Chapter 16: That Secret

40 2 0
                                    

Chapter 16: That Secret

*** Dinner at a Garden

Ilang araw na pala yung lumipas simula nung naganap yung pagdadrama ni Dreil.. Habang nagmumuni muni ako papunta sa bahay napansin kong nakasara lahat ng ilaw sa bahay..

Pagkasara ko ng gate.. Nagtawag ako ng mga kasama namin sa bahay.. sila ate ..mga pinsan ko at mga kasambahay pero walang sumasagot pati nga si kuya guard wala eh.. Ano ba yan ang creepy naman.. Jusmiyo barbaridad!! Naaah.. pagkatapos kong tahakin yung daan papunta sa bahay.. Dumiretso agad ako sa kusina baka lang kasi nagluluto sila pero nakasara naman yung ilaw.. tawag ako ng tawag pero wala talagang sumasagot hanggang sa makarating ako sa likod..Pagkabukas ko ng pinto papuntang garden may biglang umilaw na christmas light papunta sa kung saan.. aba may red carpet pa hanggang sa marating ko yung isang poste ng ilaw na may nakasulat na "Huwag kang matakot.. Sundin mo lang lahat ng nasa letter" tapos may smiley pang nagpapacute.. may pinaglalaban!! Sinunod ko naman yung nasa letter aba mahirap na baka mamatay ako sa nerbyos dito.. habang naglalakad ako may biglang umilaw na..

"PWEDE BA KITANG LIGAWAN?

Sino naman kaya to? May manliligaw na nga ako may isa nanaman? Aba haba ng hair ko!! O baka naman loko lang to 😒.. Faithful ako kay kyle nu!! Huwag siyang umeksena.. at may umilaw ulit at sinabing..

"Tumingin ka sa likod mo"

At umilaw yung chistmas light sa gilid ng daan hanggang sa nakita ko yung mga kaibigan ko na may hawak na tig isang board at kung bubuuin mo heto yung mababasa mo..

"Can you be my girl?" Ay-Ayaten ka"

at bigla nalang silang nahati sa dalawang grupo at nasa gitna na si Kyle na may dalang isang Life size na bear at isang bouquet ng tulips, Favourite flower ko yan.. Papunta na siya sa akin..

Naiiyak ako heto yung matagal ko ng pinapangarap.. Dati halos gabi gabi lang akong nagdarasal na sana kahit mapansin niya lang ako.. makausap kahit saglit lang.. sobra pa to sa pinapangarap ko dati..

Heto na yung pinakaaasam kong araw.. akala ko dati ganun na ako kapangit kasi wala man lang magkamaling manligaw sa akin.. ayun pala in God's time may magandang mangyayari..

Maghintay ka lang.. sa lahat ng tao isa ako sa biniyayaan ni God ng ganito at sobrang nagpapasalamat ako doon.. sobrang sweet parang candy lang 😁✨😍

"Hi? Sorry kung bigla na lang kitang iniwan kanina pinaghandaan ko kasi talaga to.. Heto pa yung isang dahilan kung bakit ako nagkasakit dati.. ilang araw na puyat para matapos ko lang to.. Kulang pa nga ito kung tutuusin.. Buti na lang tinulungan ako ng mga pinsan at ate mo para maayos lahat ng to.. Sa totoo lang kinakabahan ako baka kasi hindi ka pa ready .. gusto ko pang patunayan lalo yung sarili ko sayo.. Gagawin ko lahat maging akin ka lang.. Hindi ko kayang mawala ka pa sa akin" ( Halos mangiyak ngiyak na ako sa mga sinasabi niya.. Grabe sabayan mo pa na may kantang "A Thousand Years" San ka pa?! ) "Halos sayo na nga umiikot yung mundo ko.. sobrang saya ko nung pumayag kang ligawan kita .. hindi ko na nga ma explain.. Grabe mahal na mahal na mahal kita Sofia Apple Montenegro.. Pia ng buhay ko" Kyle

Umiiyak na ko.. hindi ko na mapigilan eh.. hindi ako makapagsalita sa saya.. ginamit ko na lang yung ulo ko