Chapter 28: That thing Called TRUST!!
Bumalik ako sa lugar na to para ayusin ang dapat na ayusin. Habang naglalakad ako papunta sa loob ng bahay nila Kyle nag-iisip na ako ng mga sasabihin ko. Para handa na ko pero paano kung kinabahan ako bigla ??edi nawala lahat ng iniisip ko!! Hmmm Bahala na nga si Superman 😁 ✌️
"Nasaan po si Kyle? Nandito po ba siya?" - Aps
Biglaan yung pagpunta ko dito. Hindi ko na tinext si Kyle.
"Opo .. Nasa pool po sila" - Ate Kasambahay
"Salamat po" - Aps
Bago ako makarating sa pool may naririnig akong boses. Boses ng babae at si Kyle. Akala ko ba loyal siya? Bat may kasamang ibang babae? May karapatan pa din naman akong magselos nu!! Girlfriend na pa rin ako kahit nalaman ko na yung totoo 😣 Pero habang papalapit ako ng papalapit nabosesan ko kung sino yun. Si Vanessa.. Anong ginagawa niya dito?
Ayaw ko naman talagang makinig pero kasi nacurious ako ng bonggang bongga..
"Ano bang pakialam mo? Kung naghiwalay kayo dati ni James labas na siya doon. Ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit ka niya iniwan at naghanap ng iba sa katauhan ni Pia. Subukan mong galawin siya at makikita mo!!" - Kyle
Hindi siya nambababae. Pinagtatanggol niya ako.. Kay Vanessa!! Ano? Hindi ko maintindihan!! Bakit ako? Anong ginawa ko dati?!
"Aaminin ko nagkulang ako pero dapat ba niyang gawin yun? Simula nung inagaw siya ni Pia sa akin. Biglang nagbago ang lahat. Parang gumuho na yung mundo ko!! ( Umiiyak na siya ) Alam mo ang lahat Kyle. Bakit ka pa nagkukunwari jan na parang wala kang alam? Nagpapaka playing safe ka pa jan!! Alam mo bang alam na niya yung totoo? Nasabi na ni Anika!! Kaya maghanda handa kana.. Pwede naman kitang tulungan kong gusto mo basta pumayag ka lang sa gusto kong gawin. Gusto kong maging miserable rin yung buhay niya. Ayokong makita siyang masaya!!" - Vanessa
At bigla kong natabig yung vase. Sobrang nanginginig na ako. Hindi ko inaakalang kung sino pa yung mga taong pinagkakatiwalaan ko sila pa pala yung wawasak sa mundo ko.
Biglang pumasok sa loob ng bahay si Kyle at Vanessa .. Sobrang gulat na gulat silang dalawa..
"Pia I can explain.Pia ( Hinahawakan niya ako pero tinataboy ko siya ) Pia please talk to me. Its not what you think" - Kyle
"Hindi? ( Umiiyak na ko ) Sige sabihin mo sa akin kung ano?! Sa mga oras na magkasama tayo puro magaganda yung pinapakita mo sa akin para ano? Para paglaruan ako? Oo tama si Vanessa alam ko na yung totoo siya pa nga nagkwento. Pati ba yung pagmamahal mo kasinungalingan din? Pinagkatiwalaan kita ng buong buo Kyle pero anong ginawa mo? Sinira mo yung tiwalang binigay ko!! Hanep ka din sobrang tigas mo!! Paano mo nagagawang manakit ng ibang tao? Sobrang itim ng budhi mo!! ( dinuru-Duru ko siya ) Simula ngayon. Kalimutan mo ng nagkakilala pa tayo at ganun din sayo Vanessa. ( Humarap ako kay Vanessa ) Kinaibigan mo lang ba ako para maghiganti? Kung ano man yung nagawa ko dati. Humihingi na ako ng tawad sa lahat ng yun. Hindi ko inaasahan na ikaw na pinagkatiwalaan ko ng buong buo ang unti unting sumisira sa pagkatao ko. Sabihin mo nga may kinalaman ka din ba sa nangyari dati?" - Aps
"Oo tama ka lumapit lang ako sayo para maghiganti!! Dahil napaka walang hiya mo.. Ang kapal ng pagmumukha mong kumuha ng hindi sayo!! Kung hindi dahil sayo akin pa siya hanggang ngayon at buhay pa siya.. Dahil sa kalandian mo kaya gumuho yung mundo ko!! Kung hindi ka ba naman kasi tatanga tanga dati edi sana okay pa rin kayo ni Driel hanggang ngayon. Tama ka ako ang may pakana sa video. Dinagdagan ko yun. Tinago ko yung video na pinadala nila sayo. Dahil gusto kong maging miserable din yung buhay mo. Gusto kong iparanas sayo lahat ng naranasan ko. Pero sobrang swerte mo kasi kinakampihan ka ng tadhana. Kung hindi dahil sa kalandian mo edi sana wala sa hospital ngayon si Darielle ( at bigla siyang tumahimik ) " - Vanessa
"Ano hindi si Driel ang nasa hospital kung hindi si Darielle? Napaka walang hiya mo talaga pati kapatid ni Driel.. Bakit ganyan ka?! Lahat na lang dinadamay mo ( inaawat na ako ni Kyle pero hindi ako makapagpigil .. inaabot ko padin siya ) wala kang puso. Napakaimmoral mo.. ikaw na lang sana yung nasa hospital ngayon!! Para naman matuto ka! Makarma ka sana sa mga pinaggagagawa mo!! Akala ko mabait ka.. Nagkamali ako.. Mas masama ka pa kumpara kay satanas!! P***** **a mong babae ka!!" - Aps
Umiiyak na lang siya. Bigla akong naawa sa kanya. May pinagsamahan din naman kami pero nasabihan ko siya ng mga masasakit na salita.. Pag talaga galit ako ang dami dami kong nasasabi..
Lumapit ako sa kanya para patigilin siya.. Iyak siya ng iyak..
"Sorry sa lahat ng nasabi ko Vanessa.. Hindi ko sinasadya.. Taha na.." - Aps
Tinignan niya ako ng mata sa mata.
"Bakit ba ganyan ka na kabait ngayon? Diba dapat sinasaktan mo ako? Pinagsasalitaan pa ng kung ano ano? Ano magsalita ka pa? ( yinuyugyug niya ako ) Kulang pa yun sa lahat ng nagawa ko sayo.. Bakit sobrang bait mo na? Hindi ka naman ganyan dati.. ( iyak siya ng iyak ) Kulang pa yun sabi.. Pia ano ba?" - Vanessa
Lalong bumuhos yung luha ko. Ganoon na ba ako kasama dati?
"Tama na lahat yun. Kung si Anika nga napatawad ko ikaw pa kaya. Sorry sa lahat ng nasabi ko kanina" - Aps
Pinipilit ko pa ding humingi ng tawad sa kanya. Tanga na kung tanga.
"Bakit ba ang dali mong sabihin yan? Paano mo nagagawang magsorry sa taong ang laki ng kasalanan sayo? Hindi ko lubos maisip na ganyan na talaga kalaki yung pinagbago mo.. Sinira ko yung buhay na meron ka dati tapos ang bilis mo lang akong patawarin? May sira ka na ba sa ulo? Magalit ka pa. Kulang pa yun!!" - Vanessa
"Hindi naman kasi lahat ng bagay nadadaanan sa init ng ulo. Tumaha ka na jan. Ayokong magalit sayo kasi alam kong nagawa mo lang yun dahil sobrang mahal mo yung sinasabi mong James. Hindi ko man maalala yung nangyari dati. Ang tagal na nun. Vanessa gumising ka na sa pait ng nakaraan mo. Hindi ka magiging masaya kung hindi mo kayang magpatawad ang kapwa mo tao. Hindi nadadaan sa paghihiganti para sumaya ka. Mas lalo mo lang dinadagdagan yung paghihirap at kasalanan mo. Ayaw mo bang mabuhay ng payapa? Yung walang kaaway? Yung tipong walang bumabagabag sayo? Alisin mo na lahat ng galit na meron jan sa puso mo" - Aps
Lalo siyang umiyak.. naawa na ako sa kanya. Hindi naman dapat pero marami naman na kaming napagsamahan.. Siya yung palagi kong nakakasama dati nung wala pa akong alam sa nakaraan ko.
Ang sakit isipin na pagkukunwari lang lahat ng ipinakita niya dati sa akin. Ganun na ba talaga ako kasama dati na kaya ko pang kumuha ng pag-aari na ng iba..
Sana matapos na lahat ng to. Nasaan kaya Driel? Bakit ba kasi hindi ko tinignan dati kung sino yung naaksidente.. pero kung tinignan ko naman hindi ko malalaman tong nakaraan ko..
Bakit hindi sinabi ni Miko na si Darielle yung naaksidente? Ano to para lumabas na ang totoo? May kinalaman nanaman kaya dito si Vanessa?..
BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...
