Special Chapter

34 1 0
                                    

DRIEL'S POV 💋

Grabe sobrang dami ng trabahong dapat gawin.. NAKAKA-STRESS!! Halos wala na kaming oras sa isa't-isa ni Pia.. Pareho naman kasi kaming subsub sa trabaho.. Ilang buwan na din ang nakalipas simula noong naging opisyal na naging presidente ako ng kompanya namin at patuloy na pangunguna ni Pia sa iba't ibang fashion show at modelo ng mga magazine.. Napapasali na din siya sa iba't ibang proyekto sa ibang bansa.. Ang bilis ng panahon...

Habang lumilipas yung araw na hindi kami nagkikita at nagkakasama ni Pia pakiramdam ko unti unti na ding naglalaho yung relasyon namin.. Kapag naiisip ko to bigla na lang akong nakakaramdam ng pangamba.. Baka isang araw magising na lang akong wala nanaman siya sa akin.. Ngayon pa at ang dami niyang nakakasalamuhang lalaki.. May tiwala naman ako sa kanya pero hindi lang talaga maiwasan ..sa kasweetan at kabaitan niyang yun hindi na ako magtataka kung maraming magkakagusto sa kanya.. Itsura pa lang panalo na..

"Huy!!" - ???

Bigla pa akong natauhan..

"Kanina pa kita kinakausap.. Tulala ka nanaman jan. Napapadalas na ata yan ha?! Si Pia nanaman ba ang problema mo??" - Miko

"Ha? Ano bang sinasabi mo??" - Driel

Patay malisya na lang.. Bakit ba ako nagkakaganito? Nababakla na ata ako..

"Ewan ko sayo pre.. Halika na anong oras na kanina pa nandoon sila Kyle.. Kung hindi pa pala ako pumunta dito baka M.I.A. ka na nanaman!! Ang dami mo ng napapalipas sa barkada.. Sana naman pumunta ka na. Baka nakakalimutan mong anniversary natin ngayon.." - Miko

Ay oo nga pala.. Ngayon yung anibersaryo ng barkada namin..

"Ha? Ako makakalimot? Nagbibiro ka ba??" - Driel

Hahaha. Tama ba tong ginagawa at sinasabi ko.. Hindi ko naman sinasadyang makalimutan yun.. Hay tumatanda na nga ako.. Sana makalusot..

"Utot mo!! Sinong niloko mo? Ako o sarili mo?! Kilala kita.. Sige magsinungaling ka pa.. Ikaw din malay mo nandoon na si Pia.. Paano na lang pag hindi ka nakapunta nandoon si Kyle" - Miko

Tumawa siya ng malakas.. Bigla tuloy akong nakaramdam ng galit.. May tiwala ako kay Pia.. Hindi niya ako kayang lokohin. Hindi naman siguro maiiwasang magkausap sila pero yung sobrang lapit. Hay naku baka kung anong magawa ko kay Kyle.. Magdahan dahan siya.. Binilisan ko na lang yung pag ayos ng gamit ko para makaalis na kami. Walang hiya talaga tong babaerong to!! 😣 Totoong kaibigan!!

"Oh? Ang bilis. Parang kidlat.. Natatakot ka ba?! Tsek .." - Miko

Sinapak ko na.. Nakakarami na.. Isa pa Baka hindi lang yun ang abutin niya..

"Manahimik ka na jan. Halika na!! Baka ano pang magawa ko sayo.." - Driel

Nakaupo pa din siya.. Tinaasan ko na ng kilay..

"Ay oh.. ( Astang bakla.. Nakakagat labi pa ) Tsek.. Over my hot sexy dead body.. Hindi kita papatulan no!! Hmmm" - Miko

Nagtawanan kaming dalawa.. Nawala lahat ng galit ko.. Puro kalokohan talaga to.. Kung hindi lang siya babaero iisipin naming magbabarkada na bakla talaga siya.. Ang angas kaya niya.. Baliw talaga.. Pak na pak!! 😂😂 nakakahawa..

--

Pagkapasok pa lang namin sa bar ni Kyle sobrang ingay na.. Buti na lang pupunta kami sa may VIP na lugar.. Sobrang daming tao.. Ang laki ng improvement dito ah.. Ang daming nadagdag.. Halos lahat ng light at gamit napalitan. Mas maganda yung ambiance ngayon kaysa dati.. Mapapagimik ka talaga.. Talino naman ni Kyle.. Lumelevel up!!

"Wow Driel. Himala!! Buti naman nakarating ka na.. Congrats.. May pinagmamalaki ka na.. ( Lumapit siya at binulungan ako..) Kararating lang ni Pia kausap siya ni Kyle.. Goodluck" - Renz

"Ewan ko sayo. Sadyang marami lang yung trabaho ko tong nakaraan kaya hindi na ako gaanong nakakasama.." - Driel

Biglang may nagtakip sa mga mata ko at hinalikan ako sa cheeks.. Kilala ko na tong amoy na to.. Si Pia.. Sobrang namiss ko siya.. Nakaradam ako ng hininga sa tainga ko.. Boom..

"Miss me? Ako kasi sobrang namiss kita.. As in sobra.." - Pia

Tinanggal na niya yung pagkakapiring sa akin at pumunta siya sa harapan ko.. Niyakap niya ako ng sobrang higpit.. Yinakap ko din siya pabalik..

"Kung alam mo lang kung gaano kita kamiss.. ( Hinalikan ko siya sa noo ) Akala ko ba may trabaho ka mgayon? Bakit ka nandito??" - Driel

Sabihin mong para sa akin.. Hindi para kay Kyle o sa barkada..Ako yung boy friend mo eh.. Dapat ako yung dahilan kasi namiss mo ako.. Tinignan ko siya sa mga mata niya....

"Gusto ko kasing isurprise kayo ( sumimangot ako ) Hahha itsura mo.. Syiempre mas lalo ka na.. Pinacancel ko lahat ng appoinment ko para lang makasama ka.. Matagal tagal na din kasi tayong hindi nagkakasama at naguusap. Baka mamaya iba na pala inaatupag mo ha? Pinapaalala ko lang sayo nandito pa ako.. Sadyang busy lang" - Pia

Napangiti ako..

"Ano pa bang aatupagin ko? Magtrabaho at ang mahalin ka lang naman yung inaatupag ko.. ( namula siya.. Gustung-gusto ko kapag nakikita ko siyang ganun ) Baka ikaw naman.. Sa trabaho mo ang dami mong nakakasalamuhang lalaki.. Hindi ko na kailangan pang maghanap ng iba kasi nandito ka na sa isip ko at syimpre nagiisa sa puso ko dahil ikaw lang sapat na" - Driel

Yinakap ko nanaman siya.. Lulubusin ko na baka bukas hindi ko nanaman siya makita at makasama..

"Hephep mamaya na yang ka-sweet tan moment niyo.. Sobrang dami na ng langgam oh.. Aba!! Hindi man lang kayo makahalata.." - Niks

Ang eepal naman ng mga to 😣 Ngayon ko na nga lang siya makakasama ganito pa sila.. Ang dami nilang sinasabi.. May sarili din naman silang buhay.. Hmmp

Yinakap ko siya at hinalikan sa noo. Hindi ko na pinansin pa yung sinasabi ng mga kaibigan namin. Parang kami na nga lang yung tao dito eh. Siya lang yung nakikita ko. Salamat Aps dahil bumalik ka sa buhay ko. Dinikit ko yung ilong ko sa ilong niya.. Ang ganda sa pakiramdam yung ganito..

***

[This is what happened to Vanessa]

"Sino kayo?! Layuan niyo nga ako.. Pwede ba?! Si James lang ang pwedeng lumapit sa akin.. Diba baby bear?! Daddy mo lang ang pwede?! Huwag kang lalapit sa kanila okay?! Baka mamaya kunin ka nila gusto mo ba yun?! Nanannanaa.. Tulog na baby.. Nananana" - Vanessa

"Ikaw na nga tong binibigyan ng pagkain. Baliw. Bumalik ka na nga sa pinanggalingan mo.." - Matanda

"Ah. Baliw.. Baliw.. Baliw" - Mga Bata

"Aaahhhhh. Hindi ako baliw.. Aaaahhh.." - Vanessa

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon