Ano nga ba ang kayang gawin ng salitang pagmamahal sa buhay ng isang tao? Kaya mo bang isugal lahat? Paano mo ito maipapakita at mapapatunayan para lang mapansin ka niya ng buong buo?
Will it be worth fighting for? Or maybe not?!
LOVE isn't a DECISION, it's a STRONG FEELING..
....
"This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is coincidental"
---
Chapter 1: MYSTERIOUS EYES
APS POV 💋
Para sa akin ang pagmamahal ay tungkol sa lahat ng nararamdaman mo para isang tao.. Hindi basihan ang estado niyo sa buhay dahil lahat tayo pantay pantay pagdating sa pag ibig.. Lahat tayo nagmamahal.. Kahit makagawa pa siya sayo ng matinding sakit ay tatanggapin mo parin siya dahil mahal mo siya.. Mahal na mahal na mahal.. .
Nagsimula lang naman ito dahil lang sa mga naririnig ko sa tabi tabi o sabihin na nating sa hallway ng eskwelahan.. hindi naman dapat pero napatigil talaga ako nung sinabi na nung babae yung pangalan ng lalaki.. Pakiramdam ko nga dati napaka tsismosa ko na dahil lang doon.. kinagabihan ng araw na yun nag research talaga ako para makita ko naman yung itsura nung pinagkakaguluhan nila.. Kung sino nga ba yung lalaking yun..
Nung una sabi ko.. Ano ba yan mas gwapo pa si hayop este si kuya sam kaysa sa mokong na ito..
parang babaero at adik naman at mukhang mayaman kaya hayun pinabayaan ko nalang pero dumating yung araw na nakita ko na siya ng personal.. aba masasabi mong may itsura talaga..
Dun na ako natauhan sa araw na yun.. hindi na ako mapakali palaging siya na yung nasa isip ko.. sabi ko infatuation lang hanggang dumating na yung araw na tinamaan na talaga ako..
Makita ko palang siya buo na yung araw ko.. Nakakaganang mag-aral pero alam ko din naman na hinding hindi niya ako mapapansin kasi isa lang naman akong simpleng estudyante as in walang kaartehan sa katawan..
katamtaman ang estado sa buhay at wala ganong kaibigan pero ubod ng daldal sa harap ng mga kaibigan ko at higit sa lahat napaka ordinaryong tao sa mata ng lahat ng tao..
Ako nga pala si Sofia Apple Montenegro but you can call me Aps na lang. Isa akong estudyanteng walang ginawa kundi impluwensyahan ang mga barkada mapainom, pasyal at hindi pumasok sa klase 😂😂 at masasabi kong mabait pa ako sa lagay na to!!
"Nakatunganga ka jan?! Para kang batang hindi nabigyan ng candy. Alam mo yun?! Ang lalim nanaman ng iniisip mo!!" Tanong ni alex at umupo sa tabi ko. Binabasa nanaman niya yung paborito niyang libro.
Grabe nakailang ulit na ba niya yung binasa?! Hindi na nga mabilang ng daliri ko sa kamay, memorize na nga niya lahat ng nangyayari doon pati mga convo. Tinaasan ko siya ng kilay sa tanong niya.
"Hay naku Aps. Huwag mo kong tinataasan ng kilay ngayon at baka hindi ako makapagtimpi makalbo ko yan. Alam kong kapapaahit mo lang ng pangit mong kilay!" Binatukan ko siya sa sinabi niya
"Aray ko naman. Oo na maganda na. Lumalaki nanaman yang tainga mo sa sinabi ko. Alam mo hindi naman ako takot i-compliment ka kasi first class to! At maganda ako!! "Taas noo niyang sinabi.. aba nakakain nanaman kaya ito ng chocolate. Nagmamaganda nanaman siya.
BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...