Chapter 26: The True Antagonist
VANESSA'S POV ✨
Sa pagkwekwento namin ng tungkol sa totoong pagkatao ni Pia. Nabigla ako kasi hindi ko inaasahan na ganito yung ipapakita niyang reaksyon sa amin. Ibang iba ito sa inaasahan ko. Akala ko magwawala siya pero hindi eh.. nanatili siyang tahimik kumbaga sa ceramic tile na durog na durog na wala pa din. Sobrang laki na nga ng pinagbago niya. Bilib din ako sa taong to. Hay I hate drama!! Ayoko yung ganito.. Hindi ito yung plinano ko dati pa. Sinira lahat to ni Anika. Lintik!!
Yung gabing yun..
[ ** Flash Back ** ]
Narinig ko yung pinagusapan ni Anika at Kyle nung gabing yun dahil sinundan ko sila. Ang akala nila silang dalawa lang yung nandoon. Mga tatanga tanga.. Habang nakikinig ako nag iisip na ako ng plano kung paano ko babaliktarin si Anika. In the first place ayaw ko naman talaga kay Pia. Gumawa lang ako ng paraan para mapalapit sa kanya para maghiganti!!
Sa paglipas ng mga araw marami akong pinagkaabalahan para maging successful yung plano ko..
Hanggang sa dumating yung araw na yun.
"Anika gusto mo pa bang ituloy natin to? Kinakabahan na kasi ako.." - Kyle
"Lalaki ka pa man din. Ituloy na natin.. nandito na nga tayo eh.. Ngayon pa ba tayo aatras?" - Anika
Ang dami pang satsat.. Ang tagal nakakainip..
"Sige tatawagan ko na si Driel.. Pero akin na muna yung sim na binili mo .. yun na lang ang gamitin ko" - Kyle
Aba matalino talaga si Kyle..
"Oh heto.." - Anika
Naka ilang tawag din siguro si Kyle bago sinagot ni Driel yung tawag niya..
Malamang hindi ko marinig yung sinasabi ni Driel pero sa pagkakaalam ko pinapapunta na niya ito dito.. Naiinip na ko sobra.. Pagkalipas ng ilang minuto nandito na si Driel.. Humanda ka Driel..
Habang nakikinig ako. Nabigla ako sa pangbla block mail ni Anika.. May kakambal pala si Driel at ayaw niya itong lumabas sa publiko.. At aba may script pa talaga. Genius!! Gusto ko yung plano ni Kyle at Anika..
Nung natapos na.. Iniwan ni Anika doon si Driel nangiyak ngiyak. Kawawang bata!!
Sinundan ko sila sa kung saan.. Pumunta sila kay Mr. Qwezy.. Isa siya sa pinakamagaling mag edit sa school. Aba may pinaglalaban. Nung makaalis na sila. Pumasok ako sa lugar na yun. at nakikontsaba ako kay Mr. Qwezy.. Ang laki kaya ng binayad ko para lang doon.. Pagkatapos kong makuha yung original at na edit agad agad akong pumunta sa bahay ni Pia na parang walang nangyari..
Pagkalipas ng 30 minutes.. May nagdoorbell. May envelop na pinapabigay kay Pia. Ako yung kumuha nun at pinalitan ko.. Pinalit ko doon sa pinagawa ko.. Pinadagdagan ko yung pinaedit nila Anika. And tadaaa.. Binigay ko na kay Pia.. Yun yung pinanood namin. Yung gawa ko 😁
I'm so genius talaga. Amazing.[ ** End of Flash Back ** ]
Hay Pia bakit ba kinakampihan ka ng tadhana. Sobrang swerte mo pa rin kasi hindi naman si Driel yung naaksidente kundi si Darielle. Nasa Canada kaya siya.. Inaasikaso niya yung business nila.. Hay naku mga tao dito. NAKAKABADTRIP!! Ang galing ko talagang magpanggap.. Pwede na kong maging artista!!
Sige hahayaan ko munang magpakasaya ka ngayon at hintayin mo sisirain ko yung mundo mo kasama yung mga taong mahal mo. Inagaw mo na nga si James dati pati ba naman yung plano ko sisirin mo pa!! Gusto kong magdusa ka!! Gusto kong maging miserable din yung buhay mo!! Kagaya nung naging buhay ko dati nung iniwan ako ni James para lang sayo!! Naniniwala na ako na natatalo ng malalandi ang mababait!!
BINABASA MO ANG
Reset
Teen Fiction"Minsan may mga bagay talaga na hindi dapat o masasabi nating hindi pwede.. Hindi sila para sa'tin kaya hinahayaan nalang natin sila kahit nakikita nating nasasaktan at nahihirapan na sila.. May magawa man tayo pero darating yung panahon na tayo din...