EPILOGO (Ang Huling Chikka)

280 8 1
                                    

EPILOGO

CHICHAY'S POV

Tatlong araw ang lumipas matapos namin mag exam sa University of Laguna. At lubos ang pasasalamat namin sa may kapal dahil nakapasa kaming tatlo sa entrance exam. Bilang gift sakin ni Akihiro, magsecelebrate daw kami. Ililibre daw nya kaming tatlo sa restaurant sa bayan.

Sa sobrang excited ko, agad akong naligo at nag ayos. Suot ko ang isang pink na bistida at sandals na puti. Sobrang simple lang nitong damit ko sa totoo lang, kasi wala talaga ako nadalang damit para sa ganitong mga okasyon. Kaya itong pansimba na lang ang sinuot ko.

Naglagay rin ako ng light makeup sa akin mukha. Konting powder at liptint lang pwede na yan. Hindi naman kaylangan pak na pak ang makeup dahil hindi naman JS prom ang pupuntahan ko kundi isang fine dining restaurant lang naman. Ang importante magmukha akong presentable.

Paglabas ko ng kwarto ay agad kong hinanap yong tatlo sa kanilang kwarto pero walang tao. Kaya nagtanong na ako kay Tiya Lupe kung nasaan na sila.

"Tiya Lupe, nasaan na po sila Akihiro?" Nagtatakang tanong ko.

"Si Akihiro, maagang umalis kasi ipahahanda daw yong reservation sa restaurant. Yong dalawa naman, nauna na, ang bagal mo daw kasi kumilos kaya siguro nainip na." Sagot ni Tiya Lupe, na para bang bihis na bihis rin ngayon. Saan kaya siya pupunta?

Pero teka, sabi ni Tiya Lupe mabagal akong kumilos kaya nainip yong dalawa? Grabe ha! Hindi pinapalamon kaya madaling-madali?

"Ganon ba Tiya? Oh sya, aalis na ho ako baka ako na lang ang hinihintay doon nakakahiya."

"Ah teka lang Chichay, sabi pala ni Akihiro ito raw ang suotin mo." Sabay abot ng isang malaking box.

Binuksan ko ang box para tingnan kung ano ito. At laking gulat ko na wedding gown ang laman nito at may isang pares ng sapatos at alahas na rin. Sobrang namangha ako sa itsura ng wedding gown. Puno ito ng mga crystals sa paligid at kumikinang. Tube top ito at paballoon ang ibaba na may design na bulakakin na lace. Para bang mga wedding gown ng mga kinakasal na artista.

"Sigurado po ba kayo ito?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo, kasi wedding festival doon sa bayan kung saan nandun din yong restaurant na pupuntahan nyo. Kung gusto mong tumagal ang relasyon nyo, kaylangan mong suotin yan papunta roon. Yan kasi ang paniniwala rito."

Wedding festival? Bakit parang ngayon lang ako nakarinig non sa tanang buhay ko. Ang alam ko lang yong pagsayaw sa Ubando kapag gusto mong magkaroon ng anak. Pero wedding festival, hmm... Mukhang exciting. Ngayon ko lang mararanasan to.

"Sige po Tiya." Sabi ko.

"Oh sya sige, paki sara na lang maige ang mga pinto at bintana aalis kasi kami ng Tiyo Gani nyo."

"Teka Tiya Lupe, eh saan naman ho kayo pupunta?"

"Magsisimba lang." Casual nitong sagot at nagmamadaling lumabas ng bahay kasama si Tiyo Gani.

Nakakaloka, magsisimba lang raw sila pero bakit mukha silang magnininang at magnininong? Ah, siguro kasi gawa ng wedding festival. Siguro yong mga magjojowa dapat magsuot ng damit pangkasal para tumagal ang relasyon nila. Tapos yong mga mag asawa naman ay dapat kagalang-galang at mukang mga ninong at ninang para tumayong gabay sa pagsasama. Siguro sina Akihiro naka tuxedo ng umalis ng bahay. Sayang hindi ko man lang nakita agad.

Nagpunta ako ng aking kwarto para magpalit ng damit. Sinuot ko itong wedding gown at nilagay ko na rin ang mga alahas. Hindi ako makapaniwala na nakausot ako ng ganito. Pangarap ko lang ito dati eh, pero ngayon parang totoo na. Tapos inayos ko naman ang aking buhok. Pinusod ko ito para mas makita ang kwintas at collarbone ko. Tapos kung ano yong makeup ko kanina, niretouch ko na lang ulit para matagal mahulas.
Matapos noon ay isinara ko na ang mga bintana at pintuan tulad ng bilin ni Tiya at umalis na. Habang nag aabang ako ng masasakyan dito sa tapat ng bahay ay parang naiilang ako. Imagine, ganito yong suot mo, para kang ikakasal tapos nag aabang ka ng jeep o tricycle man lang na masasakyan? Parang mukha akong tanga. Pero sa bagay, mas nakakahiya kung susuotin ko eh hindi akma sa okasyon. Saka sabi nga sa paniniwala, kung gusto mong tumagal ang relasyon nyo, gawin mo na lang. Wala namang mawawala eh.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon