ATSC 23

475 23 3
                                    

IKA DALAWAMPU'T TATLONG KABANATA

CHICHAY'S P.O.V

Kinagabihan ay abala si Tiya Carina sa pag-aasikaso sa bisita n'ya- ang nanay ni Bruno na si Aling Iska. I wonder kung bakit inabot si Aling Iska ng gabi sa pamamahay namin? Malamang dinaldal na naman s'ya ni Tiya Carina kaya hindi na ito nakauwi sa bahay nila.

"Tiya, bakit n'yo naman ho pinaabot ng gabi si Aling Iska dito? Eh, galing pa 'yan ng Laguna, ah! Baka ho pagod na 'yan at gusto ng magpahinga." Panimula ko habang inaayos ang hapag-kainan.

"Ano ka ba? Kaya nga s'ya ginabi dito ay dahil gusto ka raw n'yang makausap."

May pagtataka akong tumingin sa kanya.

"Bakit raw po?" Nagtatakang tanong ko.

"Pag-usapan natin 'yan ngayon. Tawagin mo na sina Iska at kakain na tayo."

Sinunod ko naman ang utos ni Tiya. Tinawag ko sina Aling Iska at Bruno, na kasalukuyang nasa sala at nanunuod ng tv, upag yayain na kumain. Agad naman silang tumayo at sumunod sa'kin sa kusina.

Habang abala kami sa pag-kain ay inumpisahan na ni Aling Iska ang sasabihin nito sa'kin.

"Chichay, kaya ako naparito ay dahil ibabalita ko sa'yo na may libreng paaral ng short coarse sa bayan namin sa Laguna. Baka gusto mong mag-enroll. May culinary, baking, sewing, cosmetology, at welding. Indemand 'yon ngayon. Lalo na ang mga skilled bakers at welders sa abroad."

Halos mag ningning ang mata ko sa narinig ko. Libreng paaral? Bongga! Sa wakas makakapag-aral na ulit ako. Ang tagal ko ng gustong bumalik sa pag-aaral. Gusto kong makatapos kahit short coarse man lang. Pero dahil wala kaming pera napilitan akong tumigil pagkatapos ko sa highschool. Hindi ko naman masisisi si Tiya Carina kung bakit ganito ang nangyari, eh.

Pero sobrang saya ko lang talaga dahil makakapag-aral na ko. At take note, indemand daw sa ibang bansa. May chance na ko na maiahon ang buhay namin ni Tiya Carina sa kahirapan.

Kaya lang,paano na si Akihiro? Ang layo ng Laguna sa Maynila. Paniguradong mamimiss ko s'ya dahil hindi na kami magkikita kung sakaling mag-aral ako roon.

"Syempre po, gustung-gusto ko. Kaya lang po mag-papaalam po muna ako sa boyfriend ko. Baka po kasi magalit kung hindi ko sasabihin sa kanya na plano kong mag-aral sa labas ng Maynila." Magalang na sagot ko kay Aling Iska.

"Hay naku, Kumars! Ibang level ba talaga kayo ni Akihiro. Alam mo, sigurado naman akong papayag 'yon lalo na kung para naman 'to sa future mo. Sumama ka na. Kasama mo naman ako d'on, eh." Pagpupumilit ni Bruno.

"Eh, kaylan ba 'yon?" Tanong ko kay Bruno.

"Sa November pa naman."

Kung September ngayon, ibig sabihin may dalawang buwan pa ko para makapag-paalam kay Akihiro.

"Sige po Aling Iska, sasama na po ako. Magpapapaalam na lang po ako ng maayos kay Akihiro. Sigurado naman po ako na maiintindihan n'ya 'ko sa naging desisyon ko."

Matapos ang pagkain namin ng gabihan ay umuwi na ang mag-inang sina Aling Iska at Bruno.

Habang abala ako sa pagliligpit ng pinagkainan namin ay halos sumakit na ang eardrums ko sa umaatikabong pangaral ni Tiya Carina.

"Oh, hindi porke't wala ako d'on para bantayan ka ay gagawa ka ng mga kung anu-anong kalokohan, ha? Tandaan mo, ibang lugar 'yon. Kaylangan mong makisama. Lalo na sa pamilya ni Bruno. Kahit mukhang bisugo 'yang kaybigan mo, kaylangan mo pa rin pakitunguhan sila ng maganda. H'wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Aling Iska. Tandaan mo, makikitira ka lang sa kanila." Mahabang litanya n'ya.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon