IKA-LABINTATLONG KABANATA
CHICHAY's P.O.V
Tanghali na nang hinatid ako ni Akihiro sa bahay namin. Pumayag na rin ako sa pakiusap n'ya na tulungan ko s'yang magmove-on. Sabi nga n'ya na hindi talaga s'ya maiinlove sa akin dahil hindi daw n'ya ako type. Wow! Hiyang-hiya naman po ako sa kanya. Ang sarap n'yang tuliin for the second time around.
"Chichay, my labs!" Tawag sa akin ng makulit na asungot slash pambansang manliligaw na si Caloy.
Galing kasi ako sa tindahan na malapit sa kanila, para bumili ng modess. Nagsimula na kasing magproduce ng strawberry jam ang aking perlas kaya kaylangan ko ng gumawa ng modess strawberry flavored sandwich.
"'Yan ka na naman, Caloy. Ilang beses ko pa bang sasabihin sa'yo na h'wg mo kong tatawaging my labs? Ang tigas talaga ng bungo mo!" Iritableng sagot ko.
"Sorry na. H'wag ka na magalit. Sige ka, magtatampo 'yang regla mo at ma-me-menopause ka." Tumawa pa s'ya kaya napatawa na rin ako.
"Baliw ka talaga." Sagot ko.
"Chichay, totoo ba 'yong sinabi ni Tiya Carina? Balita kasi na magkasama kayo ng pangit na si Akihiro, buong gabi." Napapout pa ang abnoy, hindi naman bagay sa kanya.
At sinong tinatawag n'yang pangit? Siya ba? Ghad! Buti alam n'ya. Hihihi. Mas gwapo kaya si Akihiro. Oops!
"Oo, totoo nga 'yon. Magkasama kami kagabi." Sagot ko. Bigla naman siya napahagulgol sa hindi ko malamang dahilan.
"Whaaaa! Bakit mo 'to ginawa sa'kin! Whaaaa! Huhuhu! Ang sakit sa heart-" naputol na atungal n'ya dahil binatukan ko s'ya.
"H'wag kang unatungal d'yan, buhay pa 'ko!"
"Ay, sorry. Na-carried away lang." Pinunasan naman n'ya ang luha at uhog n'ya. "Ano ba kasing ginawa n'yo ng ugok na 'yon at inabot kayo ng magdamag?"
"Syempre, tinulungan ko 'yong tao na bumalik 'yong girlfriend n'ya. Kaso hindi naman sumipot. 'Yon ang ending, nagpapatulong na s'ya sa'kin magmove-on ngayon." Teka bakit ba ako nagpapaliwanag sa gunggong na 'to, eh hindi ko naman jowa 'to. Kaasar, ha!
"Tinulungan mo naman?" Napanguso na naman s'ya.
"Syempre. Ayoko nang bumalik sa kulungan ulit, 'no. Baka idemanda na naman ako n'on tulad ng dati."
"Hay! Sana kasing yaman na lang n'ya 'ko. 'Edi sana hindi mo na kaylangang ibenta ang sarili mo sa kanya." Taena? Anong sinasabi nito.
"Anong sinasabi mong binenta ko ang sarili ko? Dumi ng utak mo, ha! Hindi 'yon ang sinabi ko. Bobo mo!"
"Ah, hindi ba? Sorry, advance lang. Hihi." Nagpacute pa ang gago. Kapag talaga si Caloy ang kausap mo mahahawa ka sa ka-abnoyan n'ya.
"Alam mo, Caloy, tatapatin na kita. Hindi kita kayang mahalin. Hanggang kaybigan lang talaga ang tingin ko sa'yo. Sana mapatawad mo 'ko."
Bigla namang nalukot ang mukha ni Caloy, may mga namumuomg luha na rin sa gilid ng mga mata n'ya. Feel na feel n'ya na para s'yang nasa drama-rama sa hapon. Gusto kong matawa kasi ang pangit n'ya. Pero pinipigilan ko dahil para may drama part naman sa story ko diba? Saan ka pa!
"Caloy, sorry talaga. Sana mapatawad-" naputol ba sabi ko dahil nilagay n'ya ang hintuturo n'ya sa bibig ko. Pero shoot ito sa ilong ko. I wonder kung paghugot n'ya, may kulangot 'tong kasama.
"Ayoko nang marinig ang paliwanag mo, Chichay. Tama na 'to. Hindi ko na kaya. Ang sakit-sakit na." Bigla nyang tinanggal ang kamay n'ya at tama nga ako, may sumabit na kulangot sa daliri nya.
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
HumorAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...