ATSC 02

1.2K 41 29
                                    

IKALAWANG KABANATA

CHICHAY'S POV

"Tabi nga dyan!" sabi ko sa lalaking naka boxershorts na nakaharang sa pinto. Siya siguro si Mr. Akihiro Monreal.

Tinabig ko pa siya para makadaan ako papasok ng kaniyang condo.

Nakita ko kasi ang masarap at mainit init pang pizza na nakapatong sa center table ng kaniyang sala. Kumuha ako ng isang slice at kinagatan ito.

"Hmm wow ang sarap naman nito!" punong puno pa rin ng pizza ang bibig ko. Dinampot ko ang isang baso ng orange juice at inimom ito ng straight. "Uhmm! Pati juice masarap din!" dugtong ko.

"Ehem!"

Napatigil ako sa pagkagat aa pizza ng umubo ang siya at nakatayo pa rin sa tapat ng pinto. Nakakunot ang noo niya at masama ang tingin sa akin.

Bigla ko naman naaalala ang bayong na dala ko i-de-deliver ko.

"Pakibuhat na lang po 'yang bayong ko mister. Kakaen muna ako dito."

Kumuha ulit ako ng pizza at kinagatan ito.

Napatingin ako ulit sa kaniya ng mapansin ko na nakatayo pa rin siya sa tapat ng pinto.

"Oh ano pang tinatayo-tayo mo dyan?! Diba sabi ko buhatin mo na 'yang bayong dahil kakaen muna ako?"

Nag-aakma ko na sanang kagatin ulit 'yong pizza na kinuha ko nang mapatingin ako sa abs niya. Napatulala ako.

OMG! Sizzling pandesal!

"Hoy miss! Tapos ka na bang lantakan ang pizza ko?!" aniya.

Lumingon lingon ako sa paligid. Saka lang ako natauhan na nasa condo unit na pala ako ng customer namin at kinain ko pa ang pagkaen niya.

Jusme nakakahiya!

"Ah sir kayo po ba si Akihiro Monreal?" Nilahad ko ang kamay ko para makipag kamay sa kaniya. Kaso hindi niya ito tinanggap.

Napakamot na lang ako ng ulo ko.

"Ako nga po pala si Chichay. Pamangkin po ako ni Carina na tindera ng mani at bigas sa Divisoria Market. Dala ko na po 'yong mga order n'yo. Sandali po lang po at ipapasok ko" dagdag ko.

Binalikan ko ang bayong na naglalaman ng order ng lalaki at ipinasok ko ito sa loob ng condo unit niya.

"Pasensya na po kayo sir kung kinain ko 'yong meryenda n'yo. Hindi pa kasi ako nagtatanghalian eh."

"Pakialam ko?!" pagsusungit niya.

Hindi ko siya pinansin nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.

"Saka sir nasiraan pa 'yong tricycle na sinasakyan ko kanina. Kaya naglakad pa ako ng dalawang kanto."

"Wala akong pakialam."

Hindi ko ulit siya pinansin.

"Alam n'yo ba sir, tong building n'yon ang epic! Lakas ma-ka-sosyal! Pero sira naman ang elevator. Nag hagdan pa ako para lang makarating dito. Kaya lalo akong napagod at nagutom."

"Wala pa rin akong pakialam."

Napatingin na ako sa expression ng mukha niya at bakas na bakas sa kaniya ang matinding inis sa akin. Kaya naman naisipan kong gawin ang bilin sa akin ni tiya Carina. Ang mambola ng customer para matanggal ang badtrip nila.

Tiningnan ko muli ang kabuuan niya.

Oh my pechay! Ang ganda ng katawan! Well formed ang mga muscles at abs. Maputi at makinis ang kutis. Matangkad at chinito. Jusko naman! Siya na ba ang hinulog ni lord mula sa langit at bumagsak sa lupa para mahalin ko?

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon