Chapter 22: Her First Move!!

32 2 0
                                    

Chapter 22: Her First Move!!

ANIKAS POV 💋

Ow. Look whose here. Hindi na nga niya talaga ako matandaan. Hindi ko pa malalaman yung nangyari sa kanya kung hindi ako nag hire ng private investigator.. Marami talaga ang nagagawa ng technology when it comes to operation. Sabagay doctor naman pareho sina tito at tita.. Gagawa at gagawa talaga sila ng paraan makalimutan niya lahat ng nangyari dati..

Duh? Gusto kong magpakilala na ako yung walang hiya mong bestfriend na nanloko at pinaglaruan ka. Kaso huwag na muna ngayon. Marami pang mangyayari bago mo ako makilala bilang bestfriend mo. Just wait and see my dear!!

"Hello?" - Anika

"Hi?" - Aps

Wala talagang kamuwang muwang. Sa totoo lang namimiss ko na siya bilang bestfriend ko. Sobrang nagsisisi ako kung bakit ko siya niloko dati.

Nang dahil lang sa lintik na pagmamahal ko kay Driel nagkasira sira kami. At napilitan akong pumunta sa ibang bansa para lang lumayo sa kanila. Para mawala na sa buhay nila kaso paglipas ng panahon.

Makikita ko na lang yung sarili ko bumabalik ulit. Gusto kong ayusin yung pagkakamaling yun. Alam kong marami ulit masasaktan lalo na si Kyle..

Nagmahal din lang naman siya katulad ko at aaminin ko ako naman talaga ang may kasalanan lahat kung bakit nagkagulo gulo kami dati!! Walang kasalanan dito si Kyle kaso nadamay na siya kasi siya yung gumawa ng paraan para maghiwalay si Pia at Driel..

Oras na ba para tapusin ko yung kahibangan ni Kyle? Naaawa ako kay Driel. Nasa hospital siya ngayon dahil lang sa relasyon na meron si Pia at Kyle.

"Pwede bang makitext? Nalowbat na kasi ako. By the way I'm Anika Martin" - Anika

"Sige. Pia" - Aps

Ang bait pa rin niya. Hindi siya nagbago.

"Thank you ha? Ang bait mo naman pati hindi mo kilala pinapahiraman mo ng phone mo" - Anika

"Welcome. Hindi naman ako madamot. Marunong akong magshare ng kung anong meron ako. Hindi naman big deal yung pagpapahiram ko sayo. Sige labas na ako." - Aps

"Okay. Salamat ulit. Ingat" - Anika

Sa totoo lang hindi naman talaga ako nalowbat. Full charge nga ako eh. Kahit malowbat yung isa meron naman akong reserba.

Sinadya ko talaga na itext si Miko. Para mag isip siya kung anong koneksyon ko kay Miko. Dapat nga si Kyle kaso baka magkagulo agad lahat ng hindi naayon sa plano ko. Mahirap na..

Kailangan kong makipagkita kay Miko. Dapat may isa ng makaalam ng totoo. May tiwala naman ako sa kanya kasi dati siya yung pinaka close ko sa kanilang magbabarkada buti nga tinanggap niya pa din ako ngayon kahit ganun yung ginawa ko dati..

Makalipas ang mahaba habang biyahe nakarating na din ako sa lugar kung saan kami maguusap ni Miko.. Tambayan na namin dito dati pa.

"Hi. Bakit? Anong kailangan mo?" - Miko

"Simple lang. Maging maayos ka lang kausap. May kailangan ka kasing malaman pero pwede bang ipangako mo sa aking huwag mo munang ilalabas?" - Anika

"Depende" - Miko

"Please? Alam kong wala ka ng tiwala sa akin pero magsasabi ako ng totoo. Ayoko ng magsinungaling pa. Matagal na panahon na din simula noong nangyari yun." - Anika

"Sige na nga. Teka anong ibig mong sabihin?" - Miko

"Walang totoo sa video na napanood dati ni Pia. Sorry kung naging selfish ako dati. Sobrang inlove na kasi ako dati kay Driel kaya ko nagawa yun" - Anika

"Yung video na gumawa ng malaking pagbabago sa buhay natin.. Ano totoo ba yung narinig ko? Inlove ka kay Driel dati? Oh my." - Miko

"Oo alam ko yun kaya nga ako nandito ngayon para itama lahat ng pagkakamali ko. Yung nareceive mong text kanina galing kay Pia. Nakita ko siya kanina. Sakto namang mag isa siya kaya gumawa ako ng paraan para makilala niya ako.. Alam mo bang sobrang miss ko na siya bilang bestfriend ko.. Gusto ko siyang yakapin kanina ng sobrang higpit kaso baka makahalata siya. Ang tanga ko no? Sa lahat ng tao sa boyfriend pa ng bestfriend ko na nainlove ako.. Nang dahil sa pagiging selfish ko nagkaroon kami ng gap. Lahat ng pundasyon namin bilang magkaibigan biglang nawala sa isang iglap lang." - Anika

Naiiyak ako..

"Bakit hindi mo tinama lahat dati? Naghintay ka pa ng matagal na panahon. Marami na ang nagbago. May relasyon na si Pia at Kyle. Wala ng maalala si Pia sa nakaraan niya." - Miko

"Kung alam mo lang. Sobrang natakot ako dati. Kaya napilitan akong maglaho na parang bula dati. May alam na siya sa nakaraan niya. Yung nakita ko siya kanina papunta ata sila sa dating bahay nila para malaman yung nakaraan niya. Nagsimula ng magkwento si Vanessa nung nasa hospital pa lang sila. Yung gabing naaksidente si Driel. Magbabakasyon lang dapat ako dito ng dalawang linggo kaso heto nga may nangyaring hindi maganda. Yung gabing naaksidente si Driel. Sinusundan ko siya. Sobrang lasing siya pero nagmaneho pa rin pupuntahan niya dapat si Pia..Pinigilan ko nga eh. Alam kong nakilala niya ako kaso nga lang pinagtabuyan niya ako.." - Anika

"So? Ikaw yung tumawag sa akin ng gabing yun? bakit hindi ka nagpakilala agad? Marami ka na pa lang alam. Alam mo bang simula nung nangyari yun.. muntikan na ding nagpakamatay si Driel. Buti nga saktong umuwi yung mommy niya at nakita siya. Dahil sa ginawa mo. Sobrang nasasaktan na siya ngayon. Hanggang sa umabot na nga dito. Hindi namin alam kung magigising pa siya dahil sa kalagayan niya." - Miko

"I know. Nagsisimula na akong gumawa ng paraan para tapusin yung kahibangan ni Kyle. Alam kong nadamay lang siya kaya sobrang humihingi ako ng patawad" - Anika

"Si Ky nadamay? Saan? Anong ibig mong sabihin? May kinalaman ba siya sa nangyari dati?" - Miko

Alam kong galit na siya. Heto na nga ba yung sinasabi ko eh..

"Kami yung may kagagawan. Siya ang nag set-up sa amin ni Driel at siya din ang nagpadala ng video kay Pia.. Na edit yung Video.. Ayaw naman talagang makipaghiwalay ni Driel kaso blinock mail ko siya.. Huwag ka munang magwala please? Alam kong masakit tanggapin pero pwede bang patapusin mo muna ako? Humingi ako ng tulong sa kanya para magkahiwalay si Pia at Driel.. Uulitin ko.. Humingi ako ng tulong sakanya. Kaya huwag niyo siyang sisisihin!!" - Anika

"Huwag sisihin? Kung hindi ka niya tinulungan dahil sa kahibangan mo hindi sana nangyari lahat ng yun. Akala ko pa naman sobrang bait mo. Yun pala may tinatago ka ring kasamaan. Ang sama mo. Hindi mo na lang inisip yung kahihinatnan ng pagmamahal na yan. Nanira ka pa talaga ng buhay ng iba. So? Anong plano mo? Huwag kang humingi sa akin ng tawad Anika dapat kay Pia. Magsimula ka ng mag-impake ulit. Kilala natin si Pia pag nagalit. Ngayon pa't sabi mo inaalam na niya yung katotohanan" - Miko

Bigla na lang bumuhos yung luha ko dahil sa sinabi niya.

"Tama na yan. Halika na ihahatid na kita sa inyo. Magpahinga ka muna.." - Miko

Sana maaayos ko pa ang pagkakamali ko. Sana.

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon