IKA TATLUMPU'T PITONG KABANATA
CHICHAY'S POV
“Oh mag iingat kayo doon sa Laguna ah. Lagi kang tatawag o magtetext. Wag kang magpapagutom at magpupuyat.” Paalala ni Tiya Carina.
“Tiya, uuwi naman po ako pag sem-break. Saka, huwag na po kayong umiyak. Hindi naman ako papabayaan ni Caloy.” Sagot ko habang pinupunasan ko ang mga luha nya.
Niyakap ko si Tiya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Matapos ay nilagay ko na sa inupahan naming jeep ang mga gamit ko.
“Mamimiss kita Tiya.” Niyakap ko ulit sya sa huling sandali.
“Paalam Tiya. Kaming bahala kay Chichay my labs.” Sabi ni Caloy at nagmano kay Tiya.
“Nakapaswerte sayo ng pamangkin ko dahil hindi mo sya pinabayaan. Salamat Caloy.”
Sumakay na kami ng Jeep nang may pamilyar na boses ang tumawag sakin. Ito na naman sya. Hindi ako maaaring magkamali.
“Huwag kang umalis. Ayusin muna natin to, please?” Pagmamakaawa nya.
Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Kapag pinili ko sya, anong kasiguraduhan ko na hindi nya ako lolokohin at sasaktan ulit? Pero kapag pinili ko ang pag-aaral ko sa Laguna anong kasiguraduhan ko na nandyan pa rin sya.
Tumingin ako sa mga mata ni Bruno, na tila ba sinasabi ng mga mata nya na piliin kong umalis kasama sila. Tumango ako at hinarap si Akihiro.
“Kinabukasan ko ang nakataya rito. Huwag kang selfish.” Sagot ko.
Kitang kita ng mga mata ko ang luha sa at lungkot sa mga mata nya. Pero paano ko magagawang maniwala sa taong minsan ng nagparamdam sakin kung gaano pala kasakit ang magmahal.
Nagbuntong hininga ako. Tinalikuran ko na sya at tuluyang sumakay ng jeep kasama sila Bruno. Inaasa ko na lamang ang kapalaran ko sa tadhana. Kung para talaga sya sakin magiging sakin sya kahit ano pang mangyari. Pero sa ngayon ito ang kapalaran ko ang mabuhay sa Laguna kasama sina Caloy. At ipagpatuloy ang pag-aaral ko.
“Kahit sa kalawakan pa magpunta, susundan kita!” Sigaw ni Akihiro habang papalayo ang jeep na sinasakyan namin.
Hindi ko sya tiningnan, tinuon ko ang atensyon ko kay Caloy dahil ito ang sa palagay ko ay tama.
“Okay ka lang ba?” Nag aalalang tanong ni Caloy.
“Oo naman.” Sagot ko at saka ngumiti na para bang walang nangyari.
Ayokong masaktan si Caloy. Ayokong maranasan nya ang dinanas kong sakit dahil lang sa pag-ibig.
**
“Chichay!” Isang pamilyar na boses ang narinig ko.
Lumingon ako at nakita ko syang muli. Napakatamis ng mga ngiti nya at napakasigla ng kanyang mga mata.
Agad ko syang nilapitan.
“Akihiro.” Tawag ko sa pangalan nya.
“Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinahantay rito.”
“Sorry kung natagalan ako. Nainip ka ba?”
“Oo, Akala ko nga hindi ka na babalik.”
“Pwede ba naman yon? Tumingin ka lang sa langit at babalik ako.”
“Ang ganda ng langit at ang payapa.” Namamanghang sabi ko.
“Sa likod ng mga ulap at ng langit ay naroon ang kalawakan. Kahit magpunta ka doon susundan parin kita.”
“Talaga? Kung ganoon, nakarating na pala ako ng kalawakan.” Tininginan nya ako ng may pagtataka. “Kasi ikaw ang universe ko!”
Niyakap nya ako ng mahigpit.
“Ang korney mo ah! Pero alam mo, kahit universe pa ya, galaxy o milky way hindi pa rin makukumpleto ang mundo ko kapag nawala ka. Mahal na mahal kita, Chichay.”
“Mahal na mahal rin kita.” Sagot ko.
Unti-unting lumalapit ang labi nya sa labi ko. Halos naririnig ko na ang paghinga nya sa sobrang lapit. Nambiglang…
“Aray!” Sigaw ko nagpalinga-linga pa ako sa paligid para hanapin si Akihiro pero mukha nina Caloy at Bruno ang tumbad sakin.
Panaginip lang pala! Akala ko totoo na.
“Ano ba kasi yon?” Angil ko.
“Sorry naman Kumars kung kinurot ka na namin. Tulog na tulog ka kasi eh, nandito na tayo.” Paliwanag ni Bruno.
“Ganon ba? Pasensya na ah. Napasarap lang tulog ko.”
“Oo nga eh, sabi mo pa nga, ak--.” Naputol na sabi ni Bruno dahil tinapik sya ni Caloy sa braso.
“Huwag mo na syang pansinin. Bumaba na tayo, hinihintay na tayo ni Tiya.” Sabi ni Caloy.
Isa-isa na naming binaba ang mga bagahe namin mula sa jeep at dinala ito papasok ng bahay ng Tiya ni Caloy na si Tiya Lupe.
Mainit ang pagtanggap samin ni Tiya Lupe at ng asawa nitong si Tiyo Gani na isang mang gagawa ng lambanog. Meron rin silang tindahan ng mga kakanin gaya ng puto, kalamay ay sapin-sapin. Kasama nito sa bahay ang kaisa-isahan nyang anak na si Karen na isang freshman at nag aaral sa University of Laguna.
“Kuya Caloy, ang ganda naman ng girlfriend mo. Iba talaga kapag laki ka sa Maynila.” Puna ni Karen.
“Maganda talaga yang Chichay my labs ko. Reyna kaya yan ng baranggay namin.” Pagmamalaki ni Caloy.
“Naku Karen, mas maganda ka. Saka mas maganda rito sariwa ang hangin kumpara sa Maynila na magulo at mausok.” Sabi ko.
“Eh Kuya, sino naman sya? Alalay nyo ba sya?” Turo nito kay Bruno.
Nagkatinginan kami at natawa na lamang.
“Pasalamat ka, kundi ka lang pinsan ni Caloy, kakalbuhin kita.” Bulong ni Bruno.
“Karen, si Ate Bruno yan. Kaybigan namin sya ni Ate Chichay mo. Maging mabait ka sa kanya.” Paliwanag ni Caloy.
“Ate? Eh bakit panlalaki yong pangalan nya? Bakla ba sya?” Nagtatakang tanong ni Karen.
“Karen, masyado mo ng kinukulit ang kuya Caloy mo. Doon ka muna sa taas.” Suway ni Tiya Lupe.
Hinainan nya kami ng mga samut-saring kakanin.
“Ang sarap! Hindi tinipid sa ingredients.” Puri ko habang ninanamnam ko ang lasa ng kalamay.
“Oo nga, hindi tinipid sa gata.” Dagdag ni Bruno.
“Sa panahon ngayon, hindi lang sapat ang kumita ka lang. Dapat masarap rin.” Pagmamalaki ni Tiya Lupe.
“Eh teka maiba ako, nakatikim na ba kayo ng lambanog?” Hirit ni Tiyo Gani.
“Hindi pa ho.” Sagot ko.
“Sandali at ikukuha ko kayo.”
“Huwag na tiyo. Baka malasing sila.” Pigil ni Caloy.
“Kaunti lamang. Hindi naman sila malalasing.”
Pagkabalik ni Tiyo Gani dala ang bote ng lambanog at isang maliit na baso ay binigyan nya kami ng tagay ni Bruno.
Jusko, ang tapang ng amoy. Paracetamol nga hindi ko mainom. Ito pa kaya na amoy palang alam mo ng lalasingin ka.
“Sige na, masarap yan. Tunay na pamamaraan ang ginawa dyan at hindi kemikal.” Pagbibida ni Tiyo Gani.
“Ako na lang ang iinom.” Hirit ni Caloy.
“Wag na. Kaya na namin ni Bruno to.” Pagmamayabang ko.
Sabay namin ininom ang kapirasong tagay ng lambanog. Sa totoo lang masarap sya na mapait. Teka may mapait bang masarap? Actually kakaiba sya sa feeling, para bang lumulutang ang mga kagamitan sa paligid.
“Oh diba hindi naman kayo nalasing agad?” Sabi ni Tiyo Gani.
“Opo—” At nakaramdam na kami ni Bruno ng pagkahilo kaya napasandal na lamang kami sa Balikat ni Caloy.
Bakit para bang ang sarap matulog kahit tanghaling tapat?
**
Kinabukasan, nagtungo na kaming tatlo sa University of Laguna para ipasa ang mga requirements namin tulad ng form 137 at iba pang hinihingi samin ng school.
Napakalaki at napakalawak nitong campus. Meron itong matataas na building, covered court, gymnasium, mga kainan at garden. Pero higit sa lahat ang pinaka gusto kong parte nitong campus ay ang Nihon Koen, isa itong tradition japanese garden. Meron itong 100 steps papunta sa Torii o japanese arch. Feeling ko nga nasa Japan kami nang makita ko yon kaya agad kaming nagpicture matapos namin umakyat.
“Tara mag wish tayo.” Sabi ni Caloy.
“Mag wish? Bakit magwiwish eh wala namang bukalakaw?” Tanong ni Bruno.
“Sabi kasi ng mga estudyante rito pag inakyat mo raw ito, magwish ka raw pagdating mo sa tuktok. Matutupad daw yon.” Sagot ni Caloy.
“Naku, hindi naman totoo yon.”
“Bahala ka, magwiwish na lang ako.” Pumikit ng mata si Caloy. “Wish ko, sana maging masaya si Chichay.”
Nabigla ako sa wish ni Caloy, anong ibig nyang sabihin doon? Masaya naman ako ah.
Dahil wala naman sigurong masama sa pagwiwish, pinikit ko na rin ang mata ko at saka humiling.
“Sana po makapasa kaming tatlo sa entrance exam para makagraduate na kami.” Sabi ko.
“Hay naku! Sige na nga magwiwish na rin ako.” Pumikit si Bruno at humiling. “Sana magkaroon na ako ng lovelife para hindi na ako third wheel sa dalawang to.”
Tumawa na lamang kami sa hiniling ni Bruno.
Pagbaba namin ng Nihon Koen ay nagpasya kaming kumain muna. Umorder kami ng tinatawag nilang Sisilog as in sizzling sisig, sinangag at itlog. At sobrang sulit na sulit dahil napakasarap na ang mura pa kumpara sa pagkaen sa Maynila. Wala pang 300 pesos yong kinain namin at tatlong tao pa kaming nabusog nito. Narealize ko tuloy na mas maganda pa talagang manirahan sa probinsya kesa sa Maynila. Pero sa bagay, may kagandahan rin naman ang pagtira sa Maynila dahil maraming opportunity ang nandun.
Matapos kumain ay nagyaya na akong umuwi dahil pakiramdam ko napagod ako sa paglilibot nitong Campus.
Paglabas namin ng Campus ay nakita ko si Akihiro, nilapitan nya ako at akmang yayakapin. Pero umiwas ako.
“Chichay, hayaan mo naman akong magpaliwanag sayo. Please? Ayusin na natin to.” Pagmamakaawa nya.
“Eh bakit ba ang kulit mo? Diba sinabi ko na sayo na umalis ka na lang?” Sabi ko.
“Please Chichay, hindi ako titigil hanggat hindi mo ako napapatawad.” Lumapit pa sya sakin lalo at hinawakan ang kamay ko.
Magsasalita na sana ako pero laking gulat ko ng makisali si Caloy sa usapan namin.
“Huwag mo syang hahawakan! Hindi ba't sinabi na nyang umalis ka na. Huwag kang makulit.” Sabi ni Caloy at inalis nya ang kamay ni Akihiro sa kamay ko.
“Huwag kang makialam rito Caloy!” Sigaw ni Akihiro.
“Paano ako hindi makikialam? Eh, girlfriend ko yang kinukulit mo eh!” Sigaw ni Caloy.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko para matigil ang pagtatalo nila. Parang umuurong ang dila ko. Hindi ko alam kung kanino ako dapat kumampi.
“Sinong niloloko mo Caloy? Alam nating lahat na ayaw sayo ni Chichay.” Tiningnan ako ni Akihiro mata sa mata. “Totoo ba? Boyfriend mo na sya?”
Hindi ako makatingin ng deretso sa mata ni Akihiro, hindi ko alam kung anong isasagot ko.
“Sumagot ka! Boyfriend mo na ba si Caloy?” Naiyak na ako dahil sa sigaw ni Akihiro.
“Wag mong sisigawan si Chichay!” Laking gulat ko ng suntukin ni Caloy si Akihiro at dumugo ang gilid ng kanyang labi.
Gumanti rin ng suntok si Akihiro kay Caloy. At hindi ko na malaman kung paano sila aawatin.
“Tama na! Gusto nyong magpatayan? Sige gawin nyo pero wag sa harapan ko!” Sigaw ko.
Tumigil ang dalawa sa pag susuntukan at hinila ko si Bruno pauwi kina Tiya Lupe.
Pagkarating namin sa bahay ni Tiya Lupe ay may nakita kaming bagahe sa katabing kwarto namin ni Karen. Sino kaya tong bisita nila?
“Andyan na pala kayo. Bakit kayo lang? Nasaan si Caloy?” Tanong ni Tiya Lupe.
“Ah may dinaanan lang po.” Palusot ni Bruno.
“Ah.. Sya nga pala, may lalaking nagpunta rito kanina, galing rin syang Maynila. Kakilala nyo raw eh. Sabi nya hahanapin raw kayo. Kaso mukhang nagkasalisi kayo. Dito ko muna sya pinatuloy kasi wala raw syang matutuluyan.” Nagkatinginan kami ni Bruno sasinabi ni Tiya Lupe.
“Ano daw pong pangalan?” Tanong ko.
“Akilino ata. Teka, parang mali. Ah! Akihiro, tama. Napakagwapong bata nga eh at ang ganda pa ng katawan. Siguro modelo yon sa Maynila.” Hirit ni Tiya Lupe.
“Kumars, naku ha mukhang gulo ito.” Hirit ni Bruno.
Mga ilang sandali ay nakarinig kami ng sigawan mula sa labas. Malamang sina Caloy at Akihiro yon. Kaagad silang pinuntahan ni Tiya Lupe.
Sumilip naman kami ni Bruno sa bintana para tingnan ang pagtatalo nilang dalawa.
“Kasalanan mo to! Kundi mo ko sinuntok edi sana hindi satin nagalit si Chichay.” Hirit ni Akihiro.
“Bakit ako? Baka ikaw! Kundi mo sya sinundan rito edi sana hindi kami nag away. Nangugulo ka eh.” Hirit naman ni Caloy.
“Caloy!” Sigaw ni Tiya Lupe at piningot nito ang tenga ni Caloy. “Wag mo syang sisigawa dahil bisita natin sya.”
“Ano po? Ito bisita natin? Bakit nyo po sya pinatuloy rito? Eh ex boyfriend po ito ni Chichay eh.” Sagot ni Caloy.
“Kahit na sino pa sya, pinatuloy ko sya sa bahay dahil kaylangan nya ng tulong. Kaya itrato mo sya ng maayos. Isa pa kung para talaga kayo ni Chichay sa isat-isa kahit anong mangyari magiging kayo pa rin sa huli.” Pangaral ni Tiya Lupe.
Sinamaan nya ng tingin si Akihiro at humingin ng pasensya si Tiya Lupe sa kanya. Nang makita namin na papasok na sila ng bahay at dali-dali kaming tumakbo ni Bruno papunta sa kwarto.
Bilang parusa, ayoko muna silang kausapin na dalawa.
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
HumorAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...