Chapter 25: Sanhi ng Lahat

31 2 0
                                    

Chapter 25: Sanhi ng Lahat

Sa pagharap niya samin ngayon. Hindi ko alam kung anong pwede kong magawa sa kanya..

"Kailangan mo ng malaman yung totoo tungkol sa video." - Anika

Panimula niya..

"Anong ibig mong sabihin?" - Aps

"Yung pinadala sayo ni Kyle na video na edit yun. Tinanggal namin yung iba na magpapatunay na ayaw ka talagang hiwalayan ni Driel." - Anika

"Teka? May kinalaman dito si Kyle? Bakit niyo ba ko pinaglalaruan ng ganito?" - Aps

Umiiyak nanaman ako. Hindi ko na alam kung gusto ko pang malaman yung mga susunod..

[ ** Flash Back ** ]

"Oh? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka umiinom mag-isa nasaan na sila Vanessa?" - Kyle

"Ikaw pala Kyle.. Halika inom muna tayo.." - Anika

Sobrang lasing na siya.. Ano kayang problema ng babaeng to.. Sa pagkakaalm ko mala anghel yung bait nito.. Na walang balak na pumasok sa mga ganitong lugar.. Nagkamali pala ako..

"Bakit ka nandito?" - Kyle

"Bakit masamang nandito ako?" ( Pasigaw na yung pagkakasabi niya kasi sobrang ingay ) " Malaki kasi yung problema ko.. Halika damayan mo muna ako" - Anika

"Halika sa labas tayo para maintindihan kita kung magkwekwento ka.. Tama na yan.. Hindi mareresolba ng alak yang problema mo!!" - Kyle

"Sige.." - Anika

Lumabas na nga kami at dinala ko siya sa isang lugar kung saan pwede mong matanaw yung buong siyudad.. Nakakagaan kasi ng pakiramdam dito..Kung may problema ako dito ako laging pumupunta.. Sinisigaw ko para gumaan yung pakiramdam ko..

"Ano bang problema mo?" - Kyle

"Paano ba naman kasi lagi na lang si Pia.. Pia dito Pia doon.. Kapag may tampuhan sila nandoon ako lagi para tulungan silang magkabati tapos ngayong okay na ulit sila para ulit akong hangin.. Alam mo bang inlove na inlove na ako kay Driel? ( hahahha ) Ang saya no? Sa lahat ba naman ng tao? Sakanya pa ako nainlove.. sa boyfriend pa ng bestfriend ko" - Anika

"Ano?! Kailan pa yan? So nasasaktan ka?" - Kyle

"Matagal tagal na din.. Oo sobrang nasasaktan na ako.. Tulungan mo naman akong mapasa akin si Driel.. Parang awa mo na? Gagawin ko lahat mapasaakin lang siya.. Kaya kong isakripisyo yung pagkakaibigan namin ni Pia.. Diba matagal mo na rin namang mahal si Pia? Magtulungan na lang tayo para masira yung relasyon nila" - Anika

Ano bang sinasabi ng babaeng to? Baka lasing lang siya kaya niya nasasabi to? Pero sabi nila lahat ng lasing nagsasabi ng totoo.. Nagdadalawang isip ako sa gagawin ko.. pero heto na yun eh.. Grab every opportunity..

"Sige.. Ganito isiset-up ko kayo ni Driel para magkasira sila.." - Kyle

At nagplano na nga kami ng mga gagawin namin..

"Salamat Ky ha? Hindi ko kasi alam yung gagawin ko.. buti nanjan ka" - Anika

[ ** End of Flash Back ** ]

Sobrang nanghihina na ako sa narinig ko.. Nang dahil lang sa pagmamahal kaya niyang isakripisyo lahat ng meron kami bilang magkaibigan..

"Yung araw bago dapat tayo pupunta sa enchanted kingdom ginawa namin yung pag seset-up kay Driel. Dapat nga sasama pa ako sa inyo kaso sobrang namamaga yung mata ko kaya napilitan akong magkulong na lang sa kwarto ko. Maniwala ka Pia. Hindi ka niloko ni Driel. Never niyang gagawin yun dahil sobrang mahal ka niya. Blinock mail ko lang siya para pumayag siyang sabihin yung mga nasabi niya sa video. Scripted yun. Walang alam si Driel na may kinalaman si Kyle dito. Para maniwala ka heto yung original na video. At yung kay Kyle naman please huwag mo siyang hihiwalayan dahil lang dito.. Please? Sabi niya sa akin hindi niya kayang mawala ka pa. Nawala na nga yung tiwala ng mga kaibigan niya pati ikaw mawawala pa!! Baka mabaliw na.." - Anika

Hindi ako umiimik. Naisip ko na din yung tungkol kay Kyle kanina pa. Sa ngayon hindi ko muna siya kayang harapin. Darating din yung araw na kailangan ko na siyang kausapin pero ngayon. Hindi ko pa kaya.

Kinuha niya yung coach na pouch niya at nilabas yung flash drive niya. Pinanood naming lahat yung video.. Pati sina Vanessa, Mickey, Ayla, at Yani nabigla habang pinapanood yung video.. .

Nalaman naming lahat na may kakambal si Driel..Matagal na pa lang tinatago ito ni Driel. Siguro nga alam ko na to dati pa pero nasama lang siya sa naerase na memory ko.. Nakita ko na siya dati sa restaurant ni Tita. Siya pa nga unang lumapit sa akin. Grabe kilalang kilala nga ako nung taong yun eh.

"Alam kong may kakambal siya. Kilalang kilala nga ako ni Darielle." - Aps

"Ano?!" - Mickey

Napatingin silang lahat sa akin. Abay malay ko ba kung alam na nila.

"Bakit kayo ganyan? Hindi naman kayo nagtatanong!!" - Aps

Nawala tuloy yung pagiyak ko. Mga itsura nila ahahhah.. Parang nalugi.. sa tagal ng panahon na magkakakilala kami ngayon lang nila to malalaman. Malihim pala talaga si Driel..

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon