Chapter 20: First Monthsary
APS POV 💋
Nung tignan ko yung phone ko.. ang daming missed calls at text.. Galing kay Miko, Ayla,Alex,Karen, Mickey.. etc at kay Kyle..
From: Miko
Kamusta ka na? Kahit huwag ka munang pumunta dito. Kami na muna ang bahala. Alam kong marami ka pang problema.. Happy monthsary pala sa inyo ni Ky.. Mag enjoy ka na muna 😊
Monthsary pala namin ngayon.. Pakiramdam ko ayaw ko pa siyang makita pero kasalanan yun.. Boyfriend ko pa din siya.. Responsibilidad kong maging honest sa kanya.. Magkaroon ng tiwala!! Sabagay hindi ko pa naman alam ang nakaraan ko so baka mali lang yung pagkaintindi ko sa unang naikwento ni Vanessa..
From: Ayla
Hi Pia Loviee. Happy sweet monthsary sa inyo ni Kyle 😊🍭🍰 Halla ang bilis one month na pala kayo girl. Enjoy 😘
PS. Sama ka sa amin bukas may pupuntahan tayo.. 😁
From: Alex
Hi Mahal. Mahal matagal tagal ka na naming hindi nakakasama.. Miss na kita.. Sama ka din sa amin minsan.. KTV at kung ano ano pa.. Happy Monthsary pala.. Love you 😘
From: Karen
Yung sinasabi ko sayo. Okay na. Happy Monthsary Aps..
From: Mickey
Hey Love.. Kamusta ka na? Miss ko na yang kadaldalan mo.. Kailan kita makikita ulit? Ang dami mo ng namiss na kabanata ng friendship natin girl.. Sama ka din minsan.. Alam kong marami kang ikwewento.. Inaabangan ko na.. Haha.. Anyway happy monthsary pala sa inyo ng Lovidabs mo.. Mag enjoy ka ha? Its your time to shine!! Lels. Love you LOVE 😂✌️💋
Hindi ko na binasa yung iba.. minark ko na lang as Read.. hay nakakamiss sila.. scroll scroll at nakarating sa message ni Kyle..
From: Kyle
Goodmorning. Happy first monthsary Babe. 😘 Kanina pa kita tinatawagan kaso hindi mo naman sinasagot kaya tinext ko na lang.. Alam kong may problema ka ngayon pero pwede bang ienjoy muna natin tong araw na to? Sunduin kita mamaya.. Iloveyou 😘😘💋💋
"Oh ano pang ginagawa mo jan? Magready kana.. Tinext ako ni Kyle na susunduin ka daw niya ng 9:00.." - Vanessa
Oo tama nandito pa din ako sa pamamahay ni Vanessa.. Sa totoo lang hindi ako makapag isip ng maayos ngayon.. may bumabagabag pa din sa akin..
"Oo na.. Heto na nga eh.." -Aps
--
Pagkalabas ko ng kwarto sakto namang nandoon na si Kyle.. Lumapit sa akin at kiniss ako sa forehead..
"Good morning sunshine.. Tara na?" - Kyle
"Good morning.. Sige" - Aps
Pinilit kong ngumiti sa kanya.. Ayokong sabihin na may alam na ako sa nakaraan ko.. Ayokong masira tong araw na to.. Pipilitin ko na lang na mawala muna sa isip ko yun..
"Saan tayo?" - Aps
"Saan mo ba gusto?" - Kyle
Rule number 1: Huwag mong sasabihing "Ikaw na ang bahala" sa Boyfriend mo!! Always remember ikaw ang babae at ikaw ang dapat masunod..
"Gusto kong manood ng sine at kumain ng ice cream" - Aps
"Sige.. Pero bago ang lahat magbreakfast muna tayo.. Sabi ni Vanessa hindi ka pa daw kumain!! Huwag mo ngang pabayaan yang sarili mo!!" - Kyle
Heto nanaman yung galit mode niya.. Naku..
"Yes Captain . Sorry kung ganun.. Ay nga pala may alam akong kainan.. Napuntahan namin yun ni Vanessa dati.." - Aps
"Sige.. Magpakabusog ka ha?" - Kyle
Malamang.. Libre eh.. Sarap kaya kumain pag libre.. 😂😂 nagsisimula nanaman ang pagiging hyper ko 😁✌️
Pagkatapos naming kumain pumunta kami ng mall nag ikot ikot.. hanggang sa hapon na at pumunta kami sa kung saan.. Hindi ko alam yung way na yun ah.. Hanggang sa blinind fold niya ako.. I do love surprises 😍😊
"Kapit ka lang sa akin. Okay? May ipapakita ako sayo" - Kyle
"Sige. May tiwala naman ako sayo eh" - Aps
"Yan ang babe ko. So ready ka na ba?" - Kyle
"Yesss 10x" - Aps
At tumawa siya.. Matapos ang mahaba habang lakaran sa altar din pala ang tuloy namin.. Joke.. Duh? Naka blind fold pa lang kaya ako.. Hmmm uber!! At tinanggal na niya yung blind fold..
"Surprise!!" - Kyle
Nandito kami ngayon sa isang Green Garden.. tanaw na tanaw ko yung buong siyudad at lalong lalo na yung beach.. Sunset na pala.. sobrang ganda ng view.. Alam niyo bang narerelax ako sa tuwing nakikita ko yung horizon sa karagatan.. Kasi ibig sabihin nun alam kong may hangganan lahat ng bagay lalong lalo na yung mga problema ko..
"Wow. Grabe sobrang pinaghandaan.. Ang ganda naman dito. Salamat Kyle" - Aps
Hinug at kiniss ko siya sa cheeks.. Ganito lang kami.. Simple pero masaya.. Sabi nga sa "Dont Rush Love" Love is not possible without respect and love includes accepting you for who you are!! Hindi naman kasi minamadali ang lahat.. Darating at darating din kayo doon sa tamang panahon..
"Welcome. Sorry pala sa time na ang babaw babaw ko.. Hindi naman sa yun talaga yung ugali ko pero gusto ko lang naman na lambingin mo ako. Magiging totoo ako sayo nagseselos sa mga nakakasalamuha mong lalaki. Alam kong marami kayong blockmates na lalaki kasi nga engineering kaso nga lang sana naman bawas bawasan nila yung paglapit sa mga taong may boyfriend na. Nakaka panggigil kaya. Lalo na yung Franz" ( nalaman kaya niya yung truth or dare thingy grabe huwag naman sana )" Nalaman kong may gusto sayo yun at nakakatext mo pa daw. Baka dumating yung araw na magising na lang ako wala ka na sa akin. Pwede bang mag promise ka sa akin? Hindi naman sa wala akong tiwala sayo pero gusto ko lang makasigurado na hindi mo ko iiwan? Hindi ko kakayanin. Pwede ba kahit anong mangyari maging honest ka sa akin? Yang nararamdaman mo" ( Gosh naiiyak ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ) "Mahal na mahal kita. Sobrang mahal kita na umabot na sa puntong makakagawa na ako ng mga bagay na hindi na dapat. Alam ko hindi ako dapat nagkakaganito pero hindi ko na kasi alam" - Kyle
Nilalabas na talaga niya yung lahat. Hindi ko naman siya iiwan ng ganun kadali. Syiempre napamahal na din ako sa kanya. Sobrang inlove ako sa kanya niya noon pa pero bakit ngayon? Bigla na lang nagbabago yung lahat. Halos unti unti na kong walang maramdaman para sa kanya!!
Hay Pag ibig Problems ✨
"Doon tayo sa labas may ipapakita ako sayo" - Kyle
"Okay" - Aps
--
Pagkalabas namin may biglang umilaw sa may dulo ng Park , Isang cirle na ched na napalibutan ng christmas light . Habang naglalakad kami papunta doon may tumutugtog ng violin. Wow as in WOW!! Akala ko sa mga teleserye lang ito nangyayari pati pala sa realidad!! Oha? Ako na ang bida 😂😁✌️
At yinakap ko nanaman si Kyle.. Grabe na talaga to..
Sa harap namin yung table na nakaset na. May waiter sa gilid na nakasuit.. Nuxx. Iba na ang mayaman 😅
At ayun nagdinner na kami.. Hindi lang talaga siya ordinaryong araw kundi masasabi kong isa to sa pinaka special na araw ng buhay ko kasama si Kyle.. 😍😁😊
BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...