ATSC 17

626 32 5
                                    

IKA LABIN-PITONG KABANATA

AKIHIRO's P.O.V

Alas-sais pa lamang ng madaling araw nang sunduin ko si Chichay sa kanila. Ngayon ang araw kung kaylan kami magbabakasyon sa Palawan. May bahay bakasyunan kami roon kaya mas convinient kung doon kami pupunta. At sana pagbalik namin dito tuluyan ko na sanang makalimutan ang ex ko para na rin makapagsimula ako ng bagong buhay kasama si Chichay.

Nasa airport kami nang mapansin kong hindi mapakali si Chichay.

"May problema ba? Para kasing balisa ka." Nag-aalalang tanong ko habang nilalagay ko ang mga bagahe namin sa luggage scanner.

"Ah.. Eh.. Kasi... Eroplano ba talaga ang sasakyan natin?"

"Oo, bakit? Hindi ka ba excited?"

"Paano kapag bumagsak 'yong eroplano? Hindi ako marunong lumipad, Akihiro."

Halos mag-echo ang tawa ko sa buong airport dahil sa sinabi n'yang 'yon.

"Chichay, tiwala lang. Makakarating tayo ng Palawan ng ligtas."

"Pero ayoko pang mamatay."

"Okay ganito na lang, para hindi ka matakot may ipapakita ako sa'yo kapag nasa loob na tayo ng eroplano."

"Sige na nga." Sagot n'ya.

Magkahawak kamay kami habang papasok ng eroplano. Halos mamangha si Chichay sa itsura ng loob nito. First time n'ya kasing sumakay sa eroplano, eh.

"Grabe, ang ganda pala sa loob ng eroplano." Inosente n'yang sabi.

"Oo pero, may alam akong mas maganda pa d'yan."

"Talaga? Nasaan?"

"Heto." Sagot ko sabay halik sa pisngi n'ya.

Nakita ko naman na namula ang pisngi at tenga n'ya. Jackpot! Kinilig ang Chichay ko.

"Binola mo pa 'ko." Sabi n'ya.

Halos hindi na mapakali si Chichay sa kinauupuan n'ya dahil sa takot na baka bumagsak ang eroplanong sinasakyan namin, kaya naman hinawakan ko ang kamay n'ya at maharap pinisil-pisil.

"Nandito lang ako, hindi kita pababayaan." Sabi ko.

"Natatakot kasi talaga ako, eh."

"Mabilis lang ang byahe."

"Talaga? Hindi aabutin ng isang buong araw?"

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon