ATSC 15

721 33 5
                                    

IKA-LABINLIMANG KABANATA

CHICHAY's P.O.V

     Matapos ang araw na 'yon ay balik na ako sa pagiging tindera sa palengke. Matagal-tagal na rin akong hindi nakatulong kay Tiya Carina, dahil palagi kaming magkasama ni Akihiro. Ang dami ko tuloy na-missed na chikka sa talipapa. Gaya ng hindi pala totoong nakipagtanan si Cherry kay Kuhol. Nagbakasyon lang pala ito sa probinsya nila sa Leyte. Habang si Kuhol naman daw ay nagladlad na ng kapa ni Darna at isa na s'yang ganap na sirena. Nabalitaan ko rin na  nabuntis 'yong kapitbahay naming matrona na si Aling Mimay sa boyfriend nitong batang-bata na si Butsong. Nahuli na rin daw ng mga pulis si Boy Hit-hit, ang lider at drug lord ng Durog Bato Gang, sa salang pagnanakaw ng pustiso ni Mang Igme.

     Pero syempre sa lahat ng chikka na nasagap ko, may isa r'on na nakapaglaglag ng bongga sa panga ko. Usap-usapan ngayon ang fresh na fresh slash, hot na hot slash, dinaig ang sizzling sisig sa sobrang sizzling-  ang bestfriend kong bakla na mukhang pugita ay may jowa na. Akalain n'yo 'yon! At take note, hindi ito ordinaryong nilalang sa mundo ng earth dahil isa itong tunay na adonis. In short, pang selfie lord ang fesluk n'ya. Hashtag boom panes!

    Sabi kasi ng mga tsimosang tindera rito sa palengke ay modelo at may lahing Brazillian Japanese ang boyfriend ngayon ni Bruno. I wonder kung anong klaseng pampurga ang pinainom ni Bruno sa jowa n'ya para magawang sikmurain ang mukha n'yang pugita at patulan s'ya nito. Ay, ang hard ko naman yata ng slight sa bestfriend ko. Pero, ano nga kayang itsura ng dalawang 'yon 'pag nag-k-kiss sila? Malamang lalong lumalaki ang nguso ni Bruno. Hay bongga! Makulay ang lovelife ni Kumareng Bruno, dinaig pa ang twenty four colors ng Crayola.

"Pabili naman ako ng tatlong kilo ng mani. 'Yong walang balat, ha?" Sabat ng babae na mamimili namin. Teka, parang nakita ko na ang babaen 'to dati. Saan ko nga ba s'ya nakita? Ah, tama d'on nga! Grabe bakit ang tagal n'yang walang exposure dito? Kung sa bagay extra lang naman s'ya dito.

"Hmm, Miss, ikaw ba 'yong dati kong ka-tsismisan sa Condo de Zolare? 'Yong babaeng feeling close?" Tanong ko sa kanya.

"Chichay? Ikaw nga! Gaga ka, ang tagal nating 'di nagkita, ah." Sagot ni Chonna, ang usherette sa Condo de Zolare na ka-tsismisan ko noon.

     Puto ni Ina! Kaylangan may kasamang mura? F.C much, ha!

"Gaga ka rin! Madalas ako sa Condo de Zolare pero hindi na kita nakikita r'on. Anyare sa'yo? Natanggal ka ba sa trabaho dahil sa pagiging F.C mo?"

"Hoy, hindi ako F.C, ah! Slight lang. Nagresign na ko d'on."

"Ha? Bakit ka naman nagresign?" Nagtatakang tanong ko.

"Eh, kasi nakatagpo ako ng mayamang lalaki. Isang modelo, mayaman at may lahing Brazillian Japanese. Fiance ko na nga s'ya, eh." Kwento n'ya.

"Ah, talaga? 'Yong bestfriend ko rin may boyfriend na modelo at may lahing Brazillian Japanese. Akalain mo nga naman ang pagkakataon at pareho pa kayo." Kwento ko.

"Oo nga, hayaan mo ipapakilala kita kay George pag nagpunta ulit ako dito." Ngumiti siya ng malapad. Bakas sa mukha ni Chonna ang kilig.

"Ako rin, ipapakilala kita sa bestfriend kong beki at sa boyfriend nito 'pag napadaan sila rito. Para pwede tayong mag group date."

"Aba! Magandang ideya 'yan,ha. Teka, maiba ako, kayo pa ba ni Sir Akihiro? 'Diba break na sila ni Miss Scarlet?"

"Ah... eh... No comment." Nginitian ko s'ya ng matipid. "Heto nga pala 'yong order mo." Inabot ko sa kanya 'yong plastic bag na naglalaman ng tatlong kilong mani.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon