Chapter 36: Winasak ng MALING AKALA!!

27 2 0
                                    

Chapter 36: Winasak ng MALING AKALA!!

Tinignan ko si James at sila Mickey. Pabalik balik yung tingin ko sa kanila. Wala man lang makaramdam..

"Hi Guys. Goodmorning" - Aps

"Hello" - James

Nakatulala pa rin sila. Tumayo na ako papunta sa kanila para makaramdam naman sila.. Hinipan ko yung tenga ni Mickey. Halos manginig na.. Tinignan niya ako ng masama at binalik niya kay James yung tingin niya na parang nagtatanong.

"Paanong? Buhay ka? Paano nangyari yun? Diba sobrang laki ng pagsabog na yun. Naibalita pa nga.." - Mickey

Biglang lumapit si Vanessa para yakapin si James.. Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan. Blangkong blangko ako sa mga nakikita ko.. Hindi maprocess ng utak ko yung mga nangyayari..

"Ano ba Vanessa? Matagal na tayong tapos.. Bitawan mo nga ako.." - James

Pilit na tinatanggal ni James sa pagkakayakap si Vanessa.. Makikita mong sobrang intense.. Hindi ako makapagsalita dahil sa nakikita ko..

"Walang natapos sa atin James. Mali yung akala mo dati. Walang nangyari sa amin ni Thomas dati. Parang awa mo na balikan mo na ako. ( Umiiyak na siya ) Alam ko malaki yung naging pagkukulang ko at ganun pa yung nalaman mo.. Nag usap lang naman kami dati para sa presentation nung pinapagawa sa aming project.. Please maniwala ka naman oh." - Vanessa

"Sa motel? Hindi ko pa malalaman kung hindi kayo nakita ng mga kaibigan ko!! Ganun ka na ba kadesperado dati para makatikim ng flesh. Alam mo sobra sobra yung respeto ko sayo pero anong ginawa mo? Naghanap ka ng iba para lang sa p***** ****g sex na yan.. Hindi mo na lang sinabi sa akin dati yung totoo. Nalaman ko pa sa iba!! At yung naibalita dati. Hindi ako yung nakaaakay sa kotse ko kung hindi yung driver namin. Pinalabas lang ng pamilya ko yun dahil sobrang hirap na hirap na akong tanggapin yung nangyari dati.. Una yung sayo tapos yung kay Pia. Ano na lang ang mukhang maipapakita ko? So nung nalaman kong nawala lahat ng memorya niya. Linapitan ko siya dati sa mall. Ang tanga ko nu? Kahit sa sobrang tagal na ng panahon umaasa pa rin ako kay Pia. Sorry Pia dahil hindi ko sinabi sayo yung totoo una pa lang tayong magakilala. Ayoko na kasing ungkatin pa yung noon" - James

Ayaw mag sink-in sa utak ko lahat.. Processing... Processing... ?????

Bigla na lang tumulo yung luha ko..

"So? Pagkakamali lang lahat? Dahil sa maling akala kaya niyo sinira yung buhay ko? SA ISANG MALING AKALA?!! ( sumigaw na ako ) Nagkakaganito tayong lahat? ( Umiiyak na ko ) sana naman Vanessa masaya ka na sa lahat ng nagawa mo. Sana nakontento ka na sa lahat ng nangyari sa akin.. Sa susunod na gagawa ka ng isang bagay pwede bang alamin mo muna lahat? Parang awa mo na para hindi ka na makasira ulit ng buhay ng iba.. Hindi ko na kaya lahat ng to!! Sobrang hirap na hirap na kong ipakitang okay ako sa inyong lahat.. Tao din naman ako nahihirapan at nasasaktan sana naman maintindihan niyo.." - Aps

Iyak ako ng iyak. Linapitan ako ni Vanessa at lumuhod sa harapan ko.. Sinampal ko siya magkabilaan..

"(Paaaak ) yan para sa panloloko mo sa amin at ( Paaaak ) yan para sa lahat lahat na ng paninira mo.. Vanessa pinatawad na kita eh!! Tapos mali lang pala lahat ng to? Pinatawad na kkita Vanessa eh.. Tumayo ka na jan at lumayas ka dito!! Baka hindi lang yan yung magawa ko sayo" - Aps

Ayaw pa rin niyang tumayo.. Gusto ko siyang kaladkarin palabas pero hindi ko kaya.. Iyak pa rin ako ng iyak. Halos wala na din akong maramdaman. Ganito ata talaga kapag sobrang nasasaktan ka na. Manhid ka na. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya para maging okay na lahat pero para ano? Para lalo pa niyang sirain ulit yung buhay na meron ako ngayon. Hindi naman lahat ng bagay nadadaan sa mabilisang pagpapatawad.. Kailangan muna nating buuin at magkaroon ng tiwala sa sarili natin bago natin maibalik yung tiwala natin sa iba. Kapag nabasag mo na ang isang bagay kahit anong hirap mong ibalik to hinding hindi na mabubuo pa kasi wasak na wasak na dahil marami ng nadurog.. Darating din naman yung panahon na mapapatawad ko siya pero hindi pa ngayon..Hindi ko pa kaya.. Nanghihina na ako at bigla na lang nandilim yung paningin ko..

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon