Chapter 33: Snorkeling Time!!
APS/SOFIA'S POV 💋
Alam niyo ba kung ano yung feeling maging exaggerated? Haha masasabi kong nararamdan ko yun NGAYON!! Toda max na kasiyahan yung malalaman mong magi-snorkeling kayo.. Sa mga movie ko lang kasi napapanood yung mga yun dati!! Aba iba pala yung pakiramdam pag kayo na mismo mo yung pupunta. Sinabi pa lang yun ah. Paano pa kaya pag nandoon na kami? Aaahhhh talaga naman oh..
"I'm ready !! I'm ready. Supah dupah READY!! ( isinayaw ko pa ) Hay ate sobrang excited na ako. Bilisan natin." - Aps
"Iba na ang excited. Umayos ka nga" - Ate ko
"Ano ready na ba kayo?" - Mey
"Yessss raise to 25" - Aps
Tumawa silang lahat.. Kanina pa kayo ako ready. Nakakainip maghintay.. Hay heto na..
--
Paano ako mageenjoy kung natatakot naman akong bumaba.. Naiisip ko kasi yung pating.. Alam niyo na mga movie problems..
"Mey ayokong bumaba natatakot ako. Baka may pating.. Baka hindi na ako makaahon ng buhay" - Aps
Mangiyak ngiyak na ako pero tinatawanan lang nila ako.. Ang sasama nilang lahat.. Eh sa natatakot ako!! Wala silang magagawa!!
"Sweetie huwag kang matakot.. Dati nga ikaw yung unang pumupunta sa baba para magtingin tingin ng corals na iuuwi mo.. Anong nangyari doon?! Nawala lang yung memory mo naging matatakutib ka na din? Nandito lang naman kami.. Halika hahawakan ko yung kamay mo sabay tayong bababa para hindi ka matakot.. Walang magagawa yang takot mo.. Kailangan mo yang labanan para maenjoy mo bawat segundo na nandoon ka. Huwag na huwag mong iisipin yung mga napapanood mo. Sa mga movie lang yun" - Mey
"Mey yun na nga eh nawala lahat pati yung fighting spirit ko nawala 😣" - Aps
"Halika.. Tiwala sa mga kasama mo at lalong lalo na sa sarili mo.. Baby ko talaga oh" - Dy
Inhale-Exhale.. Hinawakan ni Mey at Dy yung kamay ko.. Pagkarating namin sa baba.. WOW AS IN WOW!!
Sa ilalim ng dagat.. sobrang ganda.. ibat't ibang isda at corals.. sobrang linis ng tubig kaya nakikita ko ng malinaw.. Nakakainggit sila. Bawat wiggle ng mga isda makikita mong ang laya nila na para bang wala silang ginawa kundi mag enjoy at maghanap lang ng makakain.. Yung pakiramdam na yun.. Naisip ko tuloy yung gawain ko lang dati nung nakila tita pa ako wala akong ginawa kundi maghanap lang ng pagkain at pumunta kahit saan ko gustuhin, umuwi kahit anong oras at kung ano ano pa.. Hindi tulad ngayon ang daming problema..
Kinalabit ako ni ate at may pinakita siya.. Nagthumbs up ako. Naghanap din ako ng akin.. Ang dami ko ng nakuha.. Ang gaganda kasi.. Lalo na yung nahanap kong crown.. Silver siya.. Sobrang tagal na siguro nun doon..
Pagkaahon namin. Grabe para akong saling pusa.. Ako lang yung ganun kalaki yung initim ..Sila namula lang.. Beach nga eh alangan naman magpajama ako.. Actually two piece lang yung suot naming magkakapatid. Luging lugi talaga ako.. Edi sila na ang maputi at ako ang ampon. Tanggap ko naman eh!! Pero kasi madaya eh 😣

BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...