UNANG KABANATA
CHICHAY'S POV
"Hoy Chichay!" Isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko. Napahinto ako sa aking paglalakad. Nilingon ko ang aking likuran at nakita ko ang bestfriend kong bakla na si Bruno.
Sa unang tingin ay aakalain mong straight na lalaki talaga si Bruno. Gwapo matipuno, matangkad at maputi si Bruno. Kamukha din nito ang sikat na k-pop star na si Baekhyung. 'Yon nga lang isang beautician si Bruno sa isang high class na beauty salon sa lugar namin- may backer kasi siya kaya madali siyang natanggap doon. Kaya alam mo na talagang bakla siya. Twenty two years old na din siya tulad ko.
Nilapitan ko si Bruno.
"Ok lang ako kumars. Alam mo na ba ang balita?" tinapik ko ang braso niya.
"Hindi pa. Ikwento mo dali!"
Hinila ako ni Bruno sa tindahan ng mga itlong na pag mamay-ari ni mang Igme at umupo kami sa bangko.
"Oh kumars game. Anong latest chika mo?" aniya.
"Heto na nga ang latest chika ko, nabalitaan ko si mang Kikoy daw supot pa! Tinalo pa siya ng mga batang matapang na pumipila para magpatuli ng kanilang... Tutut! Nakakaloka devah?!" umiling-iling pa ako.
"OMG! Shocking naman 'yan Chichay!"
Halos sumayad na ang panga ni Bruno sa ibinalita ko sa kaniya.
"Pero ito ang mas shocking... Kaya pala ayaw magpatuli noon ng kaniyang tutut si mang Kikoy dahil two inches lang tutut nito."
"Ano?!" napataas ang kilay ni Bruno. "Eh diba ang laki-laki ng katawan no'n tapos parang bulate lang pala ang kaniyang tutut?!"
Nagkatinginan kami ni Bruno. At sabay kaming magakpak ng tawa. Malamang kasi ay pareho kami ng naiimagine sa hitsura ni mang Kikoy at ng kaniyang tutut. Ang sagwa!
Bigla namang naputol ang tawanan namin nang sumigaw sa harap namin si mang Igme.
"Hoy ang aga-aga dito kayo nagtsitsismisan sa tindahan ko!" aniya.
"Sobra ka naman mang Igme... Hindi po 'yon tsimis dahil totoo 'yon." tugon ko.
"Ewan ko sa'yo Chichay! Kung hindi kayo bibili ng itlog ko mabuti pang umalis na kayo!"
"Bakit mang Igme fresh ba 'yang itlog n'yo?" hirit ni Bruno. Napahagikhik pa ito sa sinabi niya.
"Aba oo naman! Kaya bilihin n'yo na 'tong itlog ko- kung hindi palalayasin ko kayo sa tapat ng tindahan ko. Mamalasin ako sa inyo!"
Dumukot ako ng bente pesos sa bulsa ko.
"Oh ayan mang Igme akin na ang itlog n'yo! Nang hindi naman maudlot ang masayang chikahan namin ng kumars ko."
Inabot ko sa kaniya ang bayad ko at binigay niya ang tatlong pirasong itlog na nakalagay sa supot.
"Ayan okay na kumars. Ituloy mo na 'yang chika mo dali!" sabi ni Bruno.
"So 'ayun na nga kumars, kahapon nagpatuli na daw ng kaniyang tutut si mang Kikoy. Bye-bye supot na daw siya."
Humagalpak muli ng tawa si Bruno at pinaghahahampas niya ang bangko na inuupuan namin sa sobrang tawa. "Edi lalo ng lumiit 'yong tutut niya!"
Napahagalpak na din ako ng tawa sa sinabi ni Bruno.
"Ganoon na nga 'yon! Balita ko pa nga nahirapan daw ang doktor sa pagtuli ng tutut niya. Mabuti na lang daw at may nahiraman sila ng lagare. Jusme!"
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
فكاهةAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...