ATSC 24

495 22 0
                                    

IKA DALAWAMPU'T APAT NA KABANATA

CHICHAY'S P.O.V

Lumipas ang isang linggo, hindi ko pa rin nasasabi kay Akihiro ang tungkol sa plano ko. Palagi kasi siyang busy sa trabaho n'ya. Ang hirap tuloy lalo makahanap ng tamang tyempo.

Eh, kung tawagan ko kaya s'ya? Tutal hindi ko naman rin masabi sa kanya ng personal at busy s'ya sa trabaho. Oo, tama. Tawagan ko na lang. Wala namang masama kung susubukan ko.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng shorts ko at dinial ang number ni Akihiro. Halos dagain ang puso ko habang hinihintay kong sagutin n'ya ang tawag. Sa ikatlong ring ay sinagot n'ya ang tawag ko.

"Hello, baby love?" Panimula ko.

"Baby love, pwede bang mamaya ka na tumawag? Nasa kalagitnaan kasi ako ng photo shoot, eh. Sorry, ah."

"Gan'on ba? Oh, sige mamaya na lang." Nadismayang sagot ko.

"Sorry talaga, baby love. Bye-bye na. Iloveyou."

"I love you too." At i-n-endcall ko na ang tawag.

Nakakaasar naman! Kahit sa pagtawag ko sa kanya wrong timing pa rin. Kaylan ba ang tamang panahon? Habang patagal ng patagal lalo akong nahihirapan sa kung paano ko ito sasabihin sa kanya.

Habang abala ako sa pag-iisip bigla akong may narinig na malakas na kalabog mula sa kabilang bahay. Malamang nag-aaway na naman ang mag-asawang sina Aling Tinay at si Mang Caryo. 'Tong mag-asawang 'to talaga! Hindi nauubusan ng bangayan. Araw-araw 'yang ganyan. Palibahasa kasi itong si Aling Tinay puro tong-its ang inaatupag kaya itong si Mang Caryo hindi na nag-iintrega ng pera kay Aling Tinay. Ano naman kaya ngayon ang pinag-aawayan ng mga 'to?

Pasimple akong dumungaw sa binta namin para makita kung anong nangyayari. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano batuhin ni Aling Tinay ng kaldero si Mang Caryo.

"H'wag ka ng babalik dito! Ang lakas ng loob mong mambabae! Wala ka namang matinong trabaho! Bwisit!" Litanya ni Aling Tinay.

Ah! Kaya pala. May babae si Mang Caryo. Sus jusme! Eh, ang tanda na ni Mang Caryo ngayon pa s'ya naging chickboy? Wow! Feeling kasing gwapo n'ya si Alden Richards.

"Hoy anong ginagawa mo d'yan? Saka ano 'yong kumalabog kanina?" Sita ni Tiya Carina.

Dahan-dahan kong sinara ang bintana at ready na akong i-tsismis kay Tiya Carina ang nalaman ko.

"Hay naku Tiya, late ka talaga sa balita." Panimula ko. "Si Mang Caryo at si Aling Tinay, nag-aaway na naman."

"Grabe! Araw-araw na lang silang ganya. Ano namang pinag-aawayan nila?" Nagtatakang tanong ni Tiya.

"May babae kasi si Mang Caryo. At alam mo ba Tiya kung sino ang babae n'ya?"

"Sino namang malas ang nabulag ni Caryo?"

"Sino pa ba, edi si Aling Bella. Kung hindi mo kasi naitatanong Tiya, nahuli ko na noon 'yan sina Mang Caryo at Aling Bella na magkaholding hands tapos biglang lumiko sa isang eskinita. Susundan ko sana kaso may lakad pa ko." Mahabang kwento ko sa kanya.

"Talaga?!" Halos ikinabigla ni Tiya Carina ang binalita ko sa kanya.

"Oo. Kaya hindi na ako magtataka kung bukas ng umaga ay sumakabilang bahay na ng tuluyan si Mang Caryo doon kina Aling Bella."

"Hay! Naku ang tsismosa mo talaga, Chichay. Tara na nga sa palengke at tanghali na."

Sumunod naman ako kay Tiya Carina at papunta na kami sa Palengke. Habang naglalakad kami nadaanan namin ang itlugan ni Mang Igme.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon