ATSC 36

149 2 0
                                    

IKA TATLUMPU'T ANIM NA KABANATA

AKIHIRO'S POV

Marami na akong panahong nasayang mula ng iwanan ko si Chichay at sumama kay Scarlet. Mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Pero siguro ito talaga ang kapalaran naming dalawa, ang magkahiwalay. Siguro hindi ako deserving sa pagmamahal nya kasi hindi ko sya pinaglaban.

“Bakit ka tulala dyan babe?” Si Scarlet.

Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako. Nandito ako sa dressing room ni Scarlet dahil may photo shoot sya. Balik na sya sa normal na buhay. Nagtatrabaho na rin sya at sunod-sunod ang photo shoots nya. Pero minsan sinusumpong sya ng sakit ng ulo.

“Wala, may iniisip lang.” Walang ganang sagot ko.

“Lagi ka na lang cold sakin. Dati naman hindi ka ganyan.”

“Pabayaan mo na lang ako.” Iritableng sagot ko.

Iniisip ko, kung si Chichay ang kasama ko siguro sobrang saya ko ngayon. Balita ko nanalo sya sa beauty contest sa kanilang baranggay. Kung alam lang nya kung gaano ako kaproud at kasaya para sa kanya. Sya kaya, alam nya kaya kung anong nangyayari sa buhay ko ngayon? Malamang wala na syang pakialam sakin. Hindi na sya nagparamdam eh. Kung sa bagay, pagkatapos ko syang ipagtabuyan malamang hindi na nya gugustuhing malaman ang lahat ng tungkol sakin.

“Alam kong naghire ka ng mga detectives para pasundan bawat galaw ni Chichay. Aki, wake up. Ako na ang girlfriend mo!” Sigaw nya.

“Oo hindi ko itatanggi ang tungkol sa pagbabantay kay Chichay. Nilayo mo ko sa taong pinaka mamahal ko, Scarlet. Girlfriend lang kita pero hindi ikaw ang mahal ko!” Sigaw ko at isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.

Sa totoo lang hindi ko alam kung alin ang mas masakit, yong sampal ni Scarlet o yong bawat segundong lilipas na wala sa tabi ko si Chichay.

“Oh my gosh! Babe I’m so sorry. Nabigla lang ako.” Paumanhin nya.

Hindi ko na sya pinakinggan at tinalikuran pa. Hinabol nya ako, pero hindi ako nag paawat. Ayoko na! Suko na ako.

“Wait! Babe please come back! Babe.” Sigaw nya. Hinawakan nya ang braso ko.

Tinabig ko ang kamay nya at humarap. Hingal na hingal si Scarlet at nakahawak ito sa dibdib nya. Kinabahan ako, baka inatake na naman sya ng sakit nya. Bawal pa naman sa kanya ang mastress.

“Scarlet, are you okay? Wait. Dadalhin kita sa ospital.” Binuhat ko na sya at sinakay sa kotse ko para isugod sa ospital.

Natataranta na ko sa pagmamaneho dahil habol hininga pa rin si Scarlet. Jusko ano na naman ba tong ginawa ko sa kanya? Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.

Pero bakit ganon? Napapansin ko sa twing magtatalo kami dahil kay Chichay ay saka lang sya inaatake ng sakit nya. Anong meron Scarlet? Hindi kaya may tinatago kang dapat kong malaman?

Pagkarating ko sa ospital ay chineck up sya ng kanyang doctor. At tulad ng palagi nyang sinasabi, huwag ko raw masyadong iexpose si Scarlet sa stress. Iwasan ko raw yong mga bagay na makakasama sa kalusugan nya. Pero ano ba talaga ang sakit ni Scarlet? Suicidal sya, kaya nga nagstay ako kahit kapalit non ay pag iwan kay Chichay dahil sa takot na baka magpakamatay sya. Pero bakit iba iba ang nararamdaman nya? Hindi ba dapat psychological attention ako kaylangan nya at hindi family doctor. Mukhang may mali talaga. Kaylangan ko tong alamin.

**
Ilang araw mula ng dalhin ko si Scarlet sa ospital ay naging maayos naman ang lagay nya.

Habang abala si Scarlet sa kanyang photo shoot, naisipan kong tingnan ang mga gamit nya rito sa dressing room. Kaylangan kong malaman kung anong totoo.

Mabilis kong hinalughot ang bag nya, puro make-up cellphone at wallet lang ang alam. Nakapagtataka, kung may sakit talaga sya, bakit wala rito yong mga gamot na iniinom nya? Matapos kong halughugin ang kanyang bag, drawer naman ang hinalughog ko. Wala akong nakita kundi mga gamit pambabae. Sa sobrang pagmamadali ko at kaba na baka may makahuli sakin, natabig ko tuloy yong jewelry box na nakapatong sa ibabaw ng drawer. May maliit na papel doon.

“Ano to?” Tanong ko sa sarili ko. Sa sobrang curious ko ay binulatlat ko ang papel.

Nakasulat doon ay number ng doctor nya. Walang kwenta. Ano namang mapapala ko sa doctor nya kung tatawagan ko eh yon lang naman din ang sasabihin nya sakin.

Nakarinig ako ng boses mula sa labas, kaya dali dali kong dinampot ang jewelry box at binalik ito sa dati nitong ayos. Bumukas ang pinto at nakita ko si Scarlet.

“Anong ginagawa mo dyan? Bakit parang nakakita ka ng multo?” Nagtatakang tanong nito.

“Wala. May gagamba kasi kaya pinatay ko.” Sagot ko.

“Ah okay.” Casual na sagot nito at nagpaayos na ulit sa kanyang stylist.

Mabuti na lamang at hindi nya napansin ang ginawa ko. Dahil pag nahuli nya ako siguradong katapusan na ng lahat at hindi ko na malalaman ang totoo.

Matapos ayusan si Scarlet, madaling madali silang bumalik sa shoot at hindi nya napansin na naiwan nya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng drawer. Agad ko itong kinuha, baka sakali na may mapala akong impormasyon. Maige na lamang at yong dati naming anniversary pa rin ang password nya kaya hindi ako nahirapang bukasan ito. Una kong tiningnan ang phonebook, wala namang kakaiba doon. Sunod ang mga messages, pero wala pa rin. Hanggang sa bigla na lang itong nagring. Tumatawag ang doctor nya. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba. Pero ang ending sinagot ko pa rin ang tawag dahil baka papaalalahanan lang si Scarlet kung ano ang mga bawal sa kanya.

“Hello Scarlet.” Sabi sa kabilang linya. Hindi ako nagsalita at pinindot ko ang record button.

“Salamat pala sa mga padala mong damit at sapatos. Mukhang paniwalang paniwala si Akihiro na may sakit ka talaga. Sana lang sa susunod cash na lang.” Halos para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko.

Sabi ko na nga ba niloloko lang ako ni Scarlet. Nakakainis! Kung nalaman ko lang ito agad hindi na sana pa umabot sa ganito ang sitwasyon.

“Hello! Scarlet? Bakit hindi ka nagsasalita?” At inend call ko na ang tawag.

Agad akong tumakbo papunta kay Scarlet. Wala akong pakialam kung nasa kalagitaan pa sya ng photo shoot. Hindi ko na kayang tiisin ang bawat oras na lilipas pa ng wala si Chichay sa tabi ko.

Pagkarating ko sa shoot at agad ko syang hinila sa braso. Bakas sa mukha nya ang pagtataka sa mga nangyayari.

“Aray! Ano bang nangyayari sayo Akihiro?” Tanong nito. Binitawan ko ang braso nya dahil kita sa mga mata nya na nasasaktan sya.

“Sir, wag po tayong mag iskandalo rito.” Awat ng mga staff at crew sa photo shoot.

Pero wala ng makakaawat pa sakin. At wala na akong pakialam sa sasabihin nila.

“Sinungaling ka Scarlet! Alam ko ng lahat ng panggagago ko sakin!” Sigaw ko. At plinay ko yong nirecord kong tawag kanina mula sa kanyang doctor.

Halos nagulat ang lahat sa narinig nila. Para bang hindi sila makapaniwala na nagawa ito ni Scarlet. Pero higit na mas nagulat si Scarlet. Hindi nya siguro akalain na matutuklasan ko ang lihim nya.

“Babe, please let me explain.” Pagmamakaawa nito. Ibinato ko ang cellphone nya sa sobrang galit.

“Para saan pa Scarlet? Pinili kita kahit si Chichay ang mahal ko dahil ayoko na tapusin mo ang buhay mo ng dali lang sakin! I’m sorry, sawang-sawa na ako sa kasinungalingan mo.” At lumakad na ako palayo.

Dumeretso agad ako sa aking sasakyan at doon ko ibinuhos lahat ng sama ng loob ko sa mga nangyayari sakin. Sinipa ko yong gulong ng ilang beses sa sobrang galit ko hanggang sa napaupo na lang ako at umiiyak na parang isang talunan.

