Chapter 14: Kyle Baliw
Ay palaka ka.. Ano ba yan!! Nakakabadtrip naman yung tumatawag wrong timming!! 😣 gusto ko pang matulog eh.. alas sais na pala.. Sakit ng ulo ko 😭😭 pag tingin ko .. .ay si tita sabrina pala.. bakit kaya..
[ ** Tita Sabrina Calling ** ]
"Hello po" - Aps ( Yawn )
"Nasaan ka hija? Pwede ka bang pumunta dito sa bahay ngayon? Pasensiya na kung ngayon lang kita tinawagan hinahanap ka kasi ni Kyle.." - Tita Sabrina
Ano kayang problema niya..
** Too Toot **
May nagtext.. pag tingin ko si Miko.. Ay mamaya na siya..
"Nandito po ako sa bahay.. Sige po tita.. Magpapaalam lang po ako.." - Aps
Grabe kinakabahan ako.. Anyare sakanya bakit niya kaya ako hinahanap.. Lord ayoko mag alaga ng lasing ngayon.. please? Kakaalaga ko lang kaya kay Vanessa kagabi 😫😭
[ ** Flash Back ** ]
"Aps alagaan mo muna si Vanessa ha? Tutal hindi ka pa naman gaanong natamaan ..tindi mo talaga.. Goodluck sayo" - Mickey
Pagkatapos niyang sabihin yun tumawa siya at umalis na.. Wow may gana pa silang uminom sa ganong lagay.. para na ngang lumilindol sa lakad pa lang..
"Salamat ha? Ang babait niyo" - Aps ( Sabi ko sa sarili ko )
Bakit kasi iinom siya ng ganoon karami tapos hindi niya pala kayang kontrolin yung sarili niya.. Pagkalipas ng ilang minuto nagsusuka na siya.. Nadamay pa ako.. Grabe nasukahan ako ng corn beef sobrang dami.. Ang saya ng ganito.. Pati bag ko nadamay pa 😭😫 sabayan mo pang nagdadrama siya.. kung ano ano sinasabi.. Kakabreak lang kasi nila ng boyfriend niya..
[ ** End of Flash Back ** ]
Gabi na kaya nakakatamad .. grabe sobrang inatake ako ng katamaran ngayong araw na to ah 😣
"Salamat hija.. Ako ng bahala.. Hintayin mo na lang yung sasakyan para sumundo sayo.. Sige bye" - Tita Sabrina
"Okay po" - Aps
--
Sa bahay nila Kyle..
"Goodevening Hija.. Samalat sa pagpunta dito.. Punta ka na lang sa kwarto niya.. Hindi na kita maihahatid marami pa kasi akong gagawin.." - Tita Sabrina 😊
"Wala po yun.. Sige tita akyat na po ako" - Aps
[ Knock knock ]
"Pasok" - Kyle
Nabigla siya nung nakita niya ako.. Lumapit ako sakanya.. ang tamlay ng mukha niya.. may sakit siya..
"Ano yan LOVEsick? Bakit hindi mo ako tinext na may sakit ka?Tinawagan pa ako ng mama mo" - Aps
Tapos bigla siyang nagblush.. Haha parang bata..
"Oo.. namimiss na kasi kita.. Ayokong Maabala ka.. Ang dami mo na ngang problema sa school tapos dadagdag pa ako.." - Kyle
Bigla siyang yumuko.. Heto nanaman siya.. Nagpapalambing lang to eh
"Sige alis na ko.." - Aps
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko..
"Teka nandito ka na nga lang.. Iiwan mo ako agad? Hooo ano ba yan buti pa si Dreil nakakasama mo palagi ako hindi" - Kyle
"Biro lang yun.. Dreil? Nakasama ko lang siya minsan.. Palagi agad? O.A. lang? Nagseselos ka ba sakanya?" - Aps
"Oo sobra" - Kyle
"Diretsong sagot ah.. Agad agad? Nakasama lang minsan ng ganun katagal? Wala lang yun.. Mabait naman pala siya .. Sweet pa" - Aps
May nasabi ata akong hindi dapat kasi bigla siyang sumimangot..
"Huwag ka ngang ganyan.. Kumain ka na ba?" - Aps
Grabe hindi siya umiimik.. wala man lang sagot.. para akong ewan
"Huy.. Tama na nga yang drama mo.. Halika kain kana para gumaling ka na.. Kung ano ano kasing ginagawa mo.. pinapabayaan mo yang sarili mo.. ayan tuloy nagkasakit ka" - Aps
Actually nagugutom na din ako..
Wala pa ring kibo..
"Halika na ah.. nagugutom na din kaya ako.." - Aps ( tapos biglang tumunog yung sikmura ko ) napabusangot tuloy ako..
Ang lakas ng tawa niya.. hay laughter is the best medicine talaga .. dapat lagi siyang ganito para mabilis siyang gumaling..
"Halika na.. Kain na tayo" - Kyle
Aba laki ng ngiti niya.. Nababaliw na ata ..Pero kahit ganun.. Gusto ko parin siya.. 😍😄😘
BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...