Final Chapter

87 2 0
                                    

Final Chapter: STARTING OVER AGAIN 👫💋✨💕😊

DRIEL'S POV 💋

Pagkagising ko naghanda na ako. Napaka saya ko ngayong araw na to kasi nandito ulit si Pia sa condo ko. Matagal tagal na din noong huling pumunta siya dito. Ipagluluto ko siya ng mga paborito niyang pagkain 😄 alas singko pa lang naman ng umaga eh. hay excited na ako 😊

Tinignan ko siya. Ang himbing ng tulog niya. Ang amo ng mukha. Pia kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon. Hinaplos ko yung mukha niya. Gumalaw siya ng konti akala ko nga magigising ayun pala hindi. Hmm hindi na nagbago mantika pa din matulog 😄..

Makalipas ang dalawang oras natapos na din ang lahat. Napabuntong hininga ako. Napadami ata yung mga niluto ko. Nakakapagod!! Inaantok tuloy ulit ako. Hindi bale sulit naman pag nakita kong ngumiti si Pia. Ang ganda ng ngiti niya nakakawala ng pagod. Makita ko pa lang siyang masaya.. masaya na din ako.

Pumunta na ako sa kwarto para gisingin siya.. Ang sarap pa rin ng tulog niya 😄 Hinawi ko yung buhok niya.. Ay nagising na.. Naka half sleep nga lang..Kahit naka half sleep maganda pa rin..

"Good morning" Pagbati ko sa kanya na may ngiti sa aking mga labi "Bumangon ka na jan. Ayusin mo na din yang sarili mo hihintayin na lang kita sa kusina para makakain na tayo. Ipinagluto kita ng mga paborito mong pagkain" - Driel

Dumiretso na siya sa banyo. Ay ganon na yun? Ni hindi man lang ako kinausap o kahit ngumiti man lang sana. Lumabas na ako ng kwartong yun. Sana hindi ako makatulog sa paghihintay sa kanya para kumain. Sobrang inaantok na kasi ako.. ( Yawn ) Saktong ipipikit ko na yung mga mata ko nung lumabas siya..

"Wooaaah. Ikaw ba nagluto lahat ng to? Ang dami naman para namang may fiesta o inorder mo lang??" - Aps

Gusto kong tumayo pero nanghihina na talaga ako. Gusto ko ng matulog. Sobrang pagod ako pero pinilit ko pa ring pumunta kung nasaan si Pia..

"Niluto ko lahat ng yan. Kain na tayo" - Driel

Nanatili lang siyang nakatayo at ngumiti.. Yinakap niya ako ng sobrang higpit.

"Thank you Driel. Alam kong pagod ka pero nag effort ka pa ding magluto.. Bakit ba sobrang sweet mo lalo tuloy akong nahuhulog sayo.." - Aps

Natahimik siya bigla at humiwalay sa pagkakayakap sa akin.. Lumaki yung ngiti ko.. Nabuhayan bigla.. Sabi ko na nga ba magiging worth it yung ginawa ko..Sobra sobra pa to sa inaakala ko.. Sa kadaldalan niya may bigla na lang siyang nasasabi.. Hhahaha.. good thing!!

"Ulitin mo nga" - Driel

Namula yung mukha niya.. Hahahaha parang kamatis at iniwas niya yung tingin niya.. Bumubtong hininga ako.. Ako naman yung yumakap sa kanya. Namiss ko tong pagkayap sa kanya. Sobra. Unti unti ng bumabalik yung matatawag na "KAMI"!!

"Sobrang saya ko dahil nakakasama na ulit kita.. Sana Aps tuluyan mo na akong mapatawad dahil sa mga nangyari noon. Hindi ko naman ginustong gawin yun. Alam mo bang hindi nagbago yung pagmamahal ko para sayo. Kahit maraming babae jan na umaaligid ikaw at ikaw pa din talaga yung hinahanap ko.. ng puso ko.. Sisiguraduhin kong wala ng makakapaghiwalay sa atin. Hindi ko sila hahayaang makuha ka nila o sirain ulit tayo. Magtiwala ka lang sa akin." - Driel

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya sa mga mata niya. Hindi ko maipaliwanag yung reaksyon siya. May pag aalala, pangamba at sayang hindi maitago dahil sa ngiti niya..

"Hindi na mangyayari yun. Kalimutan na natin yung mga nangyari dati at magsimula ng panibago. Isipin na lang yung bangungot ng nakaraan. Unti unti na akong nahuhulog sayo. Hindi ko alam kung paano at kung bakit. Basta ang alam ko lang sa sarili ko malungkot ako sa tuwing wala ka sa tabi ko. Parang kulang yung mundong ginagalawan ko kapag hindi kita nakausap o kahit nakita man lang. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko kapag nanjan ka. Para akong lumilipad" - Aps

Lumaki yung ngiti ko sa mga sinabi niya..

"So? Ibig sabihin ba nito? Binibigyan mo na ulit ako ng pagkakataong mahalin ka ng buong buo??" Ngumiti siya "Sana bawasan niyo ni Kyle yung closeness niyo kapag nagkita kita ulit tayo. Ngayon pa't alam nating lahat na naging kayo at minahal mo siya ng sobra sobra. Ginawan mo pa nga ng libro. Hindi naman sa nagiging makasarili at seloso ako sa mismong bestfriend ko.. Ang point ko lang sana lumaki naman ng space na meron kayo" - Driel

Seryoso ako sa mga sinabi ko. Parang gusto na kasi niyang tumawa eh.. 😣

"Oo na. Alam ko na yun. Tiwala!!" - Aps

Yinakap ko siya ng sobrang higpit at hinalikan siya sa noo.. Nawala pa yung antok ko 😁

"May ipagtatapat pala ako sayo.. Palagi kitang binabantayan dati sa amsterdam at yung bata noon sa may ulan" - Driel

Nabigla siya.. Pero...

"Alam ko na yun ..kinuwento na nila mommy at daddy yung about sa letter pero yung bata.. Hindi ko alam yun ah.. Paano mo nalamang ako yung batang babae??" - Aps

"Yung kwintas mo. Bigay yun ng mommy ko nun tapos binigay ko yun sa batang babae. May pangalan yun sa likod" - Driel

"Akala ko panaginip lang yun.. Totoo pala. So ibig sabihin hindi lahat ng alaala ko naRESET!! Nanatili pa din yung iba kaso parang panaginip na lang .. ( tapos ngumiti siya ) Halika na nga kumain na tayo. Teka mauubos ba natin lahat ng to? Nararamdaman kong tataba ako ng wala sa oras. Ipahingi na lang kaya natin yung iba. Sayang naman kasi" - Aps

Sumimangot ako!! Niluto ko lahat yun para sa kanya eh pero may point naman siya. Hindi nga namin to mauubos lahat..

"Kanino naman natin ipapahingi??" - Driel

"Tawagin na lang natin sila Mickey." - Aps

Ngumiti ako.. May bigla kasing pumasok sa isip ko.. Magpapaparty kami kasi kami na ulit. Waaah sobrang saya ng araw na to kahit mejo inaantok na ako.. Kaya ko pa to..

"Sige tawagin mo na sila. Tatawagin ko din sila Miko. Magcecelebrate tayo kasi tayo na ulit😁" - Driel

"Ahh??" -Aps

Napanganga lang siya at tumaas yung kilay niya..

"Ay ayaw mo ba? Itapon na lang lahat natin to garud!!" - Driel

Pa-tampo effect naman daw ako.. Haay para akong bata para lang lambingin niya ako..

"Naku naman. Galawang Driel!! Oh sige na nga.. Sayang din naman kasi to kapag itatapon lang" - Aps

Tumawa siya!! sumimangot ako!! at yumuko.. Pero ang hindi ko inaasahan lumapit siya sa akin at..

"Joke lang yun."iniangat niya yung mukha ko "Ngumiti ka na. Ganito oh" - Aps

Nakakatawa yung mukha niya.. Parang baliw.. Natatawa ako pero pinigilan ko.. Nanatili akong poker face.. Nilagay niya yung magkabilaang kamay niya sa pisngi ko at hinalikan ako.. Aaaahh.. seryoso ba siya.. Sa noo.. Sa magkabilaang pisngi.. sa mga mata.. Sa ilong.. At dinikit niya yung noo niya sa noo ko at magkadikit na yung ilong namin.. Napapikit ako bigla.. at doon nagdikit ba yung mga labi namin..

Authors Note:

Maraming salamat po sa lahat naglaan ng time para mabasa tong librong to. Naapreciate ko ng bonggang bongga ang effort niyo. Kung alam niyo lang kung paano nagsimula tong kwentong to. Panigurado matatawa din kayo.. 😂😂

- ©🅰®

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon