[PLEASE PAKIBASA. IMPORTANTE LANG]
Hi aldub nation. Self-Publish na po ang novel kong Bitter Lang Ang Peg?! (Love Problems & Advices). Sino pong gustong bumili ng copy? 220 pesos lang po. Anong aasahan sa book? Heartbreaking stories, Malupit na advices, May free bookmark, May cute graphics sa loob. Hindi puro plain text. Inshort may mga drawings sa loob. Paano makakaorder? Click n'yo po ang external link. Or click nyo 'yong link sa comment box. Salamat sana po bumili kayo ng copy. Aldubyou! Enjoy sa update.
***
IKA DALAWAMPU'T DALAWANG KABANATA
CHICHAY'S P.O.V
Pagkatapos namin kumain ng hapunan pinagmalaki sa'kin ng mama ni Akihiro ang mga baby pictures nito. Nakakatuwa dahil ang cute, cute ni Akihiro. Tapos 'yong iba kuha sa photoshoot ng iba't-ibang clothing line at commercials.
'Yong ate naman n'ya ay abala sa pag-aayos ng buhok ko. Mas maganda daw kasi 'yong naiisip n'ya kesa sa ayos ng buhok ko kanina. Hinayaan ko na lang dahil 'yon ang trip n'ya. Habang 'yong daddy naman ni Akihiro ay nakikinig lang sa kwentuhan namin.
"Tingnan mo 'to, hija. Kuha 'yan n'ong minsan s'yang naging endorser ng fastfood."
Kinuha ko ang photo album at nakita ko doon ang batang Akihiro na umiiyak.
"Ma! H'wag 'yan. Iba na lang po ang ipakita mo sa kanya." Iritableng sabi nito kay Tita Agatha.
"Bakit? Nahihiya ka na baka malaman ng girlfriend mo?"
"Ma, naman!" Hindi pinansin ni Tita Agatha si Akihiro at binaling muli ang atensyon sa'kin.
"Ano po bang meron sa picture na 'to? Bakit po s'ya naiyak?" Nagtatakang tanong ko.
"Takot kasi si Akihiro sa mga mascots. Kaya n'ong makita n'ya 'yan, akala n'ya yata ay kakanin s'ya ng buhay. Hanggang ngayon nga takot pa rin s'ya sa mga mascots, eh." Tumawa kami ni Tita Agatha sa kwento n'ya.
Sinong mag-aakala na may tao palang takot sa mascots. Ang cute, cute kaya ng mga 'yon.
"Takot ka pala sa mascots, ah! Eh, bakit kay Bruno hindi ka natatakot?" Pang-aasar ko kay Akihiro.
"Naniwala ka naman agad kay Mommy? Noon 'yon. Hindi na ngayon. Saka sanay na ko sa pagmumukha ni Bruno." Kami naman ni Akihiro ang tumawa dahil sa sinabi n'ya.
"Chichay, maiba ako. Nasaan ang parents mo?" Singit naman ng Daddy ni Akihiro na si Tito Liam.
"Namatay na po sila, eh. Sinalanta po kami noon sa bagyo n'ong nasa Leyte po kami. Kaya po si Tiya na lang po ang kasama ko." Pagkwekwento ko.
"Wala ka bang kapatid? Eh, ang tita mo wala ba s'yang asawa o anak?"
"Nag-iisang anak po ako." Ngumiti ako bigla kong namiss sina nanay at tatay. Sana nandito sila. "Wala po, eh. Hindi na po s'ya nag-asawa dahil niloko po s'ya ng boyfriend n'ya noon."
"Ah. Mabuti ay kahit paano nakakaya n'yong mabuhay dito sa Maynila, lalo na't dalawa na lang kayo."
"Wala naman po kasi kaming choice kundi kumayod. Kasi kung katamaran po ang paiiralin namin, malamang po namatay kami sa gutom. Kaya po kahit mabaho at maingay sa palengke ay nakasanayan na rin po namin."
"Alam mo, hanga na talaga kami sa'yo. Kundi mo kasi natatanong, galing rin ako sa hirap noong kabataan ko. Dati akong tindero ng tinapa sa Market-Market. Tapos naging working student ako. Nang makapagtapos ako, nagtrabaho ako, nag-ipon at nagpatayo ng sariling business. Lumaki 'yon at naging isang kompanya. At nakilala ko ang asawa ko." Ngumiti ang daddy ni Akihiro ng napakatamis at yumakap sa asawa n'ya.
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
HumorAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...