Chapter 18: He's in coma

40 2 0
                                    

Chapter 18: He's in coma

"Ano gusto mo pa bang ituloy namin o sa susunod na lang ulit.. Magpahinga ka muna.. tignan mo yang sarili mo oh at anong oras na din.. Alam kong sobrang pagod ka galing kina Kyle idagdag mo pa ito.." - Vanessa

Grabe sobrang hapdi ng mata ko.. Alas kwatro na pala pero hindi pa din lumalabas yung doctor.. Sana maging okay na siya dahil marami akong gustong malaman galing sa kanya..

biglang lumabas yung doctor at bigla kaming napatayo lahat..

"How is he?" - Sabi ng mommy ni Driel

"Nakomatus siya.. Sobrang laki ng impact ng aksidente sakanya.. Lalong lalo na sa ulo niya.. Marami pang dugong nawala sakanya so dont expect na malalagpasan pa niya to pero huwag kayong mawalan ng pagasa.. Miracles do exists..Sige mauuna na ako marami pa akong aasikasuhin" - Doctor

COMA? Hindi ko na halos marinig yung sinasabi ng doctor.. Lalo akong nanghina sa sinabi ng doctor.. Ano daw? So may possibility na magkaamnesia siya.. at pwede niyang makalimutan lahat ng tungkol sa kanya.. sa mga friends at lalong na yung tungkol sa akin.. Hay bakit ba ako nagkakaganito.. Past ko na siya at si Kyle na ang present ko.. Kaya huwag akong mag expect ng ganito.. Tsaka wala pa lang akong naaalala tungkol sa kanya..

"Pia okay ka lang ba? Magpahinga ka muna.. Huwag kang mag alala magiging okay din siya.. Tiwala lang.. Halika na uwi muna tayo.." - Vanessa

"Pero si Driel.. Wala siyang kasama" - Aps

"Maraming nagbabantay sa kanyang nurse.. Halika na.. Uwi na tayo.. Babalik din naman tayo dito" - Vanessa

Wala na nga akong nagawa kasi hinila na niya ako papuntang labas.. Grabe talaga tong babaeng to.. 😣

What if hindi na nga niya ako matandaan? What if ayaw na niya sa akin? What if wala na siyang nararamdaman para sa akin? What if ipagtabuyan niya ako? Hay and daming "WHAT IF".. Hindi ko na maingindihan yung sarili ko.. Hindi dapat ganito nagkakasala na ako kay kyle.. Pero ako ba ang nagkasala o si kyle? Nagsinungaling siya sa akin.. Boyfriend ko yung bestfriend niya.. Pero may sinabi dati sila Vanessa na nagcheat daw ang boyfriend at bestfriend ko.. Nasaan na kaya yung bestfriend ko? Pilit talagang bumabalik yung nakaraan ko.. Dapat ko na bang alamin lahat ng tungkol sa akin? Simula pa lang ng kwento ni Vanessa ayoko ng alamin pero kailangan para maging maayos na ang lahat.. Siguro naman matutumbasan ng pagpapatawad lahat ng nakaraan ko..

Habang naglalakad kami papuntang labas ng hospital parang may nakamasid sa amin.. Feeling ko lang..

Hay baka wala lang yun.. Naghalong gutom at pagod lang to.. Wow nakamasid talaga.. Pinagsuspetsahan ko pa talaga yung magandang babae.. Hay sa ganda niyang yun? Ano ba Pia nababaliw kana!!

"Pia kain muna tayo sa Miniresto before umuwi para diretso tulog na mamaya.. at nga pala sabi ni tita pwedeng sa unit ko daw muna na matulog ka.. malayo layo din kasi yung bahay niyo" - Vanessa

"Wala akong ganang kumain eh.. ikaw na lang" - Aps

Seryoso ako.. Nanghihina ako.. Parang may gusto akong puntahan na lugar pero hindi ko alam kung saan.. 😅

"Kailangan mong kumain.. Namamayat ka na nga eh.." - Vanessa

"Vanessa parang may sumusunod sa atin kanina pa.. Hindi mo ba napapansin?" - Aps

"Guni-guni mo lang yun.. Gutom lang yan" - Vanessa

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon