IKAAPAT NA KABANATA
CHICHAY'S POV
"Kumars!" Tawag ko kay Bruno. Nakita ko kasi siya na bumibili ng itlog sa tindahan nila Mang Igme.
"Oh! Chichay kumars... May lakad ka today?"aniya.
"Oo pupunta sana ako sa bookstore bibili ako ng wattpad published book. Tapos deretso na ako sa palengke. Ikaw kumars, wala ka bang pasok sa salon ngayon?" tugon ko.
"Meron pero mamaya pa. Bibili muna ako ng itlog ni Mang Igme para sa pananghalian ko mamaya."
Hooked na hooked si bakla sa itlog ah! Bakit kaya?
"Bakit parang sarap na sarap ka sa itlog ni Mang Igme?!" Nakakunot noo kong tanong.
"Fresh na fresh kaya. Tapos ang laki at ang puti pa. Tingnan mo oh!" turan ni Bruno. Sabay abot sa akin ng itlog ng manok na paninda ni Mang Igme.
"Fresh 'yan?! Eh parang makunat nga eh."
"Akala mo lang 'yon. Hindi mo pa kasi natitikman."
"Sabagay may point--" naputol na sabi ko. Bigla kasing sumulpot si Mang Igme sa harap namin ni Bruno.
"Oh bakit parang nakakita kayo ng multo?" Nagtatakang tanong ni Mang Igme sa amin.
"Eh kasi naman nakakagulat kayo Mang Igme. Para kayong kabute na sumusulpot na lang kung saan." turan ko.
"Oo nga Mang Igme. Hindi naman namin alam na nagtatago ka pala sa mga itlog mo." Natatawang turan naman Bruno. Green minded talaga si bakla.
"Naku! Kayo talagang dalawa oh! Bibili ba kayo ulit ng itlog ko o magtsitsimisan na naman kayo dito sa tapat ng tindahan ko?"
"Mag Igme relax ka lang. Bibilhin namin ni Chichay ang itlog n'yo. Diba kumars?" Siniko pa ako ni Bruno.
"Tae ka kumars! Dinamay mo pa ako sa pagkaadik mo sa itlog ni Mang Igme"
"Aba Chichay, masarap ang itlog ko. Pagnatikman mo ito sigurado akong hahanap-hanapin mo."
Hanep din 'tong si Mang Igme parang double meaning ah!
"Pag balik ko na lang Mang Igme. Si Bruno na lang muna ang pagbilhan mo. Tutal siya naman 'tong baliw na baliw sa itlog mo." Napatawa ako sa sinabi ko. Pati tuloy ako nahawa sa pagiging double meaning ni Mang Igme at Bruno.
"Teka Chichay may bago ka bang chikka ngayon?" Tanong sa akin ni Bruno.
"Hmm? Meron!" turan ko.
"Talaga? Dali i-reveal mo na yang nag-iinit mong chikka!" Bakas sa mukha ni Bruno ang pag-ka-excite.
"Bakla may kumuha ng first kiss ko. Grabe hindi ko 'to carry!"
Nanlaki ang mga mata ni Bruno at kulang na lamang ay sumayad ang panga niya sa semento.
"Ibig sabihin mag-jowa na kayo. Diba ganoon sa ibang bansa pati sa pelikula?"
"'Yong nga rin ang sabi sa akin ng nakatsismisan ko kahapon. Hay! Hindi ko akalain na sa isang iglap may boyfriend na ako."
"Naku maniwala ka na! Teka si Caloy ba ang tinutukoy mo? Siya lang naman manliligaw mo diba?"
"Hindi si Caloy. Isa pa hindi ko siya gusto. Hindi rin niya ugali ang kumuha ng first kiss ko."
Ang tinutukoy namin ay ang anak ni Mang Kikoy na kababata kong si Caloy. Anim na buwan na siyang nanliligaw sa akin pero hindi ko siya sinasagot dahil hindi ko naman siya gusto.
"Eh sino ang fafa na kumuha ng first kiss mo? Saka paano ba kayo nagkakilala?" Nagtatakang tanong ni Bruno.
"Ganito kasi 'yong kumars- kahapon kasi pinagdeliver ako ni Tiya sa isang condo unit. Bago ako makarating kalbaryo ang pinagdaanan ko."
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
HumorAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...