ATSC 25

593 26 7
                                    

IKA DALAWAMPU'T LIMANG KABANATA

CHICHAY'S P.O.V

Kinabukasan ay abala ako sa pagbabantay ng tindahan namin dito sa palengke. Medyo matumal ang tinda ngayon kaya heto sitting pretty lang ang peg ko. Ganito naman kasi talaga sa isang negosyo. Hindi araw-araw pare-pareho ng kita. May araw na maraming benta. At may araw rin na matumal. Pero ang importante h'wag kang magpapalugi.

"Chichay! Chichay!" Isang matinis na sigaw narinig kong tumatawag sa pangalan ko.

Iisang tao lang ang may boses palaka na mukhang bisugo dito sa bayan namin- si Bruno.

"Ano ba 'yon?!" Sigaw ko sa kanya. Ang sakit n'ya kasi sa tenga, eh.

"Tingnan mo 'to! Tingnan mo 'to!" Hiyaw ulit n'ya habang idinuduldol sa mukha ko 'yong hawak n'yang dyaryo.

"Kaylangan paulit-ulit?" Binatukan ko s'ya at saka ko hinablot ang hawak n'yang dyaryo.

Agad bumungad sa'kin ang isang showbiz headline tungkol kay Akihiro. Syempre, binasa ko. At halos mata ko sa mga nalaman ko.

Akihiro Monreal kumpirmdadong pumirma na ng kontrata sa isang international sexy magazine kasama ang kanyang ex-girlfriend na si Scarlet Chen.

Halos magsumigaw ang malakas na tibok ng puso ko. Kung totoo ang sinasabi dito sa d'yaryo- ibig sabihin magiging magkasama sila sa iisang project. Pero bakit hindi sinabi sa'kin ni Akihiro na kasama pala n'ya si Scarlet? Bakit kaylangan pa n'yang ilihim? Hindi kaya may plano pa s'yang balikan ang ex n'ya? Hindi pwede 'to! Sabi n'ya mahal 'ko, eh.

"Itsura mo 'te! Ang pangit." Pang-aasar ni Bruno.

"Wala kang pake! Mas pangit ka!" Inirapan ko s'ya. "Totoo ba 'to?"

"Ewan ko. Akala ko nga alam na 'to, eh. Bakit hindi ba sinabi ni Akihiro sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Bruno.

"Oo. Pero bakit n'ya nilihim?" Dismayadong sabi ko.

Una, nawawalan s'ya ng panahon sa'kin. Ngayon naman kasama n'ya sa trabaho ang ex n'ya. Baka bukas iwan na n'ya ko. Hay! Ka-stress!

"Baka naman sasabihin pa lang n'ya. Alam mo naman 'yong boyfriend mo laging busy kaya naunahan na s'ya ng mga tsismis. Saka wala ka bang tiwala sa kanya?" Hirit ni Bruno.

"Hindi sa gan'on. Pero kasi wala akong tiwala sa ex n'ya. Mahirap na 'no! Baka mamaya agawin n'ya sa'kin si Akihiro."

"Ang tanong magpapaagaw ba si Akihiro sa ex n'ya kung mahal ka n'ya, diba?"

Shemay! Oo nga 'no! May punto ang bisugo na 'to. Aba! Tumatalino na yata si Bruno, ah.

"Oo na. Pero kaylangan muna namin 'tong pag-usapan. Sandali, tatawagan ko lang."

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng shorts ko at dinial ang number ni Akihiro.

"Hello, baby love? Napatawag ka? May problema ba?" Tanong ni Akihiro sa kabilang linya.

"Oo, malaki! Kaya kung pwede magkita tayo mamaya. May pag-uusapan tayong mahalaga."

"Okay, kung ano man 'yon. I'm sorry. May sasabihin rin ako sa'yo mamaya. I have to go my photo shoot pa kasi ako. I love you." Nagmamadaling sagot nito.

Balak ko pa sanang magsabi ng 'i love you too' sa kanya kaso binabaan ako ng tawag. Pasaway ka talagang Akihito ka! Lagot ka sa'kin mamaya.

"Oh, anong sabi? Pumayag bang makipagkita sa'yo?" Tanong ni Bruno.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon