ATSC 03

1K 38 24
                                    

IKATLONG KABANATA

CHICHAY'S POV

"Miss totoo bang modelo ng sikat na fashion magazine na The Stitches 'yong nakatira sa unit 610?" tanong ko sa attendant ng Condo de Zolare na hindi ko man lang tinanong ang pangalan. Hindi pa kasi ako nakakaalis building na ito dahil ka tsismisan ko pa siya.

Mechanisim ko na ang tsumismis pantanggal bwisit na dulot ng kung sinong impakto tulad na lang nang Akihiro na 'yon.

"Ah oo model nga si sir Akihiro Monreal ng The Stitches magazine. Bakit naitanong? Duda ka?" aniya.

"Hindi naman. May itatanong ako- ganoon ba talaga kasama ang ugali n'ya? Matapobre, mayabang at bwisit sa buhay?"

"Hindi 'no. Mabait 'yon, sobra. Ayaw nga n'ya masyado siyang pinupuri dahil humble s'ya. Kahit mayaman s'ya nakikihalubilo siya amin mga staff dito."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng attendant.

Hindi kaya na-ka-drugs 'to? Eh ang layo naman ng sinasabi niya tungkol sa lalaking 'yon.

"Seryoso ka ba d'yan?" taas kilay kong tanong.

"Oo naman. Kaya nga crush na crush ko 'yon si sir." tugon niya.

Kinilig pa ang malanding higad. Sabunutan ko kaya 'to? Para naman matanggal ang bwisit na kumapit sa akin dahil sa lalaking kumag na 'yon.

"Eh kaya naman pala mabait kasi crush niya." bulong ko.

"Anong sabi mo?" kunot noo niyang tanong.

"Ah wala. Sabi ko paano kung walang kaabog-abog ka niyang hinalikan sa lips?"

Tae bakit ko ba naitanong 'yon sa babaeng kausap ko? Eh hindi pa naman kami close!

"Syempre mahihimatay siguro ako sa kilig. Saka hahalikan ko din siya pabalik." mapula-pula na ang pisngi niya sa kilig. "Teka, bakit mo tinatanong 'yan? Siguro nag-kiss kayo 'no?"

Napangiti ako ng alanganin. "Siya ang first kiss ko."

"OMG! Talaga?" Nanalaki ang mata niya at halos sumayad na ang panga niya sa pagkabigla. "Alam mo ba kapag nag-kiss na kayo ng isang lalaki ibig sabihin kayo na."

"ANO?! Boyfriend ko na si Akihito?! Este Akihiro pala."

'Yong bwisit na 'yon boyfriend ko na?! Oh no! Kikiligin na ba ulit ang kili-kili ko?

"H'wag ka nang mabigla d'yan miss, totoo 'yong sinasabi ko. Ganoon kaya sa ibang bansa lalo na sa Amerika. Saka gwapo naman si sir Akihiro ah! Hindi mo ba siya type?" aniya.

Pakiramdam ko biglang nag init ang mukha ko. Hindi ko alam kung nahihiya ba ako sa itinanong niya sa akin o kinikilig lang talaga ako.

"E-ewan.. Baka... Siguro." sabi ko.

"Sus! Nag-b-blush ka!" tugon niya.

"Hoy! Hin--" naputol na sabi ko.

Nahagip kasi ng peripheral vision ko si Akihiro. Ang gara ng suot niya at lalo siyang gwumapo. May kasama siyang babaeng naka red dress. Mukhang human barbie doll ito sa sobrang ganda ng katawan at mukha. Wala kang makikitang kapintasan sa kaniya. 'Yon siguro ang girlfriend niya dahil naka angkla ang braso ng babae sa braso niya.

"Selos ka 'no!" Sabi ng attendant na katsismisan ko kanina.

"Hoy hindi ha!" pagtatanggi ko.

"Sus! Indenial! H'wag ka ng magselos. Gentleman talaga si sir." siniko pa niya ako. "Saka malay mo makikipag break na siya sa girlfriend niya dahil diba nga nag-kiss na kayo!"

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon