Chapter 30: That STRANGER

20 2 0
                                        

Chapter 30: That STRANGER

Ang hirap talaga ng walang ginagawa 😣 inaantok nanaman ako!! Gusto ko magmall at kumain ng marami para hindi ako mastress.. Kahit window shopping lang sana. Makapunta na nga mag isa. Sana nga window shopping lang..

--

Mukhang magiging busy ako ngayon ah. Maraming mapupuntahan 😁

Wow ang ganda naman nito. gusto kong bilhin . Tingin-kuha-tingin-kuha hanggang sa narealize ko ang dami na pala. Hmmm binitawan ko yung iba. First na place pa lang na napuntahan ko pero ganito na. Namiss ko talagang magmall 😄✌️ .. Kapag binili ko lahat ng to hindi ko din mabubuhat kaya binalik ko yung iba dalawa lang tinira ko. Sayang naman ..kung sana may kasama ako..

Sa sumunod na place ganun ulit .. Sa sumunod ulit ..sa sumunod ulit hanggang sa ang dami ko ng dala.. tanghali na nagugutom na ako!! Tapos ang bigat pa ng dala ko 😣 Superman tulong!!

"Miss kailangan mo ng tulong? Huwag kang mag alala hindi ako magnanakaw" - ???

Sino naman kaya to?? Ah talaga lang ha? Sabagay kailangan ko ng tulong..

"Sige kailangan ko talaga ng tulong. Heto oh pakibitbit." - Aps

Halos kinuha na niya lahat ng bitbit ko. Grabe sobrang bait naman ng taong to.. Ay hindi ko pa pala alam yung pangalan niya..

"Ay teka! Bago tayo umalis sino ka muna? Anong pangalan mo? Baka may mga kasama kang sindikato! Parang awa mo na huwag mong kukunin yang mga binili ko. Sobrang stress na nga ako tapos dadagdag ka pa! Edi naging kawawa pa ako lalo!! Ibalik mo na lahat sa akin yan" - Aps

Bigla siyang tumawa..

"Alam mo nakakatawa ka. Ikaw lang yung tipo ng tao na open na agad sa taong hindi pa halos kakilala.. ni hindi mo pa nga alam yung pangalan ko. Wala akong kasama at hindi ako kasali sa isang sindikato. Sa mukha kong to? Sa gwapo kong to sasali sa isang sindikato? Nagpapatawa ka ata.. (Aba. mahangin. Sobrang yabang naman ng taong to. bwisit! ) Hindi biro lang. Kaw naman masyado kang seryoso. ( at tumawa siya. May sense of humor!! Pinagmukha pa akong CLOWN 😣 ) Nga pala ako si James Ferrer.." - James

Mga taong ganito. Nakakabwisit!

"Sofia Apple Fertz" - Aps

Nagshake hands kami..

"Halika na? Actually hindi pa ako kumakain. Nagugutom na ako" - James

"Teka. Wala pa rin akong tiwala sayo" - Aps

"Hay naku. Okay magpapakilala ako. My name is James Ferrer from Quezon City.. 23 years of existence.. We are the owner of this mall. May favourite color is Blue. Food? Hmm. Adobo at ang pinaka ayaw ko ay yung clumsy at sobrang painosente na parang walang ginawang kasalanan sa mundo. at... L" - James

"Hep-hep tama na. Okay na. Satisfied . Sa inyo talaga tong mall na to? Hindi halata ah?! Wala sa itsura mo.." - Aps

Tumawa nanaman siya. Aba nakakarami na siya. Isa pa babatukan ko na to..

"Oo amin to. Bilib na talaga ako sayo. ( ngumiti lang siya buti hindi tumawa ) Ang prangka mo naman. Hindi mo ba inaalala yung magiging first impression ko sayo?" - James

"At bakit? Hindi naman basihan yun sa pagkatao ko. Ayaw kong nagsisinungaling nu kahit bagong kakakilala ko pa lang gusto kong ipakita yung totoong ako!! Hindi ako kagaya ng mga babaeng walang ginawa kundi magpakaarte at kagaya nga ng sinabi mo painosente pero kapag nakilala mo na aba hanep lakas makalait. Perfect sila ganun? Diba nga? Dont judge a person in first impression because you don't know their journey in life and malay mo that is only a cover of their personality!! Mask kumbaga. It doesn't matter anyway kahit ano pa yung iniisip mo basta ang akin pinapakita ko na kung ano at sino talaga ako!!" - Aps

Bigla siyang pumalakpak..

"Ikaw na. Alam mo sana ganyan na lang mag isip lahat ng tao para wala ng plastic sa mundo!!" - James

"Bakit? May pinagdadaanan ka ba?" - Aps

Ay baka malaki yung problema niya..

"Ah wala. Saan tayo kakain? Sige libre ko na. Sa dami ba naman ng binili mo baka naubos na yung pera mo!! Napakamaterialistic mo naman. That is natural but non-necessary desire.. Yung lang ang problema sayo.. Sabagay kung titignan ka naman simple pero mayaman pala" - James

Lalim nun ah. Napaisip pa ko sa sinabi niya. Ethics ba yun? Hehe.

"Ngayon lang to. Naipon kasi lahat ng dapat na ipangbibili ko dati pa. Na boring kasi ako sa bahay kaya tadaaaa sangkatukak na gamit!! Gusto ko sa Mang Inasal. Sobrang nagugutom na ako eh para makatipid ka" - Aps

Haha tipid talaga? Mayaman naman siya kutd ah kahit saan oks na oks.

"Talagang inisip mo yun ah. Hindi ko alam kung anong iisipin ko sayo kung kuripot ka ba o magastos ka.. Kakaiba!!" - James

Pagkarating namin sa inasal ang daming tao.. Sobrang nagugutom na kaya ako 😣 tapos yung kasama ko pa may katawag sa phone niya. Badtrip!!

Pagkalipas ng limang minuto tapos na siya at may table na kami. Wow may nakaready na din kaming pagkain. Iba na ang may kapit. Siya na!! Lulubusin ko to. Libre!!

"Salamat James at napayakap ako sa kanya bigla. Ready na akong mabusog!! Ahahah 😂😂✌️" - Aps

Tumawa nanaman siya. Pasalamat siya linibre niya ako kung hindi binatukan ko na..

"Walang anuman. Pakabusog ka Sofia 😊" - James

"Ikaw din 😊" - Aps

Habang kumakain kami nagkwekwentuhan kami. Ang bait niya pala. Sweet pa.. Naku naku. Naiinlove na ata ako.. Ahahaha joke!! Agad agad? Ang sarap niyang kasama puro lang kami tawanan habang kumakain nakarami din kami sa rice. Nakalima ata ako at siya apat. Hahaha takaw ko nu? Iba na ang gutom. 😁

Pagkatapos naming kumain. Nagpalipas muna kami ng oras sa Inasal at nung okay na gusto ko ng umuwi..

"Uuwi na ako. Salamat sa masayang lunch.. Ingat ka ha? Bye-Bye" - Aps

"Teka ihahatid na kita sa sasakyan mo.. Ang dami kaya ng dala mo ang bigat pa kaya nung iba" - James

"Wala akong dalang sasakyan eh. Magkukum-mute ako" - Aps

"Ano? Ihahatid na lang kita sa inyo tutal wala pa naman akong pupuntahan ngayon. Mamayang gabi pa kasi yung lakad ko." - James

Sabagay tama siya. Nag isip isip pa ako..

"Sige na nga. Sa mabait ka. Lulubos lubusin ko na. Maraming salamat ha?" - Aps

Sa totoo lang kinakabahan ako. Baka naman manloloko siya? Diba nga ganito yung mga modus.. Sa una mabait yun pala may motibo!! Wala naman sana.. Sana Lord makaauwi akong buhay..

Akala ko masama siya. Totoong mabait pala kasi nandito na ako sa harap ng bahay namin.

"Salamat James. Ang bait mo talaga. sige ibaba mo na lahat magpapatulong na lang ako kay kuya guard" - Aps

"Ito naman kanina ka pa nagpapasalamat. Wala yun. Sige text mo lang ako kapag kailangan mo ulit ng kasama. Bye alis na ako" - James

"Bye. Ingat" - Aps

Seryoso ako masarap siyang kausap. Hindi siya kagaya ni Driel na sobrang sungit!! Hay sa ngayon hindi ko muna iisipin yung tungkol sa amin.. Darating din tayo jan..

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon