IKA DALAWAMPU'T PITONG KABANATA
CHICHAY'S P.O.V
Pagkatapos ng gabi na sinurpresa ako ni Akihiro tungkol sa binili n'yang bahay... este, mansyon at lupa, hindi pa kami ulit nagkikita. As usual, busy na naman s'ya sa photo shoot n'ya. Pero this time, mas naiintindihan ko na s'ya. Alam kong pangarap n'ya 'yon at alam kong hindi biro ang trabaho na nakuha n'ya ngayon. Bukod sa kasama n'ya ang ex-girlfriend n'yang si Scarlet, malaki ang expectation sa kanya dahil isang sexy international magazine ang kumuha sa kanya. I wonder kung paano n'ya nagagawang makipag-trabaho sa ex n'ya. Kasi nga diba parang ang akward? Well, s'ya na ang professional.
Dahil hindi pa kami nagkikita ulit, at dahil malapit na rin ang aming first monthsary, gusto ko s'ya i-surprise kahit na alam kong may surprise rin s'ya sa'kin. In short, mag-sorpresahan kaming dalawa. Pero, seryoso, gusto ko talaga s'yang bigyan ng regalo. Kaso anong regalo? Anong surpresa ang gagawin ko?
Halos maloka na yata ako sa kaiisip pero hindi ko pa rin alam kung anong klaseng surpresa at regalo ang ibibigay ko kay Akihiro para sa nalalapit naming monthsary sa susunod na linggo.
"Tiya, pwede bang pumunta muna ako kina Bruno?" Paalam ko kay Tiya Carina, na kasalukuyang nagbabantay ng tindahan namin sa palengke.
"At ano namang gagawin mo sa kanila, aber?!"
"May itatanong lang po ako."
"Bakit hindi mo na lang itext? Kaylangan ko pa naman ng kasama dahil darating na mamaya 'yong pinadeliver kong stock ng bigas."
"Tiya hindi po pwede. Sige na naman po pumayag n kayo. Importante lang 'to." Pagpupumilit ko.
"Gan'on kaimportante? Tipong ikakamatay mo 'pag 'di mo nasabi sa kanya?"
"Opo tiya, gan'on na nga." Sagot ko.
Binigyan naman n'ya ako na umaatikabong kurot sa singit lang naman.
"Aray naman, Tiya." Angil ko.
"Anong aray ka d'yan? Siguro nangangati na naman 'yang dila mo at hindi ka mapakali. Gusto mo na namang makipagtsismisan." Piningot naman ako ni Tiya, ngayon.
"Aray! Hindi naman po kasi 'to tungkol sa tsismis, eh."
"Magtigil ka d'yan, Chichay ha! Kung ano man 'yang sasabihin mo kay Bruno, mamaya na lang kapag wala na masyadong ginagawa rito."
Napa-nguso na lang ako sa sinabi ni Tiya.
Mamaya pa? Eh, 'di na nga ako mapakali rito. Kainis! Wrong timing.
***
Kinahapunan na nang matapos ang ginagawa ko sa palengke. Kaya naman pinayagan na ko ni Tiya Carina na magpunta kina Bruno. Kaylangan ko s'yang makausap dahil baka makatulong s'ya sa problema ko. Baka mabigyan n'ya ko ng magandang suggestion kung anong klaseng surpresa at regalo ang ibibigay ko kay Akihiro, para sa nalalapit naming monthsary sa susunod na linggo.
Pagkarating ko sa bahay nila Bruno ay sinalubong ako ng malas este, ni Caloy. Anong ginagawa ng kumag na 'to rito?
"My labs, ikaw talaga siguro namiss mo ko kaya hanggang dito sa bahay nila Bruno sinusundan mo 'ko." Pang-aasar ni Caloy.
Teka, akala ko ba malinaw na sa kanya na hanggang friends lang kami?
"Hoy! H'wag kang feeling. Saka diba, binasted na kita?" Inis na sagot ko.
"Alam mo kasi My labs, alam ko namang joke lang 'yong sinabi mo na boyfriend mo si Akihiro, para pagselosin ako." Inakbayan pa ko ng damuhong 'to.
Kaya agad kong tinanggal ang pagkakaakbay n'ya sa'kin.
"Bwisit! Ano bang ginagawa mo rito, ha?!" Singhal ko kay Caloy.
"Inalok kasi ako ni Aling Tinay kung gusto ko raw mag-aral sa Laguna. Libre lang daw. Kaya pumayag na ko. Lalo na nalaman ko na makakasama kita sa iisang school. Diba ang saya-saya n'on." Paliwanag n'ya.
"Hindi!" Mariing sigaw ko.
Juice colored! Hanggang sa Laguna ba naman hindi ako patatahimikin ng damuhong Caloy na 'to na pinaglihi ng nanay n'ya sa ampalaya? My gosh! Magkakawringkles yata ako sa super stress.
"Eh, kung h'wag kaya kayong mag-away dito sa loob ng bahay namin? Nakakaloka 'tong dalawang 'to." Hirit ni Aling Tinay. Hindi ko napansin na nasa harap pala namin s'ya.
"Ay, pasensya na." Paumanhin ko. "Magandang araw po pala, Aling Tinay."
"Magandang araw rin, Chichay." Bati ni Aling Tinay na nanay ni Bruno.
"Pasensya ka na kung niyaya ko si Caloy. Akala ko kasi mag kaybigan kayo."
"Naku, ayos lang po 'yon Aling Tinay. Titiisin ko na lang po ang pagkabwisit sa kumag na 'to." Bulong ko.
"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ni Aling Tinay.
"Ah wala po. Sabi ko po ayos lang. Pwede ko po bang makausap si Bruno?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Oo naman." Ngumiti ito. "Bruno! Tawag ka ni Chichay. Gusto ka raw makausap!" Sigaw ni Aling Tinay habang tinatawag si Bruno.
Lumabas ito sa kanyang lungga, este kwarto at hinarap ako.
"Bakit?" Tanong agad ni Bruno.
"May sasabihin kasi ako. Pwede bang sa labas na lang tayo mag-usap." Sabay tingin kila Aling Tinay at Caloy na nag-uusap.
Ayokong maka-istorbo sa pinag-uusapan nila. At lalong ayokong marinig nila ang pag-uusapan namin ni Bruno.
Kaagad kaming lumabas ng bahay nila at saka kami umupo sa bakanteng upuan na nasa ilalim ng puno ng mangga.
"Ano ba 'yong sasabihin mo?" Tanong ni Bruno.
"Ano kasi-" naputol na sabi ko dahil bigla n'yang tinakpan ang bibig ko.
"Huhulaan ko, nagpunta kayo sa hotel, may nangyari na sa inyo ni Akihiro. At boom buntis ka na. Naku naman Chichay, h'wag mong ipapalaglag ang bata, kasalanan 'yon sa diyos. Hindi mo ba alam 'yon?" Mahabang sabi ni Bruno.
Walang'ya! Anong pinagsasasabi ng gaga na 'to? Napatingin na lang ako ng matalim sa kanya.
"Ay sabagay, paano mo nga naman malalaman 'yon? Eh, tanga ka naman kung minsan." Hirit n'ya ulit.
Agad kong tinanggal ang kamay n'ya na nakatakip sa bibig ko.
"Gaga! Hindi 'yon ang sasabihin ko. Ang dumi ng utak mo." Singhal ko.
"Ah, hindi ba 'yon?" Naguguluhan n'yang tanong
"Oo. Bwisit! Mukhang duda pa 'to. Saka anong sinasabi mong tanga ako kung minsan, aber?!" Nagpamewang pa ko.
"Ano ka ba, mema lang ako 'no!"
"Anong mema?" Nagtatakang tanong ko.
"Mema-sabi, mema-idaldal, mema-ikwento lang, you know."
"Mga pauso mo naman! Oh s'ya manahimik ka na at baka hindi ko masabi kung anong 'yong sasabihin ko."
"Eh, ano ba kasi 'yon? Tungkol saan?"
"Tungkol samin ni Akihiro."
"What?! Break na kayo?!" Pag-hihisterical n'ya.
"Gaga! Manahimik ka nga." Hinampas ko s'ya sa braso. "Ganito kasi 'yon. Monthsary na namin ni Akihiro sa susunod na linggo. Gusto ko s'ya regaluhan at sorpresahin. Kaso paano? Anong ireregalo ko?"
"Ah! Sus 'yan lang pala problema mo, akala ko naman kung ano na."
"Eh, gaga ka kasi. Puro ka hinala." Inirapan ko s'ya. "Ano na? Tulungan mo ko mag-isip."
"Oo na! May utusan ka, eh." Sarkastikong sagot n'ya.
Inirapan ko na lang s'ya dahil hahaba lang ang usapan kapag pinatulan ko pa s'ya.
Sandali kaming natahimik ni Bruno para mag-isip.
"Alam ko na!" Sigaw ni Bruno.
"Nakakagulat ka naman. Pwede namang h'wag sumigaw diba?!"
"Ikaw na nga tutulungan ikaw pa galit? Ano 'to utang na loob ko pa?!"
"Sorry naman. Ano ba 'yong naisip mo?"
"Alam mo kasi Chichay, hindi mo naman kaylangan gawin 'to para kay Akihiro. Sapat na sa kanya na magkasama kayo."
"Alam ko naman 'yon. Kaya lang s'yempre gusto ko pa rin s'yang bigyan ng regalo at sorpresahin."
"Edi mag costume ka ng Sadako tapos sumigaw ka ng surprise, malamang masusurpresa talaga 'yon."
"Hehe, sakit sa t'yan ng joke mo. Gusto mo ihampas ko sa'yo 'tong puno ng mangga? Magseryoso ka nga." Iritableng sagot ko.
"Fine! Siguro bigyan mo s'ya ng isang bagay na wala s'ya."
"Ano naman 'yon? Eh, halos lahat yata ng bagay sa mundo meron s'ya. Sa yaman n'on, malamang kaya n'yang bilhin lahat."
"Kaya nga. Edi, bigyan mo s'ya ng bagay na hindi nabibili ng pera pero siguradong magugustuhan n'ya.
"Hoy! H'wag naman virginity ko. Hindi pa ko ready. Saka kasal muna." Mariing sagot ko.
"Gaga! Hindi 'yon ang tinutukoy ko."
"Eh, ano nga?"
"Mag-effort ka. Ipagluto mo s'ya. O kaya imibis na bumili ka ng pang-regalo gaya ng mga bracelet, greeting card at kung anu-ano pa, bakit hindi na lang ikaw mismo ang gumawa n'on para sa kanya. Paniguradong ma-a-appreciate n'ya 'yon dahil ikaw mismo nag-effort, diba?" Mahabang paliwanag ni Bruno.
In fairness, maganda ang naisip n'ya.
"Oo nga! Galing mo talaga. Ipagluluto ko s'ya ng paborito n'yang sinigang na hipon tapos gagawa ako ng couple bracelet para terno kami."
"'Yan, edi okay na. Wala ka ng problema diba? Sige babalik na ko sa loob. Magkukulot pa ko ng buhok ko." Akmang tatayo na s'ya.
"Sandali, meron pa." Pigil ko sa kanya.
"Ano na naman? Lahat na lang yata ng problema sa mundo sinalo mo na." Iritable n'yang sagot.
"Tulungan mo kong magluto ng sinigang."
"Oo na. Wala naman akong choice."
Agad kong niyakap si Bruno at pinasalamatan sa kabutihan n'ya. Maasahan talaga s'yang kaybigan.
***
Lumipas ang ilang araw, monthsary na namin ni Akihiro. Pinayagan ako ni Tiya Carina na mag-absent muna sa pagtitinda sa palengke.
Maaga pa lamang ay gising na 'ko para mamalengke ng kakaylanganin ko para sa lulutuin kong sinigang na hipon para kay Akihiro. Mas maaga, mas sariwa ang mabibili kong gulay at hipon. At syempre mamimili na rin ako ng materyales para sa gagawin kong couple bracelet.
At wala akong ginawa kundi tumawad ng tumawad sa bawat tindahan na pagbibilhan ko. Syempre sayang rin ang discount 'no. Nang mabili ko na lahat ng kaylangan ko, kaagad na akong bumalik sa bahay para simulan ang paghahanda. Una ko munang ginawa ang couple bracelet habang wala pa si Bruno.
Mabuti na lang talaga at magaling akong magtirintas ng buhok kaya kaya mabilis ko lang natapos ang pag-gawa nitong couple bracelet. Simple lang naman s'ya. Gawa lang s'ya sa mga cord at nilagyan ko ng beads na letter A at C para sa initials namin at heart shape bead naman sa gitna. Dalawang magkapareho ang ginawa ko, isang kulay blue para kay Akihiro at pink naman para sa'kin.
"Ang tagal mo, bakla. Natapos ko na 'to, oh." Bungad ko kay Bruno pag dating n'ya.
"Wala kang pake! Patingin nga n'yan." Agad n'yang hinablot ang ginawa kong couple bracelet nang makalapit s'ya sa'kin.
"Ano? Maganda ba?" Tanong ko kay Bruno habang sinusuri n'yang maige ang pagkakagawa ko sa bracelet.
"Hmm. Pwede na."
"Anong pwede na?"
"Pwede nang itapon."
"Bwisit ka talagang bisugo ka! Pinaghirapan ko 'yan, lalaitin mo lang."
"Biro lang naman! Ang ganda nga nito eh. As in ang ganda itapon." Tumawa na naman s'ya.
Bwisit! Naasar na talaga ako sa bisugo na 'to. Kun'di ko lang s'ya bestfriend, naku! S'ya ang itatapon ko sa tambakan ng basura.
"Kung bitter ka, h'wag mo kong idamay. Tulungan mo na nga lang ako rito." Inis na sagot ko at nagsimula ng balatan ang mga gulay na gagamitin ko para sa pagluluto ng sinigang na hipon.
Matapos naming balatan at hiwain ang mga gulay. Si Bruno naman ang gusto kong hiwain ng pinong-pino. Este, nagsimula na pala kaming magluto ng sinigang na hipon.
Una ko munang pinalambot ang hipon sa kumukulong tubig na may pinisang kamatis gaya ng sinabi ni Bruno. Nang lumambot na, nilagay ko naman ang labanos, kangkong at iba pang mga gulay. Nang luto na ang lahat, tinimplahan ko na 'to gamit ang sampalok mix at kaunting asin.
After ng Chichay's cooking show este, nang pagluluto. Tikiman time na. Kumuha ako ng kutsara at sumandok ng kaunti saka ko binigay kay Bruno para tikman n'ya ang niluto ko.
"Ano, masarap ba, ha? Nakalimutan mo na ba ang pangalan mo? May amnesia ka na ba? Napipi ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ko kay Bruno.
Nasamid tuloy ang gaga kaya natataranta ko s'yang inabutan ng maiinom. Syempre agad n'ya 'yong tinungga. At laking gulat ko nang ibuga n'ya sa maganda kong mukha ang ininom n'ya.
"Gaga ka! Bakit mo ko pinainom ng suka?!" Inis na sagot n'ya.
"Gaga ka rin! Bakit mo ko binugahan?!" Inis na sagot ko habang pinupunasan ko ang mukha ko gamit ang palad ko.
"Kun'di ka nang tanong, edi sana hindi ako nasamid."
"Sige sisihin mo pa ko papakain ko sa'yo tong bote ng suka." Sagot ko.
Lalo akong nainis kay Bruno dahil ako pa talaga ang sinisi n'ya.
"Ewan sa'yo. Oo na, masarap na luto mo." Sabi ni Bruno. Agad naman nawala ang inis ko at napalitan ito ng malapad na ngiti.
"Talaga? Masarap? Walang halong pambobola?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo nga. Masarap nga. Gusto pa uulitin. Hala maligo ka na para madala mo na agad 'to kay Akihiro. Kakain muna ako rito."
"Oo na. Pero h'wag mong uubusin 'yan, ha. Kun'di ikaw ang gagawin kong sinigang."
Hindi na ako kinibo ni Bruno dahil abala sa paglamon ang best friend kong bakla na mukhang bisugo. Kaya naligo na lang ako. Grabe this is it pansit. Excited na ko sa magiging reaksyon ni Akihiro sa mga hinanda kong surpresa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
HumorAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...