Chapter 34: Tibayan ang Loob
Matapos ang dalawang linggong bakasyon sa Camarines bumalik na kami. Sobrang nag enjoy ako sa lugar na yun.. Buti bumalik sa dati yung kulay ko.. Salamat sa kojic😁
Sa pagbalik namin.. Alam kong mas marami pa akong haharapin na problema.. Nalaman kong hindi pa pala nakakabalik dito sa Pilipinas si Driel. Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Miko dati.. Sundan ko na ata para magkaalaman na..
Hay naku.. Nakakainip tong ginagawa namin halos nga walong oras na kaming nagmomovie marathon.. Mahapdi na yung mata ko.. Nakakaantok.. Hindi ko na kakayanin to matutulog muna ako..
--
Pagkagising ko nakita ko silang tulog.. Napagod din siguro. Himbing ng tulog nila.. Hay nakakangawit naman yung ganung position ng pagtulog. Nandito kasi kami sa entertainment room.. Puro sofa at maliliit na unan lang ang meron.. Dapat pala sa sofa na lang ako natulog bakante kaya yung dalawa kasi halos pare-pareho kami ng position.. Nakaupo sa may carpet at nakapatong yung ulo sa sofa.. Nakakaantok naman kasi yung huling pinanood namin..
"Oh gising ka na pala. Kamusta ang tulog? Halika kain tayo." - Mickey
Lumabas kami at pumunta sa veranda.. Sakanila tong bahay na pinuntahan namin..
"Nangawit ako. Sige nagugutom na din ako. Ano ba yan?" - Aps
"FRUIT SALAD.. Matanong ko nga. Okay ka na ba? Kasi sa nakikita ko parang okay ka na.. Wow nakakawala pala ng problema ang Camarines. Makapunta nga din minsan." - Mickey
Tumawa siya.. Talaga tong baklang to..
"Dati pa naman akong okay ah" - Aps
"Huy SOFIA APPLE MONTENEGRO FERTZ neknek mo!! Sinong niloko mo? Ako o sarili mo? Seryoso. Talaga bang okay ka na? Pwede mong ilabas ngayon. Nandito lang naman ako para damayan ka.. Alam mo mas magandang ilabas kaysa sa kinikimkim mo lang sa sarili mo. Mas lalo mo lang pinapahirapan yung sarili mo kung sinasarili mo. Duh? Besttfriend mo kami kaya huwag ka ng matakot maglabas ng saloobin mo" - Mickey
Aww. Ang sweet naman niya..
"Aww. Touche! Ikaw talaga kilalang kilala mo ako. ( Bigla na lang tumulo yung luha ko .. Hinahaplos niya yung likod ko ) sa totoo lang hindi ako okay. Ang hirap ipakitang hindi ako nasasaktan Micks. Akalain mo bang kung sino yung pinagkatiwalaan at binigyan ko ng halaga sila pa yung wawasak sa mundo ko? ( Huminga ako ng malalim ) Nakakatuwa nu? Ang gandang paglaruan.. Sa lahat ba naman ng tao bakit sa akin pa nangyayari lahat ng to? Sobrang nahihirapan na akong magkunwaring masaya. Gusto kong ipakitang sobrang nasasaktan na ako pero para ano? Kaawaan nila? Pwes hindi ko kailangan ng awa nila." - Aps
Iyak na ako ng iyak..
"Alam mo Pia.. Sa buhay ng tao maraming problemang dumarating para subukin tayo. Kung gaano tayo kalakas at kung paano natin iha-handle yung sitwasyon para maging okay ang lahat. Bawat bitaw natin ng isang desisyon may kaakibat na consequence.. Kaya nga nauso yung isip muna bago gawa. Kasi dapat lahat ng bagay pinag iisipan munang mabuti bago gumawa ng desisyon. Hindi naman masamang ipakita mo kung sobrang nasasaktan ka na. Lahat ng tao may kahinaan sa pagkatao nila dahil walang perpekto sa mundo. Alam ko namang matibay ka pero sobra na ata yang paglilihim mo ng nararamdaman mo.. Dati ka pa naming gustong tanungin kaso sabi nila tito kailangan mo daw muna magrelax.. Kaya kayo pumunta sa Camarines pero ngayon kasi naman eh hindi ko maiwasang hindi masabi." - Mickey
"Sa tingin mo ba babalik pa tayo sa dati? I mean yung dating samahan natin. Sabi kasi ni ate ko halos hindi daw tayo mapaghiwalay dati na magkakaibigan.. Kung nasaan yung isa nandoon lahat.." - Aps
"Sa tingin ko malabo ng mangyari yun.. sa sitwasyon pa nga lang natin ngayon mahirap na. Huwag na tayong umasang babalik pa tayo sa dati kasi bawat araw na lumipas maraming nagbabago sanhi ng mga desisyong nabibitawan natin. Tignan mo si Vanessa, si Anika, si Kyle at etc. dahil lang sa pagmamahal nagawa nila yung mga bagay na yun.. Sumira sila ng buhay ng isang tao. Tignan mo nga yung kinahinatnan ng buhay mo.. Sobrang nahihirapan ka na ngayon para intindihin sila. Hindi din masamang magalit Pia pero huwag naman sobra" - Mickey
"Sabi ko nga.. ( Huminga nanaman ako ng malalim ) Hindi ko na alam Micks kung sino pa yung pagkakatiwalaan ko. Bawat araw na lumilipas may taong nasasangkot. Sabihin mo na din kung pati ikaw may sama ng loob sa akin. Hindi ko na alam yung gagawin ko kung lahat na lang kayo damay.." - Aps
"Hindi mo naman maiiwasan na hindi kami madamay kasi may koneksyon kami sa inyo. Oo aaminin ko nalaman ko yung tungkol sa video dahil nadulas si Anika pero huli na ang lahat nung makarating ako sa bahay niyo. Napanood mo na." - Mickey
"Kahit anong pilit ko. Wala talaga akong maalala.. Sana hindi na lang nangyari lahat ng yun dati" - Aps
"Huwag mo ng pilitin. Kasi talagang wala. Ikaw ba naman ang gamitan ng machine.. Ang maipapayo ko lang sayo sana maging malakas ka pa. Tibayan mo pa yang loob mo para harapin yung darating pang unos kasi hindi lang naman isa ang problema sa mundo marami pa jan. Sana hindi ang problemang to ang makasira sa pagkatao mo. Isipin mo yung mga taong nanjan pa rin para damayan ka at hindi ka iniiwan.. Yung mga taong patuloy paring nagmamahal sayo.. palaging nakasuporta sa bawat desisyong bibitawan mo" - Mickey
"Salamat Micks ha? Kahit paano nabawasan yung bigat na nararamdaman ko. Sobrang thank you talaga" - Aps
Yinakap niya ako.. Siguro may ilang minuto din bago kami naghiwalay..
Masasabi kong may mga tao talagang handang magpakatotoo sa harapan mo. Nanjan para bawasan yung sakit na nararamdaman mo.. Dapat huwag mawalan ng pagasa. Fighting!!
BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...