Ano ng gagawin ko ngayon? Paano ko maibabalik si Chichay? Paano ko sya mapapaniwala ulit na sya lang ang mahal ko?
**

CHICHAY'S POV

Tatlong araw na lamang at abalang abala pa rin kami nina Bruno sa pag rereview para sa entrance exam namin ng college sa University of Laguna.

“Baka sa sobrang pag aaral nyo ay makalimutan nyong mag empake.” Paalala ni Tiya Carina habang naghahanda ng aming meryenda. Hindi muna sya nagtinda sa palengke ngayon. Gusto raw nya kong makasama muna dahil malapit na kong umalis.

“Oo nga pala. Teka, kukuha ba muna tayo ng dorm agad kahit wala pang resulta ng exam?” Tanong ko.

“Hindi na Chichay my labs. May tiyahin ako roon sa Laguna doon muna tayong tatlo pansamantala. Saka na lang tayo mag dorm.” Sagot ni Bruno.

“Eh, my labs, hindi ba nakakahiya? Ilang araw rin yon.”

“Naku, ayos lang yon! Kaya lang dalawang sakay ng jeep ang bahay ni Tiya mula sa campus. Malayo layo rin ang byahe. Ayos lang ba sa inyo?”

“Walang problema!” Sabay naming sagot ni Bruno.

“Oh sya, kumain muna kayo mamaya na ulit kayo mag review. Mahirap mag aral kapag gutom.” Hirit ni Tiya Carina.

“Wow amoy palang masarap na! Ang galing mo talaga magluto Tiya.” Puri ni Bruno sa pansit ni Tiya Carina.

Habang kumakain kami ay narinig ko na parang may tumatawag sa boses ko mula sa labas.

“May tumatawag ba sakin?” Nagtatakang tanong ko.

“Parang wala naman akong naririnig. Ikaw ba Caloy?” Sabi ni Bruno.

“Wala rin. Baka guni-guni mo lang yon.” Si Caloy.

Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko pero parang may tumatawag talaga.

“Sandali labas lang ako.” Paalam ko.

Habang papalapit ako sa kanya ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Totoo ba itong nakikita ko? O baka naman nasisiraan lang ako ng bait?

Kaagad nya akong niyakap ng mahigpit. Pero hindi ko sya niyakap pabalik. Pakiramdam ko naninigas ang buong katawan ko. Unti-unti ng tumutulo ang mga luha sa mata ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yon.

“Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko. Bumitaw sya sa pagkakayakap.

“Chichay, I’m sorry. Hindi ko sinasadya.” Umiiyak na rin sya at nagmamakaawa.

“Akihiro, halos ipagtabuyan mo ako noon. Sabi mo pa nga kahit kaylan ay hindi mo ako minahal. Umalis ka na lang please. Bago pa ako tumawag ng tanod.” Sabi ko.
Tinalikuran ko sya. Umiyak na lang ako at hindi na sya nilingon. Tama ba talaga itong ginagawa ko? Alam ko naman sa sarili ko hanggang ngayon si Akihiro pa rin ang mahal ko kahit na si Caloy ang ngayon ko. Hanggang kaylan ko ba papanindigan to? Sana hindi na lang sya nagpakita pa, kung kaylan halos nasa ayos na ang lahat.

Pinunasan ko ang luha ko at saka bumalik sa loob.

“Bakit namumula ang mata mo Chichay my labs? Umiyak ka ba?” Nagtatakang  tanong ni Caloy.

“Ah wala to. Baka magkakaroon lang ako ng sore eyes. Wag mo na lang pansinin.” Pagdadahilan ko.

“Sigurado ka ah. Basta Chichay my labs, nandito lang ako palagi. Hindi kita iiwan.” Niyakap nya ako ng mahigpit.

Niyakap ko rin sya ng mahigpit na para bang walang nakakakita samin. Maswerte ako kay Caloy, palagi syang nandyan para sakin kahit ano pang mangyari. Sana talaga masuklian ko ng tama ang pagmamahal nya para sakin. Kahit na kasi boyfriend ko na sya ay hindi pa rin ito sapat para sa pagmamahal na binibigay nya sakin. Sana lang tuluyan ko ng mabura sa isip at puso ko si Akihiro. Para wala na akong nasasaktan na ibang tao at para hindi na rin ako nasasaktan ngayon.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon