Chapter 49: My LOVER My SLAVE
Haaayyy ( yawn ) Nakapikit pa rin ako dahil sa antok.. Bumaba ako sa kama at napasigaw ako sa sakit.."ARAAAAYYY" halos lang mapaiyak na ako dahil sa sakit.. huehuebels.. Nakalimutan ko yung paa ko. Bwisit napaka makakalimutan ko talaga 😣
"Aps okay ka lang ba? Hay naku ang sabi ni Ate Annie hindi ka pa daw pwedeng maglakad diba? Hmm.." - Driel
"Oo na!! Ang aga pa lang nandito ka na? Aba. Anong pinaglalaban mo?" - Aps
Ngumiti siya..
"Bakit ayaw mo bang nandito na ako? Diba nga kailangan mo ako? Sige aalis na ako pag ayaw mo.. Pero pag kailangan mo naman yung tulong ko say please with feelings at sabihan mong kailangan mo ako.." - Driel
Nuxx.. Demanding ang hinayupak!!
"Edi umalis ka na. Hindi kita kailangan no!!" - Aps
Inayos na niya lahat ng gamit niya sa bag niya na nakalagay sa mesa.. Sobrang naiihi na ako mejo malayo pa naman yung banyo dito sa kama ko.. Aaaahhh. Bwisit na Driel to.. Gusto ko ng upakan.. Syiete malapit na siya sa pinto.. Okay Pia ibaba ang pride para sayo din naman pag sinabi mo yung gusto niya.. Wala namang mawawala sayo!! Go!! Hay kung hindi lang talaga na sprain yung paa ko.. Humanda sa akin yung Stacy na yun pag nakabalik ako.. Baka lumuhod pa siya.. 😣😣
"Please???? ( nagpacute pa ako ) okay kailangan kita!!" - Aps
Okay!! Mejo galit yung tone ko doon.. Napanganga lang siya..
"Galit ka naman eh.. Gusto ko yung malambing.. Sige bahala ka..Magbibilang ako ng lima pag hindi mo pa sinabi yun.. Aalis na ako" - Driel
Hindi ako umiimik..
"1..2..3.." - Driel
Pag ako nakalakad na bubugbugin ko talaga tong mokong na to 😣
"..4.. And..fi.." - Driel
"Okay.. Please?? kailangan kita mag stay ka na" - Aps
Binuhos ko lahat ng pagpapacute na meron ako sa mga salitang yun.. Aba.. Yung hinayupak na lalaki ang laki ng ngiti.. Humanda ka gagawin kitang alila.. Babawi ako!!
"Pwede bang pakidala ako ako sa cr sobrang naiihi na ako" - Aps
Bigla siyang tumawa..
"Kaya naman pala nasabi mo yun.. Sobrang kailangan mo talaga ako.." - Driel
Binuhat niya ako at dinala sa cr.. Grabe hindi ako makatingin mg diretso sa mga mata niya.. Nakakahiya.. Ay bakit naman pala mahihiya sa taong to!! Manigas siya.. Bigla nanamang bumilis yung tibok ng puso ko.. Ano bang problema ng puso ko!! Kung pwede lang sanang tanggalin at ipahingi na lang sa iba.. Makalipas ang ilang minuto tapos na.. Waahh naligo na din ako nu.. Baka anong isipin niya buti na lang nakababa yung shower kung hindi haayyy.. ewan!! Naku wala pala akong damit dito😣
"Driel?" - Ako
"Bakit?" - Driel
Ang lambing naman ng boses niya.. Bigla tuloy uminit yung fezlak ko.. 😂😂 kinilig ata ako eh..
"Wala kasi akong damit na gagamitin pwede bang ikuhanan mo ako? Kmmm ( sasabihin ko ba na pati undies? .. Nakakahiya naman.. Hayy kailangan ko eh.. Okay .. Siya lang naman ) kmmm mmm pati undies ha? Huwag mong kakalimutan.. Salamat" - Aps
[ KNOCK KNOCK ]
"Sige buksan mo na ilagay mo na lang jan sa mesa.. Ako ng balaha. Thank you" - Aps
"Okay" - Driel
Para naman akong pilay na pumunta doon sa mesa.. Buti na lang may upuan at iba pang pang ayos dito.. At buti hindi ko tinanggal kahapon lahat ng to dito.. Nagpaparamdam..
Makalipas ang ilang minuto.. Taddaaa tapos na.. Binuksan ko yung pinto at sinubukan kong maglakad.. nakaramdam ako ng kirot.. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.. Sakto nakita niya ako at binuhat pabalik sa kama ko.. Hay ano na lang ang gagawin ko dito maghapon.. Umalis siya.. Pagkabalik niya may dala na siyang tray..
"Oh.. Heto kumain ka muna.." - Aps
Aww. Ang sweet naman ng babyloves ko.. Ha? Ano daw? Kung ano anong nasasabi ko sa utak ko.. Paano na lang kayo pag nasabi ko baka iba ang isipin niya.. Lagot!!
"Ikaw.. Kumain ka na ba?" - Aps
"Hindi pa.. Sige ikaw na muna.. Mamaya na lang ako.. hindi pa ako nagugutom" - Driel
Ngumiti siya.. Nagsimula na akong kumain at may narinig akong ( krrrggg ) ahahaha tumunog yung tiyan niya..
"Ah? Hindi ka pa nagugutom sa lagay na yan ha? Halika na.. Marami naman to.. Share na lang tayo.." - Aps
Ngayon lang ako nag offer ng ganito sa tanan ng buhay ko.. Sa pagkakaalam ko..Lumapit na siya.. napangiti na lang ako bigla at sabay kaming kumain..
Makalipas ang dalawang oras.. hay ang boring mahiga sa kamang to.. Siya nakaupo lang.. Nagtetext ata.. Bwisit sino ba kasi yung katext niya.. Pangiti ngiti pa.. Akala ko ba aalagaan niya ako.. Anyare? Mautusan nga..
"Driel paki bukas naman yung tv" - Aps
"Paki kuhanan naman ako ng tubig" - Aps
Umalis siya at kumuha ng tubig.. Pagkabalik niya.. May dala na siyang tubig.
"Ay hindi.. Pineapple juice na lang pala" - Aps
"Pwede bang pakisaksak yung passport at manonood ako ng movie." - Aps
"Pakipatay naman yung aircon oh? At pakibukas yung bintana" - Aps
"Ay sobrang init.. Pakisara na pala at buksan mo yung aircon" - Aps
"Gusto ko ng strawberry shake" - Aps
Sa lahat ng inutus ko wala man lang siyang reklamo.. Aba.. Pagkabalik niya meron na yung shake with leche flan pa.. napangiti nanaman ako.. at ngumiti din siya.. Namula ako.. Oh my gulay!! Hindi pwede to!!
"Ay sheeemay.. Natapon.. pwede bang pakilinis to?" - Aps
Habang nililinis niya tinitignan ko lang siya hanggang sa natapos..
"Paki abot naman yung ipod touch ko.. Nandoon yun sa cabinet malapit sa tv" - Aps
"Oh heto paki balik na" - Aps
Halos Minu-Minuto ko siyang inuutusan.. Hanggang sa gabi na pala. Oh my alas otso na.. Nag enjoy akong utusan siya..Nakikita kong sobrang pagod na siya.. Hindi pa siya kumakain.. Naku bigla akong nakaramdam ng konsensiya.. Nasobrahan ata yung pagiging maldita ko.. noong silipin ko nakatulog na siya sa sofa kawawa naman siya.. Mejo okay naman na yung paa ko.. Sinubukan kong maglakad papunta sa kanya at nilagyan siya ng kumot.. Hinaplos ko yung mukha niya.. Sobrang gwapo tas kinawawa ko lang.. Bigla kong naalala yung nabili kong ballpen dati.. Matry nga.. Kinuha ko yun at nagsulat sa kamay ni Driel.. aaaahhhhyyy.. Inaantok na ako.. Hindi ko na kayang bumalik sa kama ko.. Sobrang inaantok na din ako.. Alas onse na pala.. Natulog na ako sa harap ni Driel.. Bukas na lang siguro ako lilipat .. at pinikit ko na yung mga mata ko..
BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...
