Chapter 27: Pagpapatawaran

24 2 0
                                    

Chapter 27: Pagpapatawaran

PIA/SOFIA'S POV 💋

Parang kakaiba yung kinikilos ni Vanessa.. Ano kayang problema niya..

"Okay ka lang ba?" - Aps

Hay baka naninibago lang ako..

"Ah oo.." - Vanessa

Grabe ano ba tong naramdaman ko parang may mali. Parang nanggigigil na ewan si Vanessa. Hmm. Nevermind

"Pia humihingi ako ng tawad sa nagawa ko dati. Hindi ko naman inakala na malaking gulo yung kahihinatnan nun.. Sorry talaga" - Anika

Mangiyak ngiyak na..

"Ano ka ba! Okay lang yun. Matagal na panahon na yun. Magpapasalamat pa nga ako sayo eh" - Aps

"Bakit naman? Nakagawa na nga ako ng mali magpapasalamat ka pa!!" - Anika

Ang tanga ko no? Lol. Ganyan lang talaga ako kabait.

"Kasi kung hindi nangyari yun dati.. Hindi ko makikilala sila Alex.. Yung mga kaibigan ko ngayon.. Palagi silang nanjan para samahan ako. Kahit nga umiiral yung pagka spoiled brat ko nanjan pa din sila. Hindi nila ako iniwan. Mapa pasyal, inom , katuwaan at kung ano ano pang kagaguhan kasama ko sila lalo na si Alex. Yun na siguro yung taong kahit binabaliwala ko nung una at sinasabihan ko ng tanga or what so ever dahil lang sa lalaki nanjan pa din.. Thank you. Sobrang thank you. Oo aaminin ko nagalit ako nung una pero matagal naman na yun. Kalimutan na natin. Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob sa isang tao. Sasabihin at sasabihin ko kung meron man. Pinapatawad na kita kahit gaano pa kalaki yung nagawa mong kasalanan. Wala naman kasing magagawa kahit magalit pa ako sayo. Sinisira ko lang yung buhay ko pag ganun. Ibig sabihin pag nagalit pa ako.. Ako yung talo kasi humihingi ka na nga ng tawad hindi pa kita papatawarin. Non sense.. Sobrang tagal na nun move on!" - Aps

Nung nasabi ko yun. Nabawasan yung tinik sa dibdib ko. Kasi may isang tao na akong napatawad.. Hay kailangan ko na talagang ayusin yung tungkol sa amin ni Kyle bago ko balikan yung sa amin ni Driel. Sana maging okay na siya..

"Thank you Pia. Hindi ko inaasahan na ganyan ka na ngayon. Ang laki na ng pinagbago mo. Alam mo bang sobrang miss na kita. Nasabi ko na to kay Miko. Ah baka pala nagtataka kayo kung bakit may komunikasyon pa din ako sa kanya. Actually bago maaksidente si Driel nakita ko siya sa isang bar. Sobrang lasing malaki ata yung problema. Pinipigilan ko ngang huwag ng magmaneho pero ayaw niyang makinig. Tinataboy niya ako.. Sinundan ko siya at nakita mismo ng dalawang mata ko yung nangyari.. Agad akong pumunta sa lugar kung saan siya mismo naaksidente at tinulungan siya. Nakuha ko sa phone ni Driel yung number ni Miko. Pia ako yung nakita mong sumusunod sa inyo ng gabing yun" - Anika

Ah sabi na nga ba. May sumusunod sa amin..

"Ay totoo nga na may sumusunod sa atin. Akala ko gutom ka lang nun Pia" - Vanessa

At tumawa silang lahat.. grabe naman si Vanessa 😣

Anong oras na din pala.. Ang daming nangyari ngayong araw na to..

"Handa na po yung dinner." - Kasambahay

"Yesss. Sa wakas dinner na!! Sobrang nagugutom na ako." - Ayla

Tumawa kaming lahat. Gutom lang talaga ang sinabi nu? Ahahah matakaw talaga tong babaeng to..

"Wow favourite ko. Adobo 😍" - Aps

Namiss kong kumain nito.

"Maghinay hinay ka lang Pia. Yan ka nanaman. Alam kong nagha-heart shape nanaman yang mga mata mo" - Ate ko

Ngenge. Alam niya talaga. Sino ba kasing hindi? Inlove ako dito eh..

Nakakagaan ng loob yung ganito.. Sana palagi na lang masaya. Hay tomorrow is a mystery. Ano nanaman kayang mangyayari? Paghahandaan ko na. Baka hindi ko kayanin yung mga susunod na mangyayari..

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon