ATSC 07

746 36 9
                                    

IKAPITONG KABANATA

CHICHAY's P.O.V

"Ano?! idedemanda mo ako?!" Gulat na gulat na sabi ko. Halos magsalubong na ang kilay ko sa sinabi ng Akihito na 'to este Akihiro pala.

Kitang kita ko rin ang gulat sa reaksyon nina Tiya Carina at ni Bruno.

Hay naku Bruno! Lagot ka talaga sa'kin pagkatapos nito.

"Hindi ka naman siguro bingi, diba?" Turan ni Akihiro na wagas kung ngumisi ng nakakaloko.

"At sa anong kaso mo naman ako balak idedemanda aber?!" Nagpamewang ako sa harap niya.

"Oral Defamation." Madiin pa ang pagkakasabi niya.

Teka meron bang ganoon? Pinaglololoko yata ako ng gunggong na 'to eh!

"Oral Defamation?" Pag-uulit ko. "Ano naman 'yon?" Nagtatakang tanong ko.

Tiningnan niya ako ng masama na may halong pagdududa. Naniningkit pa ang mga mata niya.

"'Yon ang mga kasong sinasampa sa mga taong nagpapakalat ng mapanirang tsismis, tulad mo!"

Walanjo hindi umubra ang pang-eetchos ko ah! Akala ko pa naman hindi niya 'yon mahahalata.

"Teka sinasabi mo bang tsismosa ako?!" Sigaw ko sa kanya. Bigla naman bumulong sa akin si Tiya Carina.

"Tsismosa ka naman talaga diba? H'wag mong sabihing hindi mo pa alam?"

"Tiya naman. Mamaya ka na sumingit." Bulong ko din sa kanya. Binalik ko ang atensyon ko kay Akihiro at tiningnan siya ng masama habang hinihintay ko ang sagot niya.

"Oo, bakit?! Dinaig mo pa nga ang tabloid sa dami ng tsismis na alam mo!" Sabi ni Akihiro.

"Hoy! Wala kang pakialam! Saka wala pang nakukulong dahil sa pagiging tsismosa. Isa pa wala naman sigurong masama sa pag kwento kung anong nagyayari sa akin, diba?! Inis na inis na ko sa Akihito na 'to!

Pigilan niyo ko, kun'di tatadyakan ko na patola nito!

"Siguro nga wala pa. 'Pag nagkataon ikaw ang una." Ngumisi siya lalo ng malapad.

Puto ni Ina! Lalong kumukulo ang dugo ko sa kanya.

"Ano natigilan ka?" Dagdag niya "Kung wala ka ng sasabihin mabuti pa dalhin na kita sa prisinto. Guard damputin na 'yan. At ikaw sumama ka sa'min kaylangan mong tumistigo." Utos niya sa dalawa niyang body guard at kay Bruno na nananahimik lang sa isang tabi na akala mo naputulan na ng dila.

Napalunok ako dahil doon. Binuhat ako ng isa sa body guard niya na parang isang sako ng bigas. Naglakad sila palabas ng palengke.

My goodness! Hindi pwede 'to!

"Ibaba n'yo nga ako mga pangit! Hindi ko kayo bibigyan ng discount pagbumili kayo sa amin." Pagpupumiglas ko pero hindi nila ako pinansin at nagpatuloy lang sila sa paglalakad habang buhat ako.

"Sinabi ng ibaba n'yo ko eh! Bingi ka ba?!" Lali lang hinigpitan ang pagbuhat sa akin. Kaya naman pinagpapalo ko ang likod niya pero ako lang ang nasaktan sa sobrang tigas ng katawan niya.

Tindi ni kuya! Kasing tigas ng kalabaw.

"Teka lang naman sir. Baka pwedeng idaan natin 'to sa maayos na usapan? Hindi naman pwedeng makulong ang pamangkin ko." Sabi ni Tiya Carina na nakasunod sa amin.

"Ayaw pong pumayag ng pamangkin n'yo na makipag-areglo kaya wala ho akong magagawa." Sagot niya kay tiya. "Isakay na 'yan sa kotse." Utos niya ulit sa body guard niya. At sinalampak na lang akong bigla sa upuan ng sasakyan ng kanyang amo at umupo sa tabi ko.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon