Chapter 31: Biglang Liko
Pagkapasok ko sa bahay.. Wow anong meron? Nakaimpake silang lahat..
"Nanjan ka na pala. Alis na tayo" - Dy
"Dy anong meron? Saan tayo pupunta?" - Aps
Wala pa akong gamit ..
"Magkakabasyon muna tayo sa Camarines para naman kahit papaano mabawasan yung problema natin. Sa mga nakaraang araw nakita namin ng mommy mo na nahihirapan ka na kaya heto.." - Dy
"Pero Daddy wala pa akong gamit tsaka kakauwi ko pa lang oh." - Aps
"May gamit ka na. Pinaready ko kanina pa.. Halina kayo para masulit natin." - Dy
"Daddy talaga excited. Ngayon lang ulit kita nakitang ganyan Dy. Sana palagi na lang ganito" - Ate Ko
"Mey, Dy at mga ate ko salamat kasi nanjan pa din kayo. Hindi niyo ko pinabayaan. Mahal na mahal ko kayo. Sana matapos na lahat ng to. Sana" - Aps
"Sweetie huwag ka ng mag alala. Lilipas din yan. Tiwala lang. Nandito lang kami para sayo dahil kapamilya mo kami. Gagabayan ka namin sa lahat ng desisyong bibitawan mo.." - Mey
Ngumiti lang si Daddy. At yinakap nila ako. Sana nga palagi na lang kaming masaya na kahit may problema nagagawa pa din naming ngumiti.. Kahit kailan talaga yung pamilya mo lang yung makakapitan mo sa oras ng unos..
-
Witiwiw. Ang simple pero ang elegante tignan ng bahay. Malapit siya sa beach.. Sobrang linis at linaw ng tubig. Waaah sarap sigurong maligo doon. Excited na ako 😊
Anong oras na pala. Sobrang haba ng biyahe 😣 nakakangawit umupo. Hindi ako nakatulog kanina kasi naman kapag pipikit ako naiisip ko yung mukha ni James. Weheeee CRUSH ko siya. Capslock pa talaga 😂 ngee sobrang bait niya. Gusto ko ulit siyang makasama..
"Huy!" - ???
"Ay baklang palaka!!" - Aps
Si ate ko lang pala 😒 Sinira niya yung momentum ko 😣
"Bakit ka nakangiti jan? Para kang baliw. Hindi pala PARANG kasi baliw ka na talaga. Anong meron?" - Ate ko
"Ate kasi ganito yun. Ay teka kinikilig ako ( aaaaaahhhhh )" - Aps
"Aba lakas makatili ah. Sheyeee ge kwento dali" - Ate ko
Aba excited much..
"Kasi nga ganito yun. ( Laki ng ngiti ko.. Hindi ko mapigilan ngumiti ) kmmm.. May nakilala akong gwapo kanina. Sobrang bait at sweet niya. Siya pa n nung mga binili ko kanina sa mall at guess what sa kanila yung mall. Aba matindi. Alam mo ate iba yung ka sweet'an niya. Hindi yung typical na ka-sweet-an lang basta ganun. Alam mo kahit kakakilala ko pa lang sa kanya pakiramdam ko sobrang close na kami. Siya pa nga naghatid sa akin kanina sa bahay. Chutchal diba? Haba ng hair ko. " - Aps
"Nuxx. Iba na yan. Magdahan dahan ka lang Pia pinapaalala ko lang sayo baka pag nakita niya ako ayaw na niya sayo at mainlove sa akin toda max" - Ate ko
Tumawa siya. Nakabusangot na ako..
"Ate naman eh" - Aps
"Hindi biro lang. Anong pangalan niya?" - Ate ko
"James" - Aps
"James?" - Ate ko
"James Ferrer ( Nabigla si ate ko ) Bakit? Kilala mo ba siya?" - Aps
"Pia gusto mobang maligo muna tayo?parang ang gandang maligo oh ang linaw at ang linis ng tubig sa beach.." - Ate ko
Ay biglang liko.. May ganun. Binaliwala niya yung pinaguusapan namin.. Ay sige na nga gusto ko ding maligo eh..
"Sige. Halika na" - Aps
Ang ganda ng sunset.. Nakakarelax naman sa lugar na to.. Kakaiba yung ambiance. Sana ganito na lang lahat ng lugar. Yung tipong parang wala kang problema.. Kakalimutan ko muna lahat ng nangyari sa mga nakaraang araw. Lalo lang akong naiistress..

BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...