ATSC 08

718 34 6
                                    

IKAWALONG KABANATA

CHICHAY's P.O.V

     Abalang-abala ako sa pakikipagtsismisan kay Pat-pat na isa sa mga ka-kosa kong babae nang tawagin ako ni Chief. Nabitin tuloy ako sa pagsasalita.

     Ang dami talagang istorbo sa mundo- kaimbyerna! Sa isip-isip ko.

"Sino pong dumalaw sa akin Chief?" Tanong ko.

"Boyfriend mo daw siya. Bilisan mo at naghihintay na siya sa labas." Turan niya.

     Napaisip naman ako kung sino 'yon at unang pumasok sa isip ko si Akihiro. Siya lang naman kasi ang humalik sa akin kaya malamang ay siya ang napagkakamalang boyfriend ko.

     Paglabas ko ng selda ay sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Caloy.

     Akala ko naman kung sinong boyfriend si Caloy lang pala.

"My labs ayos ka lang ba? Hindi ka ba nila binubugbog o pinahihirapan? Sabihin mo sa'kin at ako ng bahala sa kanila-" Naputol na sabi niya dahil binatukan ko siya. "Aray naman my labs."

"Dapat lang 'yan sa'yo- pagkatapos mo kong iwan sa ere kahapon! Isa pa, kaylan pa kita naging boyfriend?! My labs mo 'yang mukha mo!" Inis sa sabi ko at itinulak ko siya ng bahagya palayo sa akin at saka kami umupo sa mono block chair na may mesa sa harapan.

"Ang sakit naman n'on. Kaya nga sorry na eh. Babawi na ko sa'yo. Tutulungan kitang makalabas dito. Babayaran ko sila ng isang million 'pag nanalo ako sa lotto." Binatukan ko ulit siya. Nakakainis eh!

"H'wag mo nga akong pinaglololoko Caloy. Eh hindi ka naman tumataya sa lotto! Saka bakit ka ba nandito ha?!"

"Nabalitaan ko kasi kay Tiya Carina ang lahat. Hindi mo daw boyfriend 'yong gunggong na 'yon at idinemanda ka pa. Kaya dinalaw agad kita dito." Turan niya. "Oh para sayo, baka hindi ka pa kumakain." Sabay abot ng stainless na lunch box at isang bottled water.

     Bigla namang napawi ang inis ko dahil sa pag-aalala niya sa akin.

"Salamat." Tipid na sabi ko.

"Walang anuman my labs." Turan niya. Binatukan ko ulit siya dahil naiinis talaga ako pag tinatawag niya akong my labs.

"Aray ha! Nakakarami ka na." Angil niya.

"Sinabi ko naman kasi sa'yo na h'wag na h'wag mo na 'kong tatawaging my labs. Bakit ba ang kulit-kulit mo?"

"Eh kasi my labs kita. Masama ba 'yon?"

"Ewan ko sa'yo." Binuksan ko ang lunch box na dala niya na naglalaman ng kanin at afritadang manok. "Masarap ba 'to?"

"Oo naman." Turan niya. Sumubo naman ako ng pagkain. "Sa totoo lang si Tiya Carina ang nagpadala niya. Pinapasabi niya na mamaya daw siya dadalaw sa'yo."

     Nasamid tuloy ako sa sinabi niyang 'yon.

     Pisti! Akala ko pa naman galing talaga 'to sa kanya.

"Hala my labs, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya sabay abot sa akin ng bottled water at tinungga ko ito.

"Walang'ya ka! Akala ko pa naman sa'yo galing 'to." Angil ko. Nagpeace sign lang siya sa akin bilang sagot.

     Nakakaimbyerna talaga 'tong si Caloy! Ang sarap ibitin patiwarik!

     Kinain ko na lang ulit ang pagkain na pinadala ni tiya. Wala naman akong choice dahil gutom na ako.

Ang Tsismosang Si Chichay - MayWard Fan Fiction (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon