IKAANIM NA KABANATA
CHICHAY'S POV
Kagigising ko pa lang ng alas sais ng umaga nang ka agad kong buksan ang tv para manood ng showbiz news. Nang biglang nanlaki ang mga mata ko sa breaking news na bumungad sa akin. At binasa ko ang nakaflash sa tv screen.
"Sikat na fashion hunk hearthrob na si Akihiro Monreal break na sa kanyang sikat na model and endorser girlfriend na si Scarlet Chen."
Oh my goodness! Kaya ba sila nagbreak ay dahil sa akin? Shemay haba ng hair! Pero teka kami na ba talaga ng bwisit na Akihiro na 'yon? Sa isip-isip ko.
Tuluyan kong pinakinggan ang balita tungkol doon.
"Ayon sa aming source ang dahilan daw ng break up ng sikat na couple ay ang isang mysterious girl na hinalikan ni Akihiro kamakaylan lamang. Dagdag pa nito ay isang nobody daw ang mystery girl na kanyang tinutukoy." Sabi sa balita sa tv at biglang nag change screen at pinakita ang isang babae na napakaganda na iniinterview ng news caster.
Siya pala ang girlfriend ni Akihiro. S'ya din 'yong nakita ko sa hotel noong nagpunta ako doon. Para talaga siyang dyosa. Namamanghang sabi ng aking isipan.
"Yeah totoo nga 'yan. Akihiro and I are seperated since yesterday. Hmm I guess sana happy sila ng mystery girl n'ya. That's all." Sabi ng magandang babae na i-ni-interview sa tv.
Ang ganda ganda n'ya talaga kumpara sa akin. Hay! Ganoon ba talaga siya kaseryoso sa akin para talikuran ang isang babaeng tila isang dyosa? Tanong ko sa akin sarili.
"Hoy Chichay!" Sigaw ni Tiya Carina na nakapagbalik sa akin sa realidad.
"Bakit po?" Turan ko.
"Patayin mo na 'yang tv at maligo ka na. Pupunta na ako sa palengke. Bilisan mo at sumunod ka na sa akin agad doon."
"Opo 'eto na po. Mag iingat kayo tiya."
Pinatay ko naman ang tv tulad ng pinaguutos niya at saka naligo.
Palabas na ako ng aming bahay papunta sa palengke nang makita ko ang isang lalaki na matiyagang naghihintay sa tapat ng bahay namin.
Hay naku! Eto na naman 'tong makulit na 'to! Sa isip-isip ko.
"Caloy!" Tawag ko sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito?" Dagdag ko.
"Magandang umaga Chichay my labs." Bati niya sa akin.
"Caloy naman eh! Diba sinabi ko na sa'yo na ayaw ko ng tinatawag mo kong my labs."
"P-pero kasi my labs kita eh." Parang batang sagot niya.
"Hay naku heto na naman tayo Caloy. Teka lang, bakit ka ba nandito? May kaylangan ka ba?"
Biglang namula ang pisngi at tainga ni Caloy.
Anyare?! Wala naman akong sinabing nakakakilig diba?! Isip-isip ko.
"Sabi ni Tiya Carina ihatid daw kita sa palengke para hindi ka na ma-late." Bigla niyang kinuha ang dala kong bag.
Napailing ako sa narining ko mula sa kanya.
"Si Tiya talaga. Naabala ka pa tuloy." Sabi ko.
"Ayos lang 'yon my labs. Ikaw pa! Eh labs na labs kita." Kumindat pa siya.
Hindi ako kinikilig... Kinikilabutan ako! Sa isip-isip ko.
"Hay ewan! Tara na nga!"
Pumara si Caloy ng tricycle at sumakay kami para pumunta sa palengke.
"Kuya sa palengke lang po." Sabi ni Caloy sa Driver na pinatakbo naman agad ang kanyang tricycle.
Maya-maya ay may naramdaman akong kung anong nakapatong sa balikat ko. Pagtingin ko, kamay pala ni Caloy at nakaakbay siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
HumorAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...