deidcated po kay sir xerun :)
***
IKALABING ISANG KABANTA
CHICHAY's P.O.V
"Hoy! Gising!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko, dahilan para maalimpungatan ako mula sa kasarapan ng aking pagtulog.
"Hmm?" Tanging sagot ko at nagtalukbong ako ng kumot.
"Hoy, Chichay! Gising na sabi, eh!" Pangungulit n'ya.
Tamad na tamad akong bumangon pero nakapikit pa rin ang mga mata ko.
"Natutulog 'yon tao, eh! Istorbo!" Reklamo ko at bumalik ulit ako sa pagkakahiga.
"Bumangon ka na kasi. Magagalit na naman si Tiya Carina dahil tanghali ka na naman."
Kumaripas naman ako ng tayo at agad kong hinanap ang aking tuwalya para maligo. Natigilan ako sa paghahanap ng mapansin ko sa bintana na madilim pa. Tiningnan ko si Akihiro na nakatayo sa tabi ng aking kama. 'Tong mokong na 'to pala ang sumira sa masarap kong tulog. Kainis!
"Walang'ya ka! Akala ko tanghali na. 'Yon pala madaling araw palang." Pinaghahamapas ko s'ya sa braso. "Saka bakit ka nandito sa kwarto ko? Balak mo kong gahasain 'no!" Hindi ko pa rin siya tinitigilan sa paghampas sa braso.
"Aray!" Reklamo n'ya. Natigilan tuloy ako.
"For your information, wala akong planong gahasain ka. Isa pa nag-paalam ako kay Tiya Carina na magpaplano tayo ng dinner date namin ni Scarlet."
"Dinner date?!" Sigaw ko. "Eh,madaling araw pa lang, dinner na agad 'yang iniisip mo. Kung makagising ka sa akin, akala mo namang buntis ka na hindi mapairi!" Reklamo ko.
Ang lakas ng trip ng Akihiro na 'to! Kasing lakas ng hangin n'ya sa katawan.
"Gan'on talaga ayaw kong magsayang ng oras. Tara na sa bahay para makapagplano na tayo. Bibili pa ko ng mga stuffed toys, baloons at flowers para sa date namin."
"Wow! As if may bukas na mall ngayon! Eh, kahit nga tindahan namin sa palengke sarado pa, eh, mall pa kaya?" Napakamot na lang ako ng ulo.
"Chichay! Sundin mo si Sir Akihiro, kung ayaw mo makulong ulit!" Sigaw ni Tiya Carina mula sa labas ng kwarto ko. Dinilaan naman ako ni Akihito. Pesteng mokong na 'to! Pasalamat talaga siya ayaw kong makulong, kun'di, naku, tatamaan talaga ang mukha nito sa akin!
"Maliligo na 'ko. Hintayin mo na lang ako sa sala." Sabi ko. Sumunod naman si Akihiro at iniwan ko siya sa sala.
Matapos ko maligo at magbihis ay dumeretso kami kina Akihiro. Hindi man lang ako nakapag-almusal dahil d'on na lang daw kami kakain sa condo unit n'ya. Nagpadeliver daw kasi siya ng pancake sa Mc. Donalds. Mabuti naman, dapat talaga pakainin n'ya ko. Kun'di rin naman dahil sa pag gising n'ya sa akin ay malamang tulog na tulog pa ako ngayon. Pagkarating namin sa condo unit niya ay kumain muna kami. Pagkatapos ay nag-plano na kami para sa dinner date daw nila ng ex n'ya. Kulit ng lolo Akihiro, n'yo, hindi makamove-on sa girlfriend n'yang hilaw. Siguro matibay na helmet ang nilagay ni Scarlet sa ulo n'ya kaya hindi matauhan.
"Bakit parang inaapura mo ang panunuyo sa kanya?" Nagtatakang tanong ko.
"Kasi pinopormahan na siya ng kababata ko." Sagot niya.
"Ha? Grabe naman 'yon! Parang wala kayong pinagsamahan."
"Sinabi mo pa." "Eh,paano kung hindi na bumalik si Scarlet dahil gusto na pala niya 'yong kababata mo, anong gagawin mo?"
"Papatay ako ng tao." "Seryoso?!" Napalunok ako. Hindi ko inaasahan na 'yon ang isasagot n'ya sa akin. "Sira! Biro lang 'yon." Tumawa siya. Nakahinga naman ako ng maluwag.
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
HumorAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...