ATSC 19

604 27 5
                                    

IKA-LABING SYAM NA KABANATA

AKIHIRO's P.O.V

Maaga akong nagising dahil naghanda ako ng isang surpresa para kay Chichay. Hindi ko alam kung paano, o kaylan ko naramdaman ang ganitong pagmamahal para sa kanya. Maski ako nahihiwagaan na. Pero wala, eh. Mahal ko na si Chichay. Kaylangan ba may dahilan ako para mahalin s'ya? Sapat na ba na kapag wala s'ya sa tabi ko, hinahanap-hanap ko s'ya? Gusto ko lagi lang s'yang nasa tabi ko. Ayokong mawala s'ya sa'kin. Malungkot ako kapag hindi ko naririnig ang boses n'ya. Matamlay ako kapag hindi ko nasisilayan ang matamis n'yang ngiti.

Pakiramdam ko matagal ko ng kilala si Chichay. Kaya ganoon ako ka-komportable sa piling n'ya. Nakakapagtaka nga dahil hindi ko 'to naramdan noon kay Scarlet. Mahal ko si Scarlet, noon. Hindi na ngayon. Oo, gan'on ko s'ya kabilis nakalimutan dahil kay Chichay. Matagal ko ng kilala si Scarlet mula ng magsimula akong naging modelo, 10 years old pa lang ako n'on. Lagi kaming magkasama kaya nahulog ang loob ko sa kanya. Kahit napaka-perfectionist n'ya. Pero si Chichay, kakaiba talaga s'ya sa lahat ng nakilala ko.

Hindi naging maganda ang simula namin ni Chichay, pinakulong ko nga s'ya noon dahil sa pagiging tsismosa n'ya. Inis na inis ako sa kanya dahil walang tigil din ang bunganga n'ya sa kakatalak. Pero kahit na sa kabila ng imperfections n'ya, I see her perfectly and beyond perfect when she's with me, effortlessly.

Kaya kung tatanungin n'ya ko ulit kung bakit minahal ko s'ya ng gan'on kabilis. Isa lang ang isasagot ko sa kanya, na hindi ko alam kasi hindi ko na kaylangang humanap ng dahilan para lang mahalin s'ya. At lalong hindi ko s'ya minahal para lang makalimot o para maging rebound lang. Minahal ko s'ya dahil 'yon ang nararamdaman ko. Sounds cheesy and gay, pero 'yon ang totoo.

"A-ano 'to, Akihiro?" Nagtatakang tanong ni Chichay habang pinipiringan ko s'ya. Bigla-bigla ko na lang kasi s'yang hinatak para piringan.

"Basta, surprise 'to. H'wag kang sisilip, ha?" Paniniguro ko habang inaalalayan s'ya papunta sa terrace ng kwarto ko.

Nagset-up ako d'oon ng isang romantic dinner date kaharap ang magandang view ng dagat at bluemoon. Nabalitaan ko kasi sa google news na magkakaroon ng bluemoon ngayong gabi. At sabi pa, na kapag magkasama kayo ng taong mahal mo sa ilalim ng bluemoon ay habang buhay kayong magsasama. Perfect 'to dahil ayoko s'ya mawala sa'kin. Sounds selfish pero gan'on ako pag nagmahal. What's mine is mine. I never wanted to share.

Naglagay rin ako d'on ng mga white rose petals sa red carpet at red roses sa gitna ng puting mesa. Sinet-up ko rin ang acoustic guitar d'on dahil balak ko s'yang haranahin. Naglagay rin ako ng c.d player at maliit na speaker d'on para makapagplay ako ng lovesong once na yayain ko s'ya sumayaw.

Malapit na kami sa terrace kung saan nakaset-up ang lahat. Bigla akong kinakabahan dahil baka hindi n'ya magustuhan ang surpresa ko sa kanya. Pero, sana lang talaga magustuhan n'ya 'to.

Dahan-dahan kong tinanggal ang piring ni Chichay sa kanyang mata at unti-unti n'yang minulat 'yon. And I guess nagustuhan n'ya ang surpresa ko sa kanya. Kitang-kita sa mata n'ya ngayon ang labis na saya. Para tuloy itong nagniningnig dahil sa liwanag ng buwan.

"Ang ganda naman dito. Anong okasyon?" Tanong n'ya.

"Wala naman. Gusto lang kitang maka-date, 'yon ay kung papayag ka?"

"Oo naman." Sagot n'ya kita ko kung paano mamula ang pisngi n'ya. Ang cute n'ya talaga.

Pinaghila ko s'ya ng upuan at pinaupo r'on. Hinainan ko s'ya ng hinanda kong pagkaen. T-bone steak with mash potatoes and mixed vegtables. Sinalinan ko rin s'ya ng red wine sa kanyang wine glass.

"Ang sosyal naman. Parang ganito 'yong mga nasa magazines, ah. Tunay ba talaga 'to at hindi display lang?" Natawa naman ako sa sinabi n'ya.

"Oo naman tunay 'yan. Ako kaya nagluto n'yan. Kain na tayo." Yaya ko.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon