itlog ng lalaki." Mukhang dismayado si Bruno.
"Ang bastos mo talaga!"
"Ay, teka kumain muna kayo ni Akihiro at paniguradong gutom na kayo dahil sa mahabang byahe. Tamang-tama at nagluto ako ng chopsuey."
***
Masaya kaming kumakain habang nagkwekwentuhan ng kung anu-ano tungkol sa bakasyon namin sa Palawan. Sinabi ko na napakaganda doon. At sana makapunta rin sila.
"Teka,bakit parang kanina pa yata kayo magkahawak ng kamay nitong si Akihiro. H'wag n'yong sabihing-" naputol na sabi ni Tiya Carina dahil sabay naming ibinalita ni Akihiro ang magandang balita.
"Opo Tiya, kami na po."
"OMG! Buntis ka na?" Gulat na gulat na tanong ni Bruno. Naibuga ko tuloy sa mukha n'ya ang iniinom kong tubig kaya naman basang-basa ang mukha n'ya.
"Ang O.A n'yo naman. Hindi ako buntis. Ang ibig lang naming sabihin, kami na. Boyfriend ko na si Akihiro at girlfriend na n'ya 'ko."
"Ah, mabuti naman. Akala namin buntis ka na at manganganak ka na." Si Tiya. Ang O.A n'ya talaga. Eh, flat na flat pa nga ang tiyan ko manganganak agad? Saka hindi naman ako buntis. Masyadong excited!
"Maiba ako, Akihiro, sigurado ka ba sa pamangkin ko?" Si Tiya Carina ulit.
"Oo nga. Available ako. Pwedeng ako na lang." Hirit ni Bruno habang nagpapacute kay Akihiro. But still, mukha pa rin s'ya janitor fish na tinamaan ng malubhang tipus.
"Tumigil ka nga d'yan, Bruno. Baka isuka lahat ni Akihiro ang kinain n'ya mula ng ipinanganak s'ya." Suway ko.
"Che! So, ano na? Sure ka na ba talaga sa bestfriend ko, Akihiro? Kasi super tsismosa 'yan, poorita, malakas humilik, mabaho ang paa, mahilig mangulangot at tumatae ng bururos kapag nakakainom ng panis na gatas. Saka medyo-" Binatukan ko s'ya. "Aray, ha!"
"Gaga ka! Akala ko ba bestfriend tayo, bakit mo ko sinisiraan?"
"I'm just estating the fact here. The truth really hurts, you know?"
"Ulol!"
"Tama na 'yan nakakahiya sa bisita." Awat ni Tiya Carina. "Sure ka na ba talaga, hijo? Baka mamaya saktan mo lang ang pamangkin ko."
"Hindi ko po magagawa kay Chichay 'yon. Mahal na mahal ko po s'ya at siguradong sigurado na po ako sa nararamdaman ko para sa kanya." Sagot ni Akihiro. Pakshet! Kinilig ako dun, infairness!
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
HumorAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...