ATSC 35

139 2 1
                                    

IKA TATLUMPU'T LIMANG KABANATA



CHICHAY'S POV



Halos hindi mapakali si Bruno nang datnan ko sya sa backstage.



"Oh anong problema? Dahil ba sa performance ko? Nakabawi naman ako diba?" Nagtatakang tanong ko.



"Hindi yon. Itong gown mo kasi eh. May sumira." Nanlulumong sagot nya habang hawak hawak ang gown ko.



Ginawa ito ni Bruno para sa akin. Ilang gabi nya rin itong pinagpuyatan at pinagpaguran na gawin. Parang katulad ito ng royal blue gown ni Pia Wurtzbach.



"Bakit? Paano? Sinong sumira?" Tanong ko. Naguguluhan ako. Bakit gown ko pa?



"Ewan ko. Hindi ko alam. Siguro kagagawan ito nong babaeng umaway sayo kanina. Teka susugurin ko yon."



"Tama na Bruno. Huwag na. Wala naman tayong ebidensya laban sa kanya eh." Napabuntong hininga na lang kaming dalawa ni Bruno sa sobrang pagkadismaya.



"Eh anong gagamitin mong gown?" Nag aalalang tanong ni Bruno habang nakatingin sa gown.



Kinuha ko ang gown mula sa kanya at may malaki itong sira sa harapan at tagiliran. Mukhang hindi na talaga masusuot ito.



"Kung ano na lang yong sinuot ko sa introduction, yon na lang." Sagot ko. Wala na kaming choice eh.



"Pero nasuot mo na yon kanina. Baka pagtawanan ka nila."


"Eh, ano naman? Ang importante lumaban ako ng patas at hindi sumuko." Sabi ko at sinuot ko na ang gown na sinuot ko noong nag introduction ako kanina.



Isa isang tinawag ang kandidata at isa isa rin kaming rumampa sa stage.



"Diba suot mo na yan kanina? Yuck outfit repeater!" Bulong ni candidate number 4 na umaway sakin kanina.



Naku kundi lang maraming tao, nakipag wrestling na ko sa babaeng kuhol na to. Akala mo kung sinong maganda eh ang itim naman ng kili-kili!



"Imbis na awayin mo ako, bakit hindi ka na lang magkuskos ng kili-kili mong kasing itim ng pwet ng kaldero?" Palabang sabi ko. Akala yata nitong babaeng ito uurungan ko sya.



"Ah ganoon!" Gigil na sabi nya nakita kong iaangat na nya ang kamay nya para sampalin ako.



"Sige sampalin mo ko, nang madisqualified ka." Hamon ko sa kanya.



Agad nyang binaba ang kamay nya. At nagsimula na ang totoong laban, Tinawag na sya ng host pra sumagot sa question and answer portion. Hindi ko na namalayan na kanina pa pala sumagot ang mga naunang kandidata. Bwisit kasi tong si candidate number 4 hindi ko tuloy narinig kung paano sumagot yong mga co-candidates ko.



"Good evening candidate number 4, bumunot ka na ng tanong." Sabi ng host at pinabunot ito ng papel sa isang nanlilimahig na arinolal na naglalaman ng mga tanong. Inabot nya ang papel sa host at binasa ito.



"What is your edge among your co-candidates that will make you become the next Ms. Divisoria 2016?"



"Ah..Eh ano po." Bakas sa boses ni candidate number 4 ang kaba. Ayan nakarma ka tuloy.



"What is my edge? My edge is I am 23 years old." Sabi nito nagtawanan lahat ng tao sa paligid dahil sa sagot nya.


Grabe! Kung maka-yuck sya sakin kanina akala mo kagalingan mag english, hindi naman pala.



"You're very funny candidate number 4. Okay I will repeat the question for you. What is your edge among your co-candidates that will make you become the next Ms. Divisoria 2016?"

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon