ATSC 16

718 34 2
                                    

IKALABING ANIM NA KABANATA

AKIHIRO'S P.OV

Pansin ko lang, ang weird ko noong mga nakaraang araw. Isa na dyan 'yong bigla ko na lang naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko kumpara sa una nitong tibok para kay Scarlet. Pangalawa, ung yakapan namin ni Chichay. How come na naging addicted ako sa yakap nya? Pangatlo, niyaya ko pa siya sa isang bakasyon para lang makamove on ako. Desperado! And the weirdest and worst part is sinabi ko pa sa kanya na I like her. Hindi ko alam kung kaylan, saan, paano 'to nangyari. Naguguluhan pa ko. Basta ang alam ko lang, nagising na lang ako na gusto ko pala s'ya at ayaw kong mawala s'ya sa akin. Kaylangan ba may dahilan pa kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya? Basta ang alam ko lang masaya ko sa kung anong nararamdaman ko. Sana talaga simula na 'to ng paglimot ko kay Scarlet. Promise, who you ka sa'king babae ka, once na nakamove on na ko!

Kasalukuyan akong nakaupo sa VIP table ng Code Night Bar. Hinihintay ko ang mga kaybigan kong sina Polo at Kurt- na paniguradong kasama na naman ang mga girlfriends nila. Habang pinagmamasdan ako ang unti-unting pagkatunaw ng yelo sa aking baso na may lamang vodka ay dumating na sina Polo. Pero teka lang, hindi nila kasama ang girlfriend nila. Mabuti naman.

"Oh, pare! Napapadalas ang panlilibre mo samin dito ah?" Panimula ni Polo.

"Kasi kuripot ka! Kaya ako na lang manlilibre sa'yo." Sagot ko at inabutan ko sya ng shot glass.

"Pare, hindi ka naman manlilibre at mag-iinom ng ganyan kung wala kang problema." Si Kurt. Kilalang-kilala nya talaga ang ugali ko.

Huminga ako ng malalim at nagseryoso ako.

"Naalala n'yo ba 'yong tungkol kay Chichay?" Tanong ko.

"Oo. 'Yong babaeng lagi mong kasama. S'ya 'yon diba?" Tanong ni Polo

Tumango ako.

"Oh, anong meron sa kanya? Eh, diba sabi mo hindi mo s'ya type?" Tanong ni Kurt.

Nasapo ko na lang ang noo ko.

"'Yon na nga, eh. Pero noong pagkatapos natin maglasing ilang araw ang nakalipas, narealize ko na..." napahilamos ako ng mukha wala sa oras. "Urgh!"

"Ah! In love ka na sa kanya." Si Kurt.

"Gago! Ang bilis naman. Hindi pa nga yata nakakamove-on 'tong hopeless romantic nating kaybigan, eh." Si Polo. Lumagok sya ng vodka pagkatapos.

"Okay, hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis at bigla na lang nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung pesteng pag-ibig ba 'to." I chuckled.

"Ano ba kasing nilagay n'yo sa baso ko at pagkatapos n'on ay nagkagusto na ko sa kanya? Ginayuma nyo ko 'no?!" Pagpapatuloy ko.

"Ulol! Gayuma ka d'yan! 2015 na, makaluma ka pa!" Si Polo.

"Shut-up! Wala kang sense kausap, Polo. Sayang lang ang libre kong alak sa'yo." Sagot ko.

"Teka, dude. Ang magandang gawin mo dyan, just go with the flow. Malay mo naman may magandang mangyayari diba?" Si Kurt.

Buti pa 'tong si Kurt may sense kausap. Samantalang si Polo non-sense na nga, kuripot pa.

"Eh paano kung bumalik si Scarlet?" Bigla kaming natahimik sa tanong ni Polo.

Sh*t lang! Bakit ba hindi ko naisip na pwede 'yong mangyari? Eto na yata 'yon pinaka-malaking tanong sa isipan ko. Paano kung bumalik nga si Scarlet? Sinong pipilin ko? At anong gagawin ko kapag dumating ang araw na 'yon?

"Hindi ko pa alam." Tipid na sagot ko.

"Pare, hindi kaya pinantatakip butas mo lang si Chichay kaya ka ganyan?" Tanong ni Kurt.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon