Chapter 41: Dugo't Pawis ang Puhunan
DRIEL'S POV 💋
Sa pag uwi namin sa Pilipinas kaya ko ng patunayan kay Pia kung gaano ko siya kamahal. Noong nasa Amsterdam kami hanggang titig lang ako sa malayuan. Hindi ko man lang siya malapitan. Gusto ko siyang kausapin pero hindi pa pwede kasi hindi pa ako handa. Nung araw na nakita ko siya dito sa Amsterdam palagi ko na siyang sinusundan. Bago pumasok at pag uwi.. Palagi ko siyang binabantayan kahit saan siya pumunta.. Nagulat nga sila noong una kasi nakita nina tito at tita na sinusundan ko siya kaya kinausap nila ako..
Yung araw na yun..
[ ** Flash Back ** ]
"Driel?!" - Tita/ Mommy ni Aps
Kinakabahan ako baka mapagalitan ako. Alam ko malaki yung galit nila sa akin..
"Hello tita and tito? Kamusta po?" - Driel
Dugdug-dugdug.. Ang bilis ng tibok ng puso ko..
"Okay lang hijo. Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba si Pia? Gabi na oh. Baka gusto mong pumasok?" - Tito / Daddy ni Aps
Akala ko ba galit sila? Anyare?
"Ay hindi na po. Hindi po kasi alam ni Pia na sinusundan ko siya?" - Driel
"Ganun ba. Halika pasok ka muna. Panigurado nasa loob na yun ng kwarto niya. Hindi na bababa yun. Huwag kang mag alala" - Tito
--
"Matagal mo na bang sinusundan yung anak namin? Bakit ayaw mo bang makita ka niya?" - Tita
"Opo tita matagal na po. Hindi pa po ako handa aayusin ko po muna yung sarili ko bago ako magpakita sa kanya. Hindi ko nga po inaakala na dito na pala kayo tumitira. Nalaman ko lang po kay Xyza. Ayaw ko po kasing mapahamak siya kaya sinusundan ko po siya. Sorry po ha?" - Driel
Napayuko ako. Alam kong papagalitan nila ako dahil lang sa nagawa ko dati..
"Maraming salamat hijo sa pagsusubaybay mo kay Pia. Alam na namin yung totoo. Huwag kang matakot hindi ka namin papagalitan. Oo aaminin ko hijo malaki ang naging galit namin dati sayo kaya inilayo namin si Pia pero hindi naman pala totoo lahat ng yun. Pasensiya ka na kung hindi kami dati naniwala sayo" - Tita
"Wala po yun. Alam ko naman pong nagawa niyo lang yun kasi mahal niyo ang anak niyo at ayaw niyo po siyang masaktan. Sobrang humihingi po ako ng tawad dahil sa pagiging makasarili ko. Nang dahil doon nasira po yung buhay ni Pia" - Driel
"Kami nga dapat ang humingi ng tawad hijo. Alam mo ba kung hindi dahil sa nagawa niyo dati hindi magbabago si Pia. Sobrang laki ng pinagbago niya mula noong nabura lahat ng memorya niya. Hindi na siya yung tao na walang kinakatakutan. Marunong na din siyang humingi ng tawad at magpakumbaba sa lahat ng bagay." - Tita
Nang dahil lang sa pagiging makasarili ko nasira ko yung buhay na meron siya dati. Pero kung hindi naman nangyari yun hindi naman magpapasalamat sina tita. Lahat ng bagay na nangyayari may rason. Bawat bagay na nagyayari kailangan nating tanggapin masakit man ito o masaya dahil balang araw magpapasalamat tayo dahil nangyari yung bagay na yun..
"Hijo pinagkakatiwala na ulit namin sayo ang anak namin. Ingatan mo siyang mabuti ha? Huwag na huwag mo siyang sasaktan" - Tito
"Oo naman po. Maraming salamat po kasi pinagkakatiwalaan niyo ulit ako. Hinding hindi ko na po sisirain yung tiwalang binibigay niyo mula ngayon pero pwede po bang humingi ng pabor?" - Driel
"Ano yun hijo?" - Tito
"Pwede po bang huwag niyo munang sasabihin kay Pia na nandito ako at binabantayan ko siya palagi.. Hindi pa po kasi ako handang magpakita sa kanya.." - Driel
"Sige hijo" - Tito
"Salamat po. Sige po magpapaalam na po ako gabi na po kasi tsaka marami pa po akong gagawin. Salamat po ulit tito at tita. Bye po" - Driel
[ ** End of Flash Back ** ]
Bawat detalye ng buhay niya inaalam ko.. Pati nga rin yung mga nagkakagusto sa kanya kinakausap ko para hindi na nila pormahan si Pia. Gumawa pa ako ng paraan para maging close ko yung banda niya at yung mga kaibigan niya.. Bawat performance nila nandoon ako pero hindi niya alam ..mga kaibigan lang niya ang may alam. Nagmumukha tuloy akong stalker niya.. Kinausap ko yung mga magulang niya para makauwi na kami kasi handa na akong magpakita sa kanya.. Pinakiusapan ko sila.. ayaw kasi nilang pumayag.. Pero sa huli pumayag din sila pero sa isang kondisyon.. Kailangan kong magtrabaho sa companya nila sa loob ng dalawang buwan.. Aral sa umaga trabaho sa gabi.. Pinaghirapan ko lahat mapapayag lang sila. Dugo't pawis ang pinuhunan ko makuha lang ulit si Pia..
BINABASA MO ANG
Reset
Fiksi Remaja"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...
