ATSC 05

856 40 8
                                    

IKALIMANG KABANATA

AKIHIRO'S POV

"Hi babe." Bati ko sa girlfriend kong si Scarlet habang inaayusan siya ng kaniyang make-up artist para sa photo shoot.

"Hello din babe." Turan niya. Hindi man lang niya ako tiningnan.

"I brought your favorite chocolates and a boquet of red roses."

"Sige babe paki bigay na lang sa personal assistant ko. Mamaya ko na lang kakainin." Abala pa rin siya sa pagtingin sa kaniyang reflection sa harapan ng salamin.

Inabot ko sa kaniyang P.A ang dala kong bulaklak at isang box ng ferrero chocolates tulad ng pakisuyo ni Scarlet.

"Babe, hintayin mo na lang ako sa studio huh? Busy pa kasi ako." Hindi pa rin s'ya tumingin sa akin.

Lumabas na lamang ako ng dressing room tulad ng pinaguutos niya. Naupo na lamang ako sa bench malapit sa dressing room para hintayin ang kanyang paglabas habang naglalaro ako ng clash of clans sa phone ko.

Habang abala ako sa paglalaro ay biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako doon sa pag-aakala na baka si Scarlet ang lumabas pero P.A n'ya lang pala 'yon. Biglang napakunot ang noo ko nang makita kong hawak hawak ng P.A ni Scarlet ang boquet na galing sa akin at inaamoy pa ito kaya naman nilapitan ko siya.

"Miss bakit nasa iyo 'yang bulaklak na binigay ko sa girlfriend ko?" Nagtatakang tanong ko.

"Ah sir, kasi allergic daw po si Miss Scarlet sa bulaklak kaya po binigay na lang po n'ya sa akin 'to." Turan niya.

"Ah ganoon ba-"

"Naku sir, h'wag po sana kayong magalit ibabalik ko na lang po sa inyo 'tong bulaklak."

"Hindi na sa'yo na yan. Salamat at naappreciate mo." Hindi ko na hinhintay ang isasagot sa akin ng P.A ni Scarlet at tinalikuran ko na lamang siya.

Bumalik na lamang ako sa bench na inuupuan ko kanina dahil sa inis ko.

Bakit sabi n'ya sa akin dati ay mahilig siya sa roses? Sa isip-isip ko.

Akala ko ay 'yon na ang ikaiinis ko ng todo pero mas lalo pa pala akong nainis nang makita ko ang isang staff na may dala-dalang chocolates at boquet ng tulips habang patungo sa dressing room ni Scarlet.

Kaagad akong tumayo upang harangin ang staff na 'yon.

"Kanino galing 'yan?!" Inis na tanong ko sa staff. Hindi ko maiwasan ang hindi mag taas ng boses dahil sa inis ko.

"Sir Akihiro pinadala po 'to ni Sir Troy."

Pakiramdam ko ay biglang umakyat ang dugo ko sa aking ulo kaya naman ay biglaan ko na ring hinablot ang dala ng staff. Mukha naman itong natakot sa reaction ko.

"Ako na magbibigay nito sa kanya." Agad kong binuksan ang pinto ng dressing room ni Scarlet at hindi ko na napigilan ang sarili kong magselos.

"Akala ko ba roses ang paborito mo? Tapos sabi ng P.A mo allegic ka daw sa bulaklak. Pero ano 'to ha?!" Halos dumagundong ang boses ko sa apat na sulok ng kaniyang dressing room kasabay ng paghagis ko ng bulaklak at box ng chocolates na galing kay Troy.

"Ano? Teka anong sinasabi mo babe? Saka kanino ba galing 'yan?" Nagtatakang tanong ni Scarlet.

Ngayon lang siya lumingon sa akin.

"What the hell! Hindi mo alam? Galing lang naman 'to kay Troy! Tell me ginagago nyo ba ko?!"

"Are you accusing me?!" Nagsimula na ring mag-init ang ulo ni Scarlet at sinigawan na n'ya ako. "Ang kitid ng utak mo! Kung puro selos ang paiiralin mo maghiwalay na lang tayo! Bwisit!" dagdag niya.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon