ATSC 29

716 33 32
                                    

IKA DALAWAMPU'T SIYAM NA KABANATA

CHICHAY'S P.O.V

Nasa isang park ako kung saan ako palaging nagpupunta kapag masama ang loob ko at kapag may problema ako. Dito ako nagpapahangin, umiiyak at naglalabas ng sama ng loob ko. Minsan kumakain ako ng ice cream pampalubag loob. Umupo ako sa bakanteng swing habang kumakain ng ice cream. Mangiyak-ngiyak pa 'ko habang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang nangyari kanina.
Hanggang ngayon ang gulo-gulo pa rin ng utak ko. Pilit kong tinatanong ang sarili ko kung paano nagawa ni Akihiro ang lokohin ako sa kabila ng pagpapakita ko ng pagmamahal ko sa kanya.
Pilit kong pinipigilan ang luha ko na tumulo. Pero hindi ko na talaga kaya. Sobrang sakit na. At lalo kong naramdaman ang sakit nang may dumaang mag-syota sa harapan ko. Magkaholding hands silang naglalakad habang nagsusubuan pa ng cotton candy. Ang sweet nila, grabe! Nakakainggit. Parang kami ni Akihiro noon, sweet. Pero hindi naman yata 'yon totoo.
Napayuko na lang ako habang nagpupunas ng mga luha sa pisngi ko. Nakakahiya. Baka may makakita sa'kin na nag-dadrama rito. Baka sabihin nila, baliw ako at umiiyak mag-isa.
"Miss, panyo."
Napatingala ako sa boses lalaking nag-alok sa'kin ng panyo. Laking gulat ko na s'ya ang nakita ko. Agad ko s'yang niyakap. At tuluyan na akong napahagulgol.
"Caloy. Ang sakit, sakit. Paano n'ya nagawa sa'kin 'to?" Sabi ko sa pagitan ng aking mga hikbi.
"Chichay, ano bang nangyayari sa'yo, ha? Bakit ka ba umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Caloy.
"Sinaktan n'ya 'ko. Niloko n'ya 'ko."
"Sige, iiyak mo lang 'yan. Nandito lang ako para sa'yo."
Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Caloy. Hindi ko akalain na sa kabila ng maraming beses na pambabasted ko sa kanya ay dadamayan pa rin n'ya 'ko ngayon.
Nang mahimasmasan ako at kumalma ay naupo kami ni Caloy sa swing.
"Akala ko niloloko mo lang ako, 'yon pala kayo talaga ni Akihiro. Akala ko sinabi mo lang 'yon para pagselosin ako at para may dahilan ka para bastedin ako." Panimula ni Caloy.
"Caloy..." nag-aalalang sagot ko.
"Ayos lang sa'kin 'yon. Ngayon malinaw na sa'kin na s'ya talaga ang mahal mo." Nginitian n'ya ako. Pero bakas pa rin sa mga mata n'ya ang lungkot.
"Patawad, Caloy. Hindi ko sinasadyang saktan ka." Paumanhin ko.
Napabuntong hininga naman s'ya.
"Wala 'yon. Basta kapag sinaktan ka n'ya ulit, kukunin kita sa kanya. Sasaluhin kita kapag binitawan ka n'ya."
Naiyak na naman ako sa sagot ni Caloy. Siguro kung s'ya ang minahal ko, hindi siguro ako nasasaktan ng ganito. Pero hindi ko pa rin pinagsisisihan na minahal ko si Akihiro. Kahit nasasaktan ako ngayon. Naging masaya naman ako noon sa piling n'ya. Kahit na walang kasiguraduhan kung totoo ba 'yon. O ilusyon lamang.
"Oh, iiyak ka na naman. Tara na nga d'on sa seesaw. Maglaro tayo para makalimutan mo 'yang problema mo." Pag-aaya ni Caloy habang nakalahad ang kanyang kamay.
Tinanggap ko ito at magkahawak kamay kaming tumatakbo papunta sa seesaw para maglaro.
***
Pagkatapos namin maglaro ni Caloy sa park ay hinatid na n'ya ako pauwi. Kahit paano ay naibsan ang sakit at lungkot na nararamdaman ko. Pero masasabi ko pa rin na panandalian lang 'to. Paniguradong kapag mag-isa na lang ako ay babalik muli sa'kin ang sakit at lungkot na naramdaman ko kanina dahil sa ginawang panloloko sa'kin ni Akihiro.
Pagkarating ko sa bahay kasama si Caloy ay sinalubong ako ni Bruno na pansamantalang nagbabantay mg bahay namin.
"Naku,bakit ngayon ka lang, Chichay?! Kanina ka pa hinahanap ni Akihiro. Bakit mo kasama si Caloy? Ano bang nangyayari?" Sunod-sunod na tanong ni Bruno.
"Mahabang kwento. Sasabihin ko sa'yo mamaya. Nas'an s'ya?" Tanong ko.
"Nad'on sa likod bahay. Nagpapahangin. Mukhang problemado yata."
Dere-deretso akong nagtungo sa likod bahay para puntahan si Akihiro. Pagkarating ko d'on ay nakita ko s'yang palakad-lakad at parang hindi mapakali. Mukha s'yang balisa at problemado.
"Ano pang ginagawa mo rito? Hindi ba dapat kasama mo si Scarlet at nagpapakasaya kayo ngayon." Panimula ko.
"Pakinggan mo muna ko, Chichay. Please." Nilapitan n'ya ako at hinawakan ang kamay ko.
Pero agad ko itong binawi mula sa kanya.
"Ano pang sasabihin mo? Kayo na si Scarlet. Nagkabalikan na kayo. Kitang-kita naman ng mga mata ko kung paano kayo maghalikan kanina sa harap ko!" Mariing sagot ko.
"Mali ka ng iniisip, Chichay. Pakinggan mo muna ko."
"Tama na! Lalo mo lang akong sinasaktan, eh." Sigaw ko.
"Pero maniwala ka, mali ka ng akala."
"Tama na!" Sigaw ko habang tinatakpan ko ang dalawang tenga ko. Ayokong marinig kung ano mang kasinungalingan ang sasabihin n'ya.
"Please, let me explain." Pagpupumilit ni Akihiro.
"Pare. H'wag mo na s'yang pilitin. Hindi mo ba narinig ang sinabi n'ya?" Biglang sumulpot naman si Caloy sa likuran ko.
"H'wag kang makialam dito!" Sigaw ni Akihiro kay Caloy.
"At bakit hindi ako makikialam? Sinasaktan mo ang babaeng mahal ko!"
Dahil sa sinabi ni Caloy, hindi na napigilan ni Akihiro ang sarili n'ya. Sinutok n'ya si Caloy kaya napasubsob ito sa lupa. Pinunasan ni Caloy ang dugo sa kanyang labi. Tiningnan ni Caloy ng masama si Akihiro at saka n'ya ito sinugod at sinuntok. Dumugo rin ang labi ni Akihiro dahil sa lakas ng suntok ni Caloy. At dahil d'on ay nagkainitan ang dalawa.
"Tigilan n'yo na nga 'yan!" Sigaw ko sa pagitan nilang dalawa.
"Ito kasi, eh. Ang hilig makialam!" Paninisi ni Akihiro kay Caloy.
"Tumigil ka na!" Sigaw ko kay Akihiro.
"Kinakampihan mo 'yan? Kaya ba ayaw mong pakinggan ang paliwanag ko dahil sa lalaking 'yan?!" Sigaw muli ni Akihiro.
Dahil sa paratang n'ya, hindi ko napigilan ang sarili ko. Nasampal ko s'ya.
"H'wag mo kong baliktarin. Hindi ako ang nanloko rito. Umalis ka na, Akihiro. Umalis ka na!" Naiyak na naman ako dahil sa nangyari. Bumalik na naman sa isipan ko ang nakita kong pagtataksil n'ya sa'kin kanina.
"Hindi pa tayo tapos, Chichay. Babalik ako. Babawiin kita." At tuluyan na nga s'yang umalis.
Napaluhod na lang ako at umiiyak habang nakatanaw sa kanya na papalayo sa'kin. Ito na ba ang katapusan ng love story naming dalawa ni Akihiro? Wala na ba talagang happy ending? Hindi na ba namin makakamit ang 'they lived happily ever after?'
"Tumayo ka na d'yan, Chichay. Tama na 'yan. Hindi s'ya karapat-dapat sa mga luha mo." Nag-aalalang sabi ni Caloy.
"Umalis ka na muna, Caloy. Gusto kong mapag-isa." Sabi ko, sa pagitan ng bawat hikbi ko.
"Pero-" naputol na sabi n'ya.
"Umalis ka na!" Sigaw ko.
Wala ng nagawa si Caloy kundi ang umalis. Naiwan akong luhaan at mukhang talunan sa nangyari. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang frustration ko.
"Diyos ko, Chichay. Ano bang nangyayari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Bruno na bigla na lang sumulpot sa harapan ko.
"Ayoko ng magmahal, Bruno. Ang sakit, sakit pala." Sagot ko.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Halika nga r'on sa sala. D'on natin 'to pag-usapan."
Tinulungan akong makatayo ni Bruno mula sa pagkakaluhod at nagtungo kami sa sala para pag-usapan kung anong nangyari.
Ikwinento ko sa kanya ang lahat. Mag mula sa umpisa kung paano ko nahuling naghahalikan si Akihiro at Scarlet hanggang sa dulo kung saan nagsuntukan sa harapan ko si Caloy at Akihiro.
"Hay! Nakakaloka naman pala. Baka naman kasi mali ka talaga ng iniisip, Chichay." Sabi ni Bruno.
Napatigil ako sa pagpupunas ng luha at napatingin ako sa kanya ng masama.
"Isa ka pa! Huling-huli ko na nga sila na naghahalikan tapos mali pa ko ng iniisip." Sagot ko.
"Malay mo pinilit lang s'yang halikan ng ex n'ya. Ano ngang pangalan n'on? Scarlet? Ah basta."
"Pinilit? Sa ganda ng ex-girlfriend n'ya, mapililitan pa s'yang halikan 'yon. Hindi ako tanga, Bruno."
"Talaga? So, sigurado ka na talaga na nagkabalikan na sila?"
Bigla akong napahinto sa tanong ni Bruno.
"H-hindi." Nauutal na sagot ko.
"Oh, diba, hindi ka sigurado? Tapos hindi ka man lang nakinig sa paliwanag n'ya. Diba katangahan ang tawag d'on?"
"Hindi nga ako tanga!" Mariing sagot ko. "Sadyang ayoko lang marinig ang kasinungalingan n'ya."
"Ah talaga? At paano mo naman malalaman kung kasinungalingan nga ang sasabihin n'ya? Chichay, bago mo sila nakitang naghahalikan, sigurado may iba pang nanyari bago 'yon. At hindi mo malalaman kasi hindi ka nakinig sa mga paliwanag n'ya." Mahabang sagot ni Bruno.
Dahil sa narinig ko, lalo akong naguluhan. Hindi nga kaya tama ang sinabi ni Bruno? Mali nga ba ako ng iniisip kay Akihiro? Kung gan'on, ang tanga ko nga talaga siguro.
"Ano natigilan ka?!" Tanong ni Bruno.
"Ewan ko ba, Bruno. Naguguluhan na 'ko. Paano nga kung mali ako ng akala? Paano kung hindi talaga ako niloko ni Akihiro? Anong gagawin ko?" Nag-aalalang tanong ko.
"Edi pag-usapan n'yong dalawa."
"Eh, paano kung hindi n'ya ako mapatawad?"
"Sus! Imposible."
Napabuntong hininga na lang ako.
"Kaso paano kung sasabihin lang pala n'ya na sila na talaga ni Scarlet?"
"Edi mag-moveon ka na." Casual n'yang sagot.
"Wow! Parang ang dali lang sa'yo, ha!"
"Eh, wala ka namang magagawa kung sakaling nagkabalikan sila. Ikaw kasi, kung pinakinggan mo s'ya kanina edi sana hindi ka naguguluhan ngayon." Paninisi ni Bruno.
"Hay! Bahala na. Ayoko muna s'yang makita. At ayoko munang makinig sa kung anong sasabihin n'ya." Sagot ko.
Sobrang gulong-gulo na talaga ang isipan ko.
"Kung 'yan ang gusto mo. Hindi kita pipilitin."
***
Kinagabihan at ako na lamang mag-isa. Wala akong ganang kumain at ang bigat ng pakiramdam ko. Nakahiga lang ako sa kama at nagkulong maghapon. Wala akong ginawa kundi umiyak at magtanong sa sarili ko kung saan ako nagkamali para masaktan ng ganito. Sobrang sakit talaga.
Hindi ko ma-explain kung gaano kasakit. Basta sobrang sakit. Feeling ko parang gusto ko na lang tanggalin ang puso sa loob ng dibdib ko para hindi ko na maramdaman 'to.
"Chichay! 'Tong batang 'to talaga. Kumain ka na!" Sigaw ni Tiya Carina.
"Wala po 'kong gana,Tiya Carina. Kayo na lang po ang kumain. Diet po muna 'ko." Pasigaw kong sagot.
Hindi na nag-abala si Tiya Carina pilitin pa kong kumain. Nagpaka-emo na lang ako rito sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at puro missed calls ito galing kay Akihiro. Ayoko talaga s'yang makausap. Pero mas lalo akong naiyak dahil sa wallpaper ng cellphone ko. Kuha ito sa mansyon nila Akihiro noong pinakilala n'ya ko sa magulang n'ya. Ang saya namin rito at ramdam ko talaga ang pagmamahal n'ya sa'kin n'on gabing 'yon.
Dahil lalo lang akong nasasaktan kapag nakikita ko ang mga bagay na nag-papaalala sa kanya. Kaya pinatay ko muna ang cellphone ko. At nilagay ito sa cabinet.
Binuksan ko na lang ang radio at nagpatugtog ng mahina. Halos madurog ang puso ko nang marinig ko ang God Gave Me You ni Bryan White sa radio.
Ito 'yong kanta n'ong sinagot ko si Akihiro. Ito rin 'yong kanta na dinededicate daw n'ya sa'kin. Lagi rin n'ya 'tong kinakanta kapag magkasama kami.
Pero parang sinasampal talaga ako ng pagkakataon at pilit na pinapaalala sa'kin si Akihiro.
Kaya naman nilipat ko ng ibang station ang radio. At napukaw ang atensyon ko sa isang segment ng isang station kung saan may letter sender na nagkwekwento ng kanyang lovestory at binabasa naman ng d.j. Kaya naman 'yon na lang ang pinakinggan ko.
Habang nakikinig ako sa panimula ng lovestory ng letter sender ay hindi ko maiwasan ang hindi mainggit. Ang sweet kasi ng pagkakalarawan sa story nila.
Pero habang tumatagal, hindi ko na mapigilan ang sarili ko at naiyak na ko. Dahil halos pareho kaming niloko ng boyfriend ng letter sender na may pangalang Abby.
Bakit kaya gan'on ang mga lalaki? Pare-pareho silang mga manloloko. Palagi nilang pinaglalaruan ang feelings naming mga babae. Lagi nila kami sinasaktan at pinapaiyak.
Akala ko noon iba si Akihiro sa mga lalaki na playboy. Pero parang mali yata ako ng pag-aakala noon.
Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay bigla ring bumuhos ang ulan. Umiiyak ang langit, tulad ko. Tila nakiki-isa rin sa nararamdaman kong sakit.
"Hay! Akihiro, bakit mo ko sinaktan ng ganito?" Tanong ko sa sarili ko.
Wala na akong nagawa kundi yakapin ang sarili ko habang umiiyak sa isang sulok.

***
Hanggang dito lang muna. Bibitinin ko muna kayo. (Evil laugh) etchoz!
May tanong ako, magkabalikan pa kaya sila? O tuluyan na silang maghihiwalay? Paki comment ng sagot. :) may dedication kayo.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon