ATSC 26

478 20 1
                                    

dedicated to xxkjgixx salamat sa support. aldubyou.

***

IKA DALAWAMPU'T ANIM NA KABANATA

AKIHIRO'S P.O.V

"Good morning, Akihiro." Bati sakin ng pinakamagaling na stylist ng bansa na si Mavs. Kadarating ko lang sa venue kung saan gaganapin ang photoshoot para sa international sexy magazine.
"Good morning, Mavs. Shall we start?" Maikling sagot ko.
Noong una, gustong-gusto ko talaga maging part nitong magazine na 'to. Syempre sino bang modelo ang ayaw makilala at mapabilang sa isang prestigeous and international sexy magazine? I think, wala.
Pero nang malaman ko na makakasama ko si Scarlet sa project na 'to, medyo naging hesitant akong tanggapin 'to. Syempre iniisip ko ang kapakanan at ang mararamdaman ni Chichay kapag nalaman n'ya na makakatrabaho ko ang ex-girlfriend ko. Of coarse, walang babae ang hindi magseselos sa gan'ong set-up. Pero hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko at binigyan Nya ko ng napaka-mapagmahal at understanding na girlfriend tulad ni Chichay.
Thanks to her, matutupad ko na ang pangarap ko ng hindi nag-aalangan.
Habang inaayos ni Mavs ang isusuot ko para sa photoshoot, nagtext muna ako kay Chichay na magsisimula na na kaming mag-shoot maya-maya.
"Done. Suotin mo na 'to." Sabi n'ya sabay abot ng black leather fitted low-waist pants.
Love making ang motif ng magazine. So, kaylangan raw magsuot kami ng something black and red na babagay sa motif.
Agad akong pumasok sa dressing room para makapagpalit ng damit. Pagkatapos n'on ay lumabas na akong suot ang attire na binigay sa'kin ni Mavs.
"Nice. You're really hot, aren't you?" Napangisi na lang ako sa compliment ni Mavs gamit ang kanyang bedroom voice at tila akit na akit sa'kin.
'Yan si Mavs kahit trabaho, hindi maiwasan ang pagiging maloko. Which I found it really cool. Nakakatanggal ng stress.
"Stop it Mavs. Baka ma-carried away ako." Natatawang sagot ko. Nakisabay na rin ako sa joke n'ya.
"Oh! Come on, Akihiro. Kiss me." Napatawa na lang ako ng malakas.
"Kiss your a$$ kamo! Bilisan na nga lang natin at para makapagshoot na tayo."
After ng kalokohan portion ni Mavs, inayusan na n'ya ko. Pinilagyan n'ya ng oil 'yong katawan at abs ko para daw shinny at ma-enhance ang kasexyhan nito. Tapos nilagyan n'ya ng kaunting foundation ang mukha ko. Syempre para hindi oily sa picture. Tapos nilagyan n'ya ng wax 'yong buhok ko at ginawang messy look ang buhok ko.
Matapos n'ya kong ayusan, nag-paalam s'ya saglit na may kukunin pa raw s'yang mga damit at props sa kotse n'ya.
Naiwan muna akong mag-isa sa dressing room habang hinihintay ko ang call signal para sa photoshoot.
Habang naghihintay ako, bigla namang bumukas ang pintuan ng dressing room ko. Kitang-kita ko ang repleksyon n'ya sa salamin. Tanging black underwear lang ang suot n'ya. Naka make-up na rin s'ya at ready na rin for photo shoot.
Anong ginagawa n'ya rito sa dressing room ko? Hindi ba s'ya aware sa salitang 'knock the door before you open'?
"Sa susunod matuto kang kumatok." Walang ganang sabi ko. "Bakit nandito ka?"
"Relax, Akihiro. I won't bite you. But, I can kiss you If you like." Sagot n'ya habang papalapit sa gawi ko.
"Stop that non-sense, Scarlet... will you?" Iritableng sagot ko.
Pero imbis na magalit s'ya sa ginawa kong pagtataboy sa kanya, mas lalo pa s'yang lumapit sa'kin na kinabigla ko. Kulang na lang mahalikan n'ya ko sa sobrang lapit n'ya.
Ano namang gustong palabasin ng babaeng 'to? Bakit n'ya ko inaakit? Hindi pa ba s'ya masaya sa boyfriend n'ya? Kasi ako masaya na ko sa girlfriend ko. So, I don't even need her anyway.
"Nakaka-challenge ka naman, Akihiro. That's why I can't get enough of you." Mapang-akit na sabi n'ya.
Agad ko s'yang hinawakan sa magkabilang balikat at agad na nilayo s'ya sa'kin.
"Whatever you say." Sagot ko at tinalikuran s'ya.
"Oh, really? Kahit ngayon na nakipag-break na ako kay Troy dahil mahal pa rin kita, hindi mo pa rin ako babalikan?"
Napalingon ako sa sinabi n'ya. She really have the guts para isiping babalikan ko pa s'ya pagkatapos ng nangyari. At anong sinasabi n'yang mahal n'ya ko? WTF!
"Hindi kita babalikan kahit ano pang sabihin mo." Nakangising sagot ko.
"What the hell! Ako si Scarlet Chen. Walang lalaki ang tumatanggi sa'kin. What's wrong with you? Sa ganda at sexy kong 'to lahat ng lalaki nangkakandarapa sa'kin. Diba gusto mo 'ko? Diba mahal mo 'ko?" Inis na inis na sabi n'ya.
Yeah, I hurt her ego there. But she sound so desperate.
"You're so desperate! Oo, gusto kita... noon. Oo, mahal kita... noon. Iba na ngayon, Scarlet. May girlfriend na 'ko. S'ya ang mahal ko. So go to hell away from me!" Sigaw ko at pinagbuksan ko pa s'ya ng pintuan para makalabas s'ya ng dressing room ko.
"Hindi pa tayo tapos, Akihiro. Sisiguraduhin kong magiging akin ka ulit." At tuluyan na s'yang lumabas sa dressing room ko.
Napapikit na lamang ako habang hinihot ang sintido ko. Fvck!
"Hey! What happened? You look so stress." Nag-aalalang tanong ni Mavs pagkabalik n'ya mula labas.
"Don't mind me. Wala 'to." Sagot ko.
"Talaga?" Paniniguro n'ya.
Tumago ako bilang sagot.
***
Ready na ang lahat, nakaset-up na ang camera at lightnings. Nakaset-up na rin ang kama at iba pang props na gagamitin sa photo shoot kung saan kami kukunan.
Pinapwesto na kaming dalawa ni Scarlet ng mga crew team sa ibabaw ng kama. Kaylangan raw mukha kaming nasa stage ng 'love making'. So, humiga na ko sa kama tulad ng sabi nila. Tinali nila ng white cloth 'yong dalawang kamay ko sa head board ng kama. Then, pwumesto na sa ibabaw ko si Scarlet. Para kaming nasa isa sa mga eksena sa fifty shades of grey dahil sa posing na 'yon. At nagsimula na kaming kunan ng picture.
"Come on. Give me guys your sexiest look." Que ng photographer na si Mark.
Todo project naman ako kahit na ramdam ko na hindi ako komportable dahil kasama ko si Scarlet sa photo shoot. S'ya ang partner ko at unfortunately kaylangan kong maging professional kahit na ayoko ng ganito kami ka-dikit sa isa't-isa, skin-to-skin.
And of coarse, hindi naman pinalampas ni Scarlet ang pagkakataon na 'to. Mas lalo n'yang dinidikit ang sarili n'ya sa'kin kaya mas lalo akong hindi naging komportable. I don't know kung part pa ba 'to ng photo shoot at nagpapakaprofessional lang s'ya. O talagang inaakit n'ya lang ako? Lalo na ngayon ganito ang suot n'ya. Halos nakahubad na s'ya. At nasa ganito kaming position. Napaka-akward!
"What the hell, Akihiro! I need you to have an eye-contact with Scarlet. But look at you. You look so fvcking uncomfortable." Iritableng sabi ni Mark.
"Sorry, Dude." Paumanhin ko. Ayokong pagmulan ng delay nitong photo shoot. Ayokong lumabas na unprofessional ako.
"We don't need your sorry. I'll give you one minute break para ayusin 'to. Or else hahanap kami ng ibang modelo." Warning n'ya.
Dahil pangarap ko 'to, I guess kaylangan kong makipagsabayan kay Scarlet. Trabaho lang 'to, Akihiro.
***
After one minute break, balik na kami sa photo shoot. Nakipag-sabayan ako kay Scarlet sa pag-project sa camera. Binigay ko na lahat ng pwede kong ibigay para maging maganda ang kalabasan ng photo shoot. Wala na akong pakialam kung halos magpalitan na kami ng mukha ni Scarlet sa sobrang lapit at dikit ng katawan namin sa isa't-isa. Trabaho lang naman 'to, eh. No hard feelings involve. So, it's up to her kung anong iisipin n'ya. Nagpapaka-professional lang ako. And besides, sexy magazine 'to. Kaylangan magmukha kaming sexy and hot.
"Good take!" Masayang sigaw ni Mark. "You have five minutes to change your wardrobe."
Pabalik na sana ako sa dressing room nang tawagin ako ni Mark.
"Keep it up, Akihiro." Nag-smirk na lang ako at tuluyang bumalik sa dressing room.
***
Habang patagal ng patagal ang photo shoot, pabawas ng pabawas ang suot ko. This time pareho na lang kaming naka-black underwear ni Scarlet. At habang tumatagal mas lalo ring nagiging intense ang posing namin. Nandyang 'yong nasa ibabaw ako ni Scarlet. Minsan nasa ibabaw ko s'ya. Meron pang shots na kaylangan kong ilapit 'yong mukha ko sa dibdib n'ya. Tapos may mga shots din na halos kulang na lang utusan nila kaming mag $ex ni Scarlet sa harap ng buong crew para mas lalong sexy, hot and intense 'yong kalalabasan nitong photo shoot namin.
"Okay, last shot na 'to." Sabi ni Mark. "Scarlet, take off your bra."
"What?!" Napasigaw ako sa gulat dahil sa narinig ko.
"Seriously, Akihiro? Sexy magazine 'to. Hindi maiiwasan na mag-topless."
WTF! Ngayon palang magdadasal na ko na sana hindi 'to makita ni Chichay. Kundi, paniguradong lagot ako. Though, aware s'yang sexy magazine 'to. Pero syempre, baka malaswaan pa rin s'ya. Hay! Bahala na si Batman.
"Akihiro, come on! Alam kong perfect ang boobs ko. H'wag ka ng tulala d'yan. You can have it all after ng photo shoot natin." Sabi ni Scarlet na nakapagpabalik sa'kin sa realidad.
Naka topless na agad s'ya at tanging manipis na hibla na lang ng kanyang mahabang buhok ang nakatakip sa kanyang dibdib.
And what did she just say? Ako nakatulala sa boobs n'ya! Fvcking no!
Pwumesto ulit kami ng maayos sa ibabaw ng kama. Nakaupo si Scarlet at naka-open ang legs n'ya. Habang nakatuon ang kanyang kamay sa pagitan nito. Pinapwesto naman ako sa likod ni Scarlet naka luhod ako. Habang nilagay ng isang crew 'yong mga braso ko sa dibdib ni Scarlet. Mukha ko na s'yang niyayakap ngayon dahil sa posing na 'to.
"Okay. Akihiro, I want you to kiss Scarlet's neck passionately. And Scarlet, gusto kong makita na plesure ka sa ginagawa ni Akihiro."
So, I have no choice. Ginawa ko ang sinabi ni Mark na photographer namin. Kahit ayoko, hinalikan ko si Scarlet sa leeg na parang inaakit ko s'ya. Habang patuloy lang ang pag-flash ng camera ni Mark sa harap namin.
Ramdam ko na nag-eenjoy lang si Scarlet sa ginagawa ko. I guess, I am a really damn good kisser kahit na labag pa rin to sa kalooban ko.
"Uhmm! Akihiro." Napa-ungol na si Scarlet sa halik ko. Pero hindi ko pa rin magawang tigilan ang halikan s'ya sa leeg dahil hindi pa sinasabing 'cut'.
After seconds, sa wakas tapos na ang photo shoot.
"That was perfect!" Puri ni Mark. "Great job guys. The last shoot will be the center fold of our magazine and this one will be the cover." Pinakita samin ni Mark 'yong picture na napili n'ya para sa cover. Kung saan halos nakadikit 'yong mukha ko sa dibdib ni Scarlet.
Goodluck sa'kin! Sana talaga hindi magalit si Chichay. H'wag sana s'yang malaswaan dahil trabaho lang naman 'to.
Pagkatapos ng photo shoot, nagbihis agad ako ng desente at nag pack-up na kaming lahat. Agad kong tinawagan si Chichay dahil paniguradong naghihintay na 'yon sa tawag ko.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan s'ya. Sa ikatlong ring, sinagot n'ya ang tawag ko.
"Hello baby love. Kumusta ang photo shoot n'yo?" Panimula ni Chichay sa kabilang linya.
"Ok lang." Tipid na tipid na sagot ko. Ngayon pa lang nag-aalala na ko sa magiging reaksyon n'ya kapag nakita n'ya ang magazine.
"Oh, bakit parang hindi ka okay? May nangyari bang hindi maganda?" Nag-aalala n'yang tanong.
"Sorry, pagod lang siguro ako." Pagsisinungaling ko.
"Gan'on ba. Pahinga ka mamaya ah. S'ya nga pala may sasabihin ako."
"Ano 'yon?" Tanong ko.
"First monthsary na natin nextweek. Ang bilis diba? Parang kaylan lang n'ong nagkakilala tayo."
Biglang nagbago ang mood ko dahil d'on. Ang bilis nga ng panahon. Parang kaylan lang sarap na sarap akong inisin s'ya pero heto kami ngayon, isang buwan na mula ng mag-mahalan kami.
"Oo nga, eh. Dati lagi mo kong binubungangaan. Ngayon binubungangaan mo pa rin ako." Pagbibiro ko.
"Tse! Ikaw nga d'yan, saksakan ng sungit noon. Ngayon nagsusungit ka pa rin." Natatawa n'yang sagot.
"Hindi kaya ako masungit. Pero aminin mo gwapo ako n'on. Pero mas lalo akong gwapo ngayon."
"Baliw ka talaga, Akihiro! Pero... tama sobrang gwapo mo pa rin ngayon."
"At sobrang ganda mo, Chichay." Sagot ko. Kung kasama ko lang s'ya ngayon, malamang kanina ko pa s'ya niyakap sa sobrang pagkamiss sa kakulitan n'ya.
"Asus! Bola!"
"Totoo 'yon!" Sagot ko. "May surprise ako sa'yo"
"Talaga? Ano 'yon?" Excited n'yang tanong.
"Suprise nga, eh. Abangan mo na lang." Napangiti ako.
"Hmm! Daya! Sige na nga. I love you."
"I love you too, Chichay ko."
And I felt relief.


Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon