ATSC 33

152 3 3
                                    

IKA-TATLUMPU'T TATLONG KABANATA



CHICHAY'S POV



Tatlong araw matapos ang birthday party ko ay tila nawalan ako ng ganang mabuhay dahil sa ginawa ni Akihiro. Ilang beses ko syang tinatawagan pero walang sumasagot.Hindi rin sya nagpakita sakin. Hindi ko alam kung anong mali ang ginawa ko bakit biglaan nangyayari samin ito. Ang akin lang naman kung ayaw nya na, sabihin nya sakin ng maayos. Kasi mas masakit at mas mahirap mag moveon kapag wala kayong closure. Hindi mo alam kung aasa ka pa ba at kung may aasahan ka pa ba?



"Kumars, ilang araw ka ng nagmumukmok dito. Tapos hindi ka rin kumakaen ng maayos." Nag aalalang sabi ni Bruno.



Hindi ko sya pinapansin at hindi ko rin sya tinitingnan. Pakiramdam ko kasi kapag nakikita ko silang nag aalala para sakin ay lalo akong nanghihina.



"Oo nga naman, Chichay. Kung nandito si Akihiro sigurado ako ayaw ka nyang nakikitang nagkakaganyan dahil sa kanya." Sabi ni Tiya.



"Talaga Tiya? Kung ayaw ni Akihiro na magkaganito ako, nasaan sya? Bakit hindi man lang sya nagpapakita sakin? Bakit bigla na lang syang bumitaw ng walang dahilan?" Sagot ko at napahagugol na naman ako.



Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Mahal na mahal ko si Akihiro at ayokong mawala sya sakin dahil pakiramdam ko, kalahati ng buhay ko ay nawala na rin. Hindi kayang tanggapin ng buong sistema ko ng wala sya sa tabi ko.



Hindi maaari ito. Kaylangan ko ng puntahan si Akihiro. Kaylangan kong alamin ang lahat kahit masakit.



"Tiya, Bruno. Pwede bang dalhin nyo ko kay Akihiro?" Pagmamakaawa ko.



"Oo sige, dadalhin ka namin kay Akihiro."



**



Nasa labas ako ng condo unit ni Akihiro at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng tapang para harapin sya. Nanginginig ang tuhod ko at nanlalamig ang mga kamay ko sa kaba. Pinili kong mag isa na lamang na harapin sya at nagpahintay na lamang ako kila Tiya Carina at Bruno sa lobby.



Pipindutin ko na sana ang doorbell ng biglang bumukas ang pinto. Ang lapit lapit na nya sa akin pero bakit pakiramdam ko parang ang layu-layo nya.



"Chichay." Si Akihiro. Bakas sa mga mata nya ang lungkot nang makita nya ako.



Hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko umuurong ang dila ko at nanunuyot ang lalamunan ko. Kaya niyakap ko na lamang sya ng mahigpit para maiparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko sya.



Akala ko dahil sa ginawa ko ay yayakapin rin nya ako pabalik. Pero mali ako. Pakiramdam ko dahil sa panlalamig nya sakin ay para akong nakayakap sa yelo. Kaya bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.



"Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan." Napahagulgol na naman ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko.



"Chichay, hindi mo ba talaga naiintindihan?" Sabi nya, hinawakan nya pa ako sa braso na para bang sinasabi nyang gumising na ako sa katotohanan.



"Oo! Hindi ko naiintindihan! Wala akong maintindihan! Kasi bigla ka na lang bumitaw ng walang dahilan!" Hindi ko na napigilan ang busgo ng damdamin ko dahil sasabog na talaga sa sobrang sakit.



Yumuko si Akihiro tila ba ayaw nyang nakikita akong ganito.



"Chichay, hindi na kita mahal. Hindi kita minahal. Babalik na ako kay Scarlet."



Bakit ganiito ang pakiramdam ko? Para bang may mali. Para bang nagsisinungaling lang sya sakin.



"Hindi ako naniniwala sayo. Artista ka eh. Umaacting ka lang diba? Siguro guest tayo sa wow mali tapos.." Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil sumigaw sya.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon