IKA-TATLUMPU’T APAT NA KABANATA
CHICHAY'S POV
Tatlong buwan na ang nakalipas mula ng nang maghiwalay kami ni Akihiro. Mula noon hindi ko na sya nakita. May mga naririnig akong balita tungkol sa kanya pero hindi ko na yon iniisip pa. Gusto ko na syang kalimutan. Kaya unti-unti kong pinagpapatuloy ang mabuhay ng normal na parang walang nangyari. Masakit. Hanggang ngayon sobrang sakit pa rin. Pero wala, eh! Kaylangan ko ng tanggapin na may iba na syang mahal at tapos na ang kung ano mang meron kami noon.
Lahat na nga ng paraan para makalimot ay ginagawa ko. Bumalik ako sa palengke para tulungan si Tiya Carina. Nagbabasa ako ng mga kwento sa wattpad at higit sa lahat plano ko ng ipagpatuloy ang pag aaral ko ng college sa nalalapit na pasukan. Kaso kulang pa itong naipon kong pera para sa pag aaral ko. Naghahanap na nga ako ng raket eh.
“Kumars!” Tawag ni Bruno. Hingal na hingal ito dahil sa pagtakbo.
“Bakit ka ba tumatakbo? May humahabol ba sayo?” Tanong ko.
“Bukod sa mga gwapong lalaki, wala na.” Pagbibiro nito.
“Asa ka pa! Ano ba yon?”
“Diba naghahanap ka ng raket? Baka ito na ang pag-asa mo!” Sabay abot nya ng isang papel na rolyo.
“Ms. Divisoria 2016? Seyoso ka ba?” Gulat na gulat na sabi ko. Anong pumasok sa utak nitong si bakla at gusto nya kong sumali sa beauty contest? Alam naman nyang hindi ko hilig to.
“Why not, Kumars? Maganda ka naman. Marunong ka naman sumayaw. Sayang rin yan 20,000 pa naman ang grand prize. Sayang din yon.” Pangungumbinsi ni Bruno
“Oo pero, saan naman ako kukuha ng pera para sa susuotin ko? Saka What if hindi ako manalo? Sayang lang ang gastos. Huwag na lang.”
“Loka! Akong bahala sayo! Hello ako pa ba. Sige na naman na kumars, sumali ka na.”
Ano ba naman ito? Sasali na ba ko? Kung sa bagay sagot naman daw ni Bruno. Saka sayang rin ang 20,000 lalo na ngayon at kaylangan ko talagang makatapos ng college.
“Sige na, sasali na ko. Kaylan ba to?”
“Next week.” Casual nyang sagot.
“Ano? Next week agad! Hindi na! Hindi ako prepared.”
“Kumars, tutulungan nga kita diba?”
“Hindi! Iba na lang.”
“Ganun, sige. Sayang naman tong 20,000 mapupunta lang sa iba.” Kinuha na nya ang poster at tinalikuran na ko.
Puto ni ina naman! Kinunsensya pa ko.
“Oo na! Ito na talaga sasali na ko. Tara sa baranggay, magparegister na tayo.” Napilitang sabi ko. Naku pasalamat tong si Bakla at gipit na gipit lang talaga ako ngayon.
Ngumiti ng malapat si Bruno at kitang kita ko pa ang tinga ng pusit na kinain nya. Kaya pala kanina pa ako nakakaamoy ng malangsa.
“Bakla, pwedeng magrequest muna ako bago tayo pumunta sa baranggay para magparegister?”
“Oh sige! Ano ba yon?”
“Daan muna tayo sa inyo, magtooth brush ka muna. Ang langsa nung pusit eh. Yan ba ang tanghalian nyo?”
“Nagpapatawa ka Kumars. Kagabi pa namin ulam yong pusit.”
Jusmiyo! Kagabi pa pala sya hindi nagtotooth brush. Kadiri.
**
Nakapila ako ngayon sa baranggay para sa Ms. Divisoria 2016. At hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko ay screening palang eh ligwak ganern na ako.
“Kumalma ka na! Para kang hindi mapaireng baboy!” Suway ni Bruno. Ramdam nya siguro na kinakabahan na ako.
“Paano ako kakalma? Hindi mo man lang sinabi sakin na dapat palang maghanda ng talent agad agad para sa screening?”
“Kumars, pag sinabi ko ba sayo, sasali ka pa rin?”
“Hindi!”
“Oh diba! Kaya hindi ko na sinabi.” Nag peace sign pa sya. At sa inis ko ay hinampas ko sya ng folder na naglalaman ng application form ko.
“Next!” Sigaw ng baranggay personnel na taga screen ng aplikante.
“Ikaw na dali!” Excited na sabi ni Bruni habang pinagtutulakan pa ako. Syempre, wala na akong nagawa kundi umakyat sa stage.
“Hello! Ako po si Chichay.” Kinakabahang sabi ko.
Tatlong screener ang nasa harapan ko. Lahat sila Bakla. Yong nasa kanan, Matabang bakla. Mukha siyang lider ng sangkabaklaan. Yong nasa gitna naman, ubod ng payat. Mukhang inubusan sya ng pagkain nitong katabi nya. Habang yong nasa kaliwa naman mukhang mama sang. Yong bang parang bugaw ng chicks sa madilim na sulok ng eskinita. Sure ba ang baranggay na sila ang dapat magscreen samin? Pwede pa naman silang palitan. Hindi naman ako choosy.
“Relax ka lang. Di ka namin kakainin.” Sabi nung bakla na nasa gitna.
“Bakit gusto mong sumali sa Ms. Divisoria?” Tanong naman nung isa pang bakla na nasa kanan.
“Gusto ko po kasing ipagpatuloy yong pag-aaral ko ng college. Kulang pa po kasi yong naipon ko.” Magalang na sagot ko. Kahit hindi sila mukhang kagalang-galang. Charot!
“Nakakaiyak naman. Alam mo noong kabataan ko sumasali rin ako sa mga pageants para makaipon ng pang tuition.” Sabi noong bakla sa kaliwa.
“Ah ganun po ba? Kayo po siguro mukha kayong laspag na.” Tinakpan ko ang bibig ko. Nabigla ako sa mga nasabi ko.
“Nakakatuwa ka masyado kang palabiro.” Sagot nya.
Kaloka tong baklang to. Ang plastic! Nilait ko na nga natuwa pa?
“Sige patingin nga ng sample talent mo?” Sabi naman nung bakla sa gitna.
Jusko! This is it pansit! Dahil sabi naman ni Bruno na magaling akong sumayaw. Yon na lang ang gagawin ko.
Hindi na ako nahiya at tumambling tambling na ako sa stage. Split dito. Split doon. At ang main event, nag headspin pa ko ng tatlong beses. Standing ovation ang mga bakla habang ako hindi na ako makatayo sa sobrang pagkahilo. Grabe! Bakit ba ang hirap kumita ng pera?
**
Isang araw na lang at todo practice na ako para sa talent portion ko. Magsasayaw lang naman ako ng walang kamatayan na interpretative dance with a twist. Syempre dapat may pasabog! Habang si Bruno naman todo asikaso na sa mga gagamitin kong props at costume. Grabe nga itong si bakla, todo effort sya sa pag gawa. Napakamitikuloso at sobrang mabusisi. Habang si Tiya Carina naman ay timeout muna sa tindahan. Nagsolicit muna sya ng mga boto para sakin. Kaylangan kasi namin makabenta ng tickets. Pinakamaraming tickets na nabenta pinakamaraming boto rin. Nakakahiya nga eh, kaya dapat talaga manalo ako rito para makabawi man lang sa kanila.
“Chichay my labs!” Isang pamilyar na boses ang tumawag sakin at nilingon ko ito.
“Busy ako Caloy.” Sagot ko at pinapatuloy ko na ulit ang pagpapractice.
“Wala naman akong planong istorbohin ka, my labs. Nandito ako dahil nakahakot ako ng suporta para sayo. Tara sa labas. Tingnan mo.”
Napatigil ako sa pagsasayaw at sumama ako palabas kay Caloy. Kitang-kita ko ang lahat ng tindera sa Divisoria ay nagtipon-tipon para suportahan ako. Tumigil pa sila sa pagtitinda para lang sakin. Tapos may mga hawak pa silang banners na punong puno ng mga mensahe para sakin. Naiiyak tuloy ako.
“Maraming salamat sa inyo lahat ah. Pangako ko, ako ang mananalo sa Ms. Divisoria 2016.” Sabi ko at sa sobrang tuwa ko ay hindi ko napigilan ang yakapin si Caloy.
“Caloy, salamat. Lagi kang nandyan para sakin. Kahit na lagi kitang pinagtatabuyan. Hindi mo pa rin ako iniwan.” Naluluhang sabi ko at bumitaw na ako ng pagkakayakap sa kanya.
Pulang pula ang mukha ni Caloy na parang kamatis.
Inaamin ko, hindi ko pa rin nakakalimutan si Akihiro. At matagal ng nanliligaw sakin si Caloy. Nauna naman talaga sya kay Akihiro eh. Siguro panahon na rin na maging masaya ako at unti-unting ibaon sa limot si Akihiro.
**
Dumating na ang araw na hinihintay ng lahat. Nandito ako sa backstage at naghahanda na para sa Ms. Divisoria 2016. Sobrang kinakabahan na ako at ang lamig na ng mga kamay ko. Feeling ko mapapaihi ako sa stage mamaya dahil sa kaba.
“Relax ka lang. Ang ganda ganda mo kaya.” Sabi ni Bruno.
“Asa pa kayong manalo kayo?” Sabi ng isang contestant.
“Hay naku! Epal ka! Gusto mo lang ng exposure sa kwentong to.” Inis na sagot ni Bruno.
“Huwag mo ng patulan. Basta mananalo tayo. Kaya ko to.” Sabi ko.
Isa isa na kaming tinawag paakyat ng stage para magpakilala. At napaka swerte ko dahil pang lima ako at ako ang pinakahuling kandidata. Pagkatapos ng apat na kandidata ay ako naman ang rumampa sa stage suot ang aking gown na kulay pink. Kamukha nito yong gown ni Megan Young na suot nya sa Ms. World. Sabi kasi ni Bruno dapat sa umpisa pasweet sweet lang muna. Mamaya na daw magpaka fierce pag question and answer na para kabog!
“Good evening ladies and gentlemen! Standing in front of you is a twenty two year old stunner. My name is Chichay. At naniniwala po ako sa kasabihang mahirap magmahal ng taong hindi ka mahal. Pero mas mahirap pa rin kunin ang kulangot sa taong pango. And I Thank you.” Ngumiti ako ng matamis. Sabi kasi ni Bruno dapat witty ang introduction. At nagpalakpakan naman ang mga audience na halos lahat tindera sa palengke. Mabuti na lang talaga at ang galing humakot nitong si Caloy.
Pagkatapos lahat kami may rumampa sa stage pabalik sa backstage.
“Naku! Chichay nang gigigil ako sayo ah.” Sabi ni Tiya Carina.
“Bakit na naman po?” Nagtatakang tanong ko.
“Hindi maganda ang intro mo. Ano na lamang ang sasabihin ng mga judges? Balahura ka ganon?” Sermon ni Tiya Carina.
“Eh wala na po akong maisip. Saka sabi ni Bruno dapat witty.” Tumingin ako kay Bruno.
“Tiya, maganda ang intro ni Chichay. Tuwang-tuwa nga ang mga judges sa kanya eh.” Paliwanag ni Bruno.
Totoo naman ang sinabi ni Bruno, kitang-kita ko kung paano humagalpak si Kapitan, Konsehal at lalo na si Mayora.
“Sige na nga. Bilisan mo na at isuot mo na yong costume mo.” Si Tiya Carina.
Matapos kong isuot itong puting dress, nilagyan ako ni Bruno ng flower crown at pakpak ng fairy sa likod para daw mas maganda. Pakiramdam ko mukha na akong diwata sa suot ko.
Nangtawagin na ang pangalan ko, sumampa na ako agad sa stage at sumayaw ng interpretative sa tugtog ng On the wings of love na kanta ni Regine Velasquez. Bawat lyrics ng kanta ay dinama ko. Yon kasi ang pinakaeffective way para lumabas yong emosyon mo sa galaw mo. Nasa kalagitnaan na ako ng kanta umikot ako at tumalon na prang isang balerina. Laking gulat ko ng bigla akong matisod dahil sa suot kong heels at napaupo ako sa sahig. Lahat sila ay nagulat sa nangyari. Nakatingin lamang ako sa lahat ng tao. At kitang kita ko ang iba na tinatawanan ako. Pakiramdam ko maiiyak ako sa sobrang kahihiyan. Pero napangiti na lamang ako ng matamis ng dumating sya.
Umakyat sya sa stage at nilahad nya ang kamay nya. Hinawakan ko ito at marahang tumayo. Tapos sumayaw kaming dalawa. Hindi ko akalain na marunong pala syang sumayaw. Pakiramdam ko ngayon para akong isang prinsesa na isinayaw ng isang prinsipe. Hindi ko nga akalain na gwapo pala sa malapitan. Bagay sa kanya ang suot nyang putting tuxedo na may dark grey na bow tie. Ayos na ayos rin ang buhok nya at amoy na amoy ko ang mabango nyang pabango.
Tuluyang natapos ang tugtog at nagpalakpakan ang lahat ng tao. Standing ovation rin ang lahat ng judges sa performance namin. Akala ko talaga mapapahiya na ako. Maswerte ako at lagi syang nandyan sa twing kaylangan ko sya.
Niyakap ko sya ng mahigpit sa sobrang saya at pasasalamat.
“Hinding hindi ko hahayaan na masaktan ka ulit. Nandito lang ako palagi. Mahal na mahal kita.” Bulong nya.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, Siguro ito na ang tamang panahon para naman maging masaya na ako muli at suklian ang pagmamahal nya. At tuluyan ng magpaalam sa nakaraan na.
“Salamat ng marami, Caloy. Susubukan kong tumbasan ang pagmamahal mo.”
Niyakap nya ako ng napakahigpit at ganoon rin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)
ComédieAng Tsismosang Si Chichay by: dolly_eyes23 All Rights Reserved 2014 (c) book cover credits by : owner of the picture Hindi totoo ang tsismis. Hindi totoo na girlfriend mo ako. Hindi totoo na boyfriend kita. Hindi totoo na merong 'tayo'. Hindi r...