Chapter 48: THINKING OUT LOUD
Bakit ba parang wala ako sa sarili ko ngayon? Parang gusto ko na lang matulog.. Nakakailang buntong hininga na ako.. Pagkapasok ko sa studio tinitignan nanaman ako ni Stacy.. Sobrang lagkit ng tingin niya.. Papatay na ata eh.. hay si Stacy? Hmm siya daw yung dating lead model pero nung dumating ako pangalawa na lang siya sa pwesto ..second option na lang kumbaga.. Kaya siguro ganun na lang kainit yung dugo niya sa akin.. At siya din yung pinakamaldita sa lahat ng taong nakilala ko dito sa studio. Napakamaarte.. mataray.. isnabera.. feeling at kung ano ano pa.. Maganda nga siya sama naman ng ugali niya!! Kahit di niya sabihin ramdam kong pilit niya akong tinatalbugan.. Sa pananamit.. pananalita at pagrarampa.. Hay IMPAKTA!! 😣
"Guys umayos na kayo. Go go.. Para matapos na tong rehearsal at makauwi na tayo.." - Miguel
Habang pinanood ko yung mga naunang rumarampa.. Nasabi ko sa sarili ko hindi ko talaga forte ang mga ganito.. Pambahay lang ang aura at itsura ko ..sa palagay ko..
Si stacy na ang nauna.. Nakarating na siya sa gitna.. Habang rumarampa ako nakita kong napangiti si Miguel.. At huli na noong mapansing kong nakapwesto na yung paa ni Stacy sa dadaanan ko para matalisod ako.. Stacy talaga!!.
"Aww. Ang sakit ng paa ko 😭" - Aps
Nagpapanic na sila.. Nakita kong napangiti si Stacy.. Bwisit kang demonyo ka..
"Oh my gosh. This can't be happening.. Darling masakit ba masyado yang paa mo?" - Miguel
Hindi ako umiimik kasi makikita naman siguro na sobrang masakit kasi yung facial expression ko.. Napapikit na ako sa sakit.. Na sprain ata.. May naramdaman akong bumuhat sa akin at dinadala ako sa kung saan.. Pagkamulat ko nakita ko si Driel.. Sobrang nag aalala siya.. Nandito na kami sa parking lot.. Dinala niya ako sa passenger seat at sumakay na siya sa Driver seat.. Halos lang paliparin na niya yung sasakyan papunta sa kung saan.. Hindi siya umiimik.. Nakafocus lang siya sa daan.. hanggang sa taddaaa nasa isang clinic na kami.. Private clinic ata to.. At hindi ko na naisip kung gaano ba kaganda yung clinic kasi ang sakit nanaman ng paa ko.. Binuhat nanaman ako ni Driel..
"Hi.. Pwede bang paki tignan yung paa niya? Ngayon na" - Driel
Wow.. Me Ganon? Kaano ano kaya ni Driel tong magandang to? Haay.. Siya na lang sana kinuha nilang model..
"Sige. Maghintay ka na lang sa labas.. Ichecheck ko lang kung napano" - Annie
Habang chinecheck niya yung paa ko linibot ng mata ko yung lugar.. Wow sobrang ganda.. Ang mahal siguro ng bayad dito sa lugar na to..Pagkalipas ng ilang minuto.. natapos na din..
"Huwag kang mag alala na sprain lang yang paa mo Pia..Huwag mo munang ilalakad talagang masakit yan pag pinilit mo.." - Annie
Wooaah.. Kilala niya ako..
"Okay.. Thank you po.. kmm pwede bang magtanong?" - Aps
Ngumiti ako.. Ang cute ng mga mata niya.. Para siyang barbie.. Sino kaya siya? Bakit niya ako kilala?.
"Alam ko na itatanong mo? Kung gaano kayo kainlove ni Driel dati sa isa't isa? Kung ano ang relasyon ko kay Driel? Oh kung sobrang mahal ka pa niya? Nalaman kong nawala lahat ng memorya mo.. Sorry ha sobrang daldal ko ba?.. Alam mo namiss kita ng sobra.." - Annie
Napanganga na lang ako sa mga sinabi niya.. Natawa ako bigla.. Hindi ko napigilan..
"Hahahahahahaaha" - Aps
Yinakap niya ako at humiwalay din siya agad..
"Pinsan niya ako pero mas matanda lang ako ng ilang taon.. Alam mo matapos mong mawala dati hindi ko na nakita yung ngiting Driel na abot hanggang mata. Bigla siyang tumamlay noong nawala ka. Akala ko nga hinding hindi na kayo maghihiwalay dati pero ayun nga sa hindi inaasahang pagkakataon pareho kayong napaglaruan ng tadhana. Palagi kayo dati dito noong kayo pa.. Noong biglaan kang nawala.. Bihira na din dito si Driel.. Pilit ko siyang kinukumbinsi na mag move on na kasi halos magpakamatay na siya dati dahil sa pagkawala mo.. Akala namin hindi ka na babalik at hindi na din babalik yung ngiting Driel pero nandito ka ngayon sa harap ko.. Nakikita kong sobrang mahal ka pa rin ni Driel kahit lumipas na yung napakatagal na panahon. Siguro nga nakatadhana talaga kayo sa isa't isa. Sana magpakasal na kayo para tight na talaga yung relasyon niyo at magkaroon na ng baby. Sayang nga yung baby mo da..." - Annie
Hindi ko na siya pinatapos magsalita..
"Baby? At binalak din po ni Driel na magpakamatay?" - Aps
"Oo tama ang narinig mo.. May baby na kayo dati kaso nga lang noong binalak mong magkapamatay yung bata yung nadali.. Isa ako sa mga doctor na nandoon sa hospital na yun dati" - Annie
Wala akong maramdaman. Ni umiyak hindi ko magawa. Sobrang pagod na siguro yung mga mata ko kakaiyak.. Yumuko na lang ako.. At biglang pumasok si Driel..
"Ano okay na po ba? Anong nangyari ate? Grabe ba? Baka naman hindi na siya makakapaglakad pa.. Ooperahan na ba?" - Driel
Nagtinginan kami ni Ate Annie.. At natawa kami.. Biglang nawala lahat ng nasa isip ko ng dahil sa mga tanong ni Driel
"Naku Driel. Ang o.a. mo.. na sprain lang siya.. Sa ngayon hindi pa siya makakalakad kaya alagaan mo muna.. Dalawang araw lang na pahinga okay na yung paa niya.. Huwag ka ng mag alala" - Annie
Napabuntong hininga siya.. At napangiti..
"Okay sabi mo eh..( lumapit siya akin ) okay ka lang ba? Oh narinig mo naman yung sabi ni Ate annie aalagaan daw muna kita kaya ako muna yung magiging paa mo okay? Huwag kang malikot. Basta kung may kailangan ka nandito lang ako.." - Driel
Nuxx naman ang pagkasweet ni Driel.. Why so sweet? Baka malanggam tayo naku naku baka lalo akong hindi makalakad dahil sa diabetes.. 😂✌️ Hay Driel kailan ko kaya maririnig yung katagang "WILL YOU MARRY ME?" .. Tama nga sila wala yan sa tagal ng pagsasama kung naramdaman mo ng mahal mo talaga.. Go na!! Wala ng paligoy ligoy pa.. Kasal na agad!! Chos.. Hahaha hindi pa nga kami.. Hmm people fall inlove in mysterious ways.. 💋
BINABASA MO ANG
Reset
Novela Juvenil"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...