ATSC 12

646 31 7
                                    

IKA-LABINDALAWANG KABANATA


CHICHAY's P.O.V


Pag-gising ko, nasapo ko agad ang aking ulo. Sobrang sakit nito at nakakaramdan ako ng pagkahilo. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napansin ko na nasa isang magandang hardin ako. Nakita ko si Akihiro, nakayuko siya sa ibabaw mesa at mukhang tulog na tulog pa. Bigla naman akong napaisip kung anong nangyari kagabi at kung bakit kami magkasamang natutulog sa hardin na 'to. Napatingin ako sa mesa at naroon ang tatlong malalaking bote ng red wine. Naalala ko na, nag-inuman nga pala kami kagabi ng mokong na 'to.

"Psst! Akihiro, gising!" Tinapik ko pa ang braso niya ngunit mahimbing pa rin ang tulog ng Akihito, na 'to.

"Hoy! Gumising ka na!" Hindi pa rin siya natitinag. Kaya naman nilapitan ko siya para gisingin.

Paglapit ko, napatingin ako sa mukha niya. Nakangiti siya. Siguro nananaginip pa 'to. Grabe lang! Tanghaling tapat at kainitan pero 'eto s'ya at sarap na sarap sa pagtulog.

In all fairness, ang ganda ng ngiti n'ya. Better to say maganda ang labi n'ya. Mapula at hindi dry. Napansin ko rin na napaka-pointed ng ilong n'ya. At ang kanyang mga pilik mata ang hahaba. Hay! Ang gwapo n'ya!

Teka, ano ba 'tong pinag-iiisip ko? 'Di ba dapat binabatukan ko na ng malakas ngayon ang mokong na 'to para magising? Pero, heto ako tinititigin ang kanyang kagwapuhan.

Naku mahabagin! This can't be love! Ay ang O.A naman yata n'on. Paano naman ako maiinlove dito eh frienemy ko 'to. Ano, s'ya siniswerte na pagkatapos n'ya kong ipakulong noon eh maiinlove pa 'ko sa kanya? No! No! No!

Mga, ilang sandali pa ang lumipas, hinayaan ko na lang matulog si Akihiro. Pabalik na sana ako sa kinauupuan ko nang hatakin n'ya ako. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa n'ya. Ang bilis ng tibok ng puso ko nang magdikit ang mga labi namin. Hinalikan n'ya ako ng masidhi. Hindi ko inakala na kaya n'ya akong halikan ng ganito. Gusto ko s'ya itulak pero parang nanghihina ako, parang hindi ako makagalaw.

"Scarlet, i still love you."

Pakiramdam ko tinamaan ako ng bala ng shutgun sa dibdib. Ako ang hinahalikan n'ya pero ibang pangalan ang sinasambit n'ya. Kung sa bagay, bakit ba ako disappointed ng ganito? Alam ko namang si Scarlet ang mahal n'ya at lalung-lalo na- hindi ko s'ya mahal.

Buong pwersa ko siyang tinulak at nanlaki ang mga mata n'ya sa gulat na ako ang makita niya sa kanyang harapan.

"C-Chichay?!" Bakas sa mukha n'ya ang pagtataka. "Sorry hindi ko sinasadyang halikan ka."

"Wow! So, alam mo pala na hinahalikan mo ko. Eh, gago ka pala!"

"Hoy hindi, ha! Ang alam ko lang si Scaret ang hinahalikan ko. Tapos pag-gising, ko 'yang pangit mong mukha ang nakita ko."

"Ulol!"

Tumawa lang siya ng malakas.

Bwisit talaga 'tong Akihito este, Akihiro, na 'to. Ang ganda ko kaya para tawagin n'ya kong pangit.

"Uy! Nainis na 'yan. Sorry na, Chay. H'wag ka ng disappointed."

Putspa! Bakit n'ya ko tinawag na Chay? Pakiramdam ko tuloy ang cute-cute ng tawag n'ya sa akin. Pa-espesyal lang ang peg?

"Hoy! Hindi ako disappointed 'no! Saka bakit mo 'ko tinatawag na Chay? Nanay ko lang ang tumatawag sa akin ng gan'on."

"Eh, ano naman? Wala namang masama diba? Magkaybigan naman tayo."

"A-ano?" Putspang gala! Ano 'to friend zone? "M-magkaybigan tayo?"

"Oo naman, hindi nga lang maganda ang unang pagkikita natin." Ngumiti siya ng matamis.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon