ATSC 28

418 20 2
                                    

dedicated to @Angldlacrzsalamat sa support

IKA DALAWAMPU'T WALONG KABANATA

CHICHAY'S P.O.V

After ng mabusising paghahanda, ready na ko para bisitahin si Akihiro sa bahay nila. Umikot pa ko ng isa pa sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ko ang suot ko. Simpleng polo shirt lang na kulay yellow at skinny jeans tapos flatshoes na kulay puti. Sinamahan ko na rin ng yellow headband na may ribbon at sling bag na kulay white.
Lumabas ako ng kwarto at sinalubong ako ni Bruno.
"'Yan talaga susuotin mo?" Nagtatakang tanong ni Bruno.
"Malamang! Suot ko na nga diba? Bakit? Pangit ba?" Sagot ko habang tinitingnan muli ang suot kong damit.
"Sakto lang. Dapat kasi dress sinuot mo. Monthsary n'yo kaya dapat maganda ang suot mo."
"Alam mo namang hindi ako mahilig magsuot ng dress. Kaya paano ako magsusuot ng dress? Isa pa wala akong dress maliban sa binigay ni Akihiro noon. Ayokong suotin 'yon ulit dahil baka sabihin ni Akihiro 'yon na naman ang suot ko." Pagdadahilan ko.
"Sus! Dami mong sinabi. Oh!" Sabay abot ni Bruno ng isang paper bag.
"Ano 'to?"
"Malamang buksan mo nang malaman mo."
Binuksan ko naman 'yong paper bag at kinuha ko ang laman nito, isang simpleng dress na kulay royal blue.
"Wow ang ganda naman nito." Sabi ko. "Anong gagawin ko rito?"
"Kainin mo! Jusme naman! Syempre suotin mo." Iretableng sagot ni Bruno.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo. Regalo ko na 'yan sa'yo para sa darating na pasko. I-n-advance ko na lang."
Agad kong niyakap si Bruno ng napaka-higpit.
"Salamat talaga!" Masayang-masayang sabi ko.
"Welcome. Sige na bilis. Suot mo na 'yan. Para maka-gora ka na kay Akihiro." Sagot nito at ngumiti ng matamis.
Papasok na sana ako ng kwarto para magpalit ng damit nang bigla namang may kumatok sa pintuan.
Agad ko itong binuksan at laking gulat ko na walang tao. Sino naman kayang impaktong may malakas ang trip na kumatok sa pinto namin? Bwisit! Kung kaylan may lakad ako saka may asungot.
Isasara ko na sana ulit ang pintuan nang mapansin ko ang isang sulat. Kanino kaya galing 'to?
Agad ko itong dinampot at binuksan mula sa puting envelope.
"Ano 'yan?" Nagtatakang tanong ni Bruno.
"Sulat." Simpleng sagot ko.
"Galing kaniino? Kay Akihiro ba? Naks! Kilig to the bones." Pang-aasar ni Akihiro.
"Hindi nakalagay kung kanino galing,eh." Sagot ko. At binasa ko na ang sulat.
Halos magtayuan ang balahibo ko sa nabasa ko. Mahihimatay yata ako.
Babawiin ko kung ano ang sa'kin. Akin si Akihiro at kukunin ko s'ya sa'yo sa lalong madaling panahon.
"Hoy! Ayos ka lang ba? Patingin nga." Agad hinablot ni Bruno ang sulat mula sa'kin.
Binasa n'ya ang sulat at nagulat rin s'ya sa nabasa n'ya.
"Ang bitter naman nito. Malamang hindi pa rin 'to maka-moveon. May idea ka ba kung kanino galing 'to?" Tanong ni Bruno.
"Wala, eh. Imposible namang isa sa mga ex-girlfriend n'ya 'yan. Eh, sabi naman ni Akihiro may mga boyfriend naman daw 'yon."
"Talaga? Hindi kaya si Scarlet 'to?" Tanong ni Bruno.
Napaisip naman ako, 'di nga kaya si Scarlet 'to? Pero imposible, eh. May boyfriend na 'yon at pinagpalit n'ya pa si Akihiro.
"Naku, hayaan na nga natin. Baka mastress lang tayo nito sa kaiisip. Pinagtitripan lang siguro tayo nito. Mabuti pa, magbibihis na ko para mapuntahan ko na si Akihiro." Sagot ko.
Pumasok na ko sa kwarto para magpalit ng damit. Sinuot ko ang royal blue na dress na regalo sa'kin ni Bruno. Tinernuhan ko ito ng puting flat shoes, puting sling bag at dilaw na headband. Tapos nagsuot ako ng manipis na belt na kulay yellow.
Pagkatapos n'on at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang ganda talaga. Simple lang pero may dating. Lakas maka-sosyal.
Lumabas ako ng kwarto para ipakita ko kay Bruno ang suot ko. Nagandahan naman s'ya. Infairness may taste na ngayon si bakla. Akala ko puro na lang neon orange ang alam n'yang kulay.
Matapos n'on ay inayusan na ako ni Bruno. Tinirintas n'ya ang buhok ko tapos nilagyan n'ya ako ng light make-up.
"'Yan! Ang ganda-ganda mo, Chichay." Puri ni Bruno.
"Salamat talaga, Bruno."
"Wala 'yon. S'ya gora ka na. Ako ng bahala rito."
Sandali kong niyakap si Bruno at saka umalis papunta sa condo unit ni Akihiro sa Condo de Zolare para sorpresahin s'ya, dala ang isang tupperware ng paborito n'yang sinigang na hipon. At ang regalo kong couple bracelet. Suot ko na 'yong sa'kin para mamaya terno na kami.
Nasa byahe ako sakay ng tricycle nang tawaga ko si Akihiro para sabihing papunta na ako sa condo unit n'ya.
"Hello, baby love. Happy first monthsary." Masayang bati ko sa kanya.
"Hello,baby love. Happy first monthsary rin." Masayang bati rin ni Akihiro sa'kin mula sa kabilang linya.
"Oo nga pala, papunta na ko d'yan sa unit mo. May surprise ako sa'yo. Sana magustuhan mo."
Sobrang saya ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya at kainlove sa kausap ko ngayon.
"Talaga? Nag-abala ka pa. Salamat, ah. Ako rin may surprise sa'yo." Sagot ni Akihiro.
"Wow! Talaga? Ano 'yon?" Excited na tanong ko.
"Basta. Malalaman mo rin pagdating mo rito."
"Sige na nga. Bye-bye na muna, ha. Text kita 'pag malapit na 'ko. I love you."
"I love you too." Sagot n'ya. At binaba ko na ang tawag.
Makalipas ang trenta minutong byahe ay nakarating ako sa Condo de Zolare. Sumakay ako ng elevator paakyat ng sixth floor kung saan naroon ang unit ni Akihiro.
Nasa loob pa lamang ako ng elevator ay nag-uumapaw na ang saya at excitement ko. Pero mas lalo itong nadagdagan nang bumaba ako ng elevator at dahan-dahan akong humahakbang papalapit sa condo unit ni Akihiro.
Sana talaga magustuhan n'ya 'tong surpresa at munting regalo ko sa kanya. Pinaghirapan ko talaga 'to para sa kanya. Bunga 'to ng sobrang pagmamahal ko sa kanya.
Habang papalapit ako sa unit ni Akihiro ay may naririnig akong boses babae na tila sumisigaw. Hindi ko naman masyadong maintindihan dahil kulob ang tunog. Hindi ko rin alam kung saang unit 'yon nanggagaling.
Pagkatapos ng sigaw na 'yon isang malakas na ungol ng babae ang narinig ko. Tila parang nasasaktan? Ay hindi, nasasarapan? Ah, ewan! Basta ungol. Teka hindi kaya may nag-ha-honeymoon sa isa sa mga kapit bahay ni Akihiro? Grabe ha! Astig ng honeymoon, uy! Tanghaling tapat talaga!
Hanggang sa napansin ko na habang lumalapit ako sa unit ni Akihiro ay lumalakas ang ungol na naririnig ko. Bigla na lang akong kinilabutan nang maisip ko na baka doon nga nang-gagaling ang ungol na 'yon. Pero imposible! Bakit naman may uungol na babae sa loob ng condo ni Akihiro? Eh, s'ya lang mag-isa ang nand'on. Teka, hindi nga ba?
Tuluyan na akong nakarating sa tapat ng condo unit ni Akihiro. Kakatok na sana ako nang marinig kong may humagikhik sa loob nito. Tila isang babaeng kinikiliti.
Sobrang kinakabahan na ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano ba talagang nangyayari?
Kakatok na sana ako nang mapansin kong bahagyang nakabukas ang pinto kaya huminga muna ako ng malalim at binuksan ito.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Hindi ako makapaniwalang magagawa n'ya sa'kin 'to.
Kitang-kita ng dalawang mata ko si Scarlet at si Akihiro na naghahalikan sa sofa. Nakapatong pa si Scarlet sa ibabaw ni Akihiro.
Parang may kung anong bagay ang tumusok sa puso ko. Ang sakit-sakit. Paano n'ya 'to nagawa sa'kin. Sabi n'ya mahal n'ya ko. Bakit may iba s'yang hinahalikan ngayon? Sabi n'ya may surpresa s'ya sa'kin. Ito na ba 'yon, Akihiro? Grabe, ang ganda ng surpresa mo. Nakakaiyak. Sobrang nakakaiyak talaga.
Sa sobrang pagkabigla at sakit na nararamdaman ko ay nabitawan ko ang hawak kong tupperware na naglalaman ng sinigang at natapon ito sa sahig. Lumikha ito ng malakas na tunog kaya biglan napatigil sina Scarlet at Akihiro sa paghahalikan nila.
"Wow. Ito pala ang surprise mo sa'kin, Akihiro. Ang ganda. Sobrang ganda. Na-surprise talaga ako." Sarkastikong sabi ko.
Kitang-kita sa mukha ni Akihiro ang labis na pagkabigla sa nangyari. Siguro akala n'ya hindi ko sila mahuhuling naghahalikan ni Scarlet. Habang si Scarlet naman nakangisi lang sa isang tabi. Mukhang proud na proud pa s'ya sa ginawa n'ya.
"Chichay." Sabi ni Akihiro.
Isa-isa ng tumulo ang mainit na luha sa pisngi ko. Hindi ko na kayang pigilan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa ginawa ni Akihiro.
"Oh bakit? Nahihiya ka? H'wag kang mahiya. Ang ganda nga, eh. Biruin mo nag-abala ka pang magdecorate ng mga lobo at bandiritas dito sa condo mo. Tapos may libreng show pa. Ikaw at si Scarlet ang bida. Dapat pala nagdala ako ng popcorn para mas feel na feel kong panoorin ang pagtataksil mo." Sabi ko. Tuluyan na akong nag-walkout palayo sa kanilang dalawa.
Gusto ko ng makaalis sa lugar na 'to. Baka hindi ako makapag-pigil at masampal ko silang dalawa sa ginawa nila sa'kin.
Kaya ba gustong-gusto n'yang maging model sa international sexy magazine dahil kay Scarlet? Dahil mahal pa n'ya 'to at gusto n'yang balikan? O baka naman matagal na silang nagbalikan hindi n'ya lang sinasabi sa'kin?
Bwisit ka, Akihiro! Niloko mo 'ko. Sinaktan mo 'ko. Bwisit ka talaga!
Luhaan akong naglakad papunta sa elevator nang may humablot sa braso ko. Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ko s'ya.
"Chichay,mali ka ng iniisip." Sabi ni Akihiro.
"Ako, mali ng iniisip? Eh, anong gusto mong isipin ko, Akihiro? Nahuli kitang nakikipaghalikan sa ex-girlfriend mo. Tapos gusto mo isipin ko na wala lang 'yon!" Sigaw ko.
"Chichay, let me explain."
"Ano pang ipapaliwanag mo? Ano pang kasinungalingan ang sasabihin mo. Eh, kitang-kita ko na lahat!" Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko.
"Kung nagkabalikan kayo, sana sinabi mo agad sa'kin. Palalayain naman kita kung 'yon ang ikasasaya mo. Tatanggapin ko 'yon! Pero niloko mo 'ko, eh. Ginago mo 'ko!" Dagdag ko.
"Chichay, makinig ka kasi muna sa'kin. Please?" Kitang-kita ko sa kanya labis na pagmamakaawa.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa." Mariing sagot ko.
At tuluyan na kong sumakay ng elevator palayo sa taong mahal ko at sa taong sinaktan ako ng todo.
***
Habang nasa elevator ako, hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Pinipigilan kong mapahagulgol sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Parang sasabog ang dibdib ko. Hindi ako makahinga sa sakit. Kun'di lang talaga nakakahiya sa mga taong kasabay ko sa elevator, malamang kanina ko pa binuhos lahat ng sama ng loob ko rito.
Lahat-lahat, pinaghandaan ko sa araw na 'to. Nagluto ako, nag-effort ako, nag-pabango at nagpaganda pa para sa kanya. Tapos nauwi lang lahat sa wala. First monthsary kasi naming dalawa, eh. Importante 'to para sa'min. Oo nga pala, ako lang, sa'kin lang. Si Scarlet lang naman ang mahalaga sa kanya, eh.
Pakiramdam ko nasayang lahat ng effort ko. Lalong lalo na ang pagmamahal ko para lang sa taong lolokohin lang pala ako.
Ang tanga-tanga mo, Chichay! Ang tanga-tanga mo!
Sino bang kasing gwapo, kasing yaman at kasing sikat ni Akihiro ang maiinlove sa isang tulad mo na tindera lang sa palengke? Wala, Chichay! Kahit kaylan, wala! Ikaw lang naman 'tong saksakan ng assumera na umaasa sa isang bagay na imposibleng mangyari. Tingna mo si Scarlet, ang layo-layo ng itsura n'ya sa'yo. S'ya maganda, sexy, mayaman, edukada, may class. Nasa kanya na nga yata lahat. Eh, ikaw ang ipinagmamalaki mo, wala! 'Yan kasi, kakapanood mo ng teleserya at kakbasa mo ng mga romance stories ay kung anu-ano tuloy ang pinaniniwalaan mong hindi naman totoo. Gising, gising din 'pag may time! Ang buhay mo ay hindi isang fairytale. Hindi ka damsel in distress at wala kang prince charming o kahit knight and shinning armor man lang. Hindi totoong may isang prince charming na tulad ni Akihiro sa totoong buhay, katulad ng inakala mo. Walang forever! Walang happy ending! At lalong walang 'they lived happily ever after.'
Halos lahat ng kasabay ko sa elevator pinagtitinginan na 'ko. Pero wala akong pakialam. 'Pag 'tong broken hearted ako naku! Tatadtarin ko kayong lahat ng pino, makita n'yo.
Pagbukas ng elevator ay bumaba na ko. Kaagad akong sumakay ng tricycle at nagtungo sa isang lugar kung saan ako nagbubuhos ng sama ng loob sa twing may problema ako.


Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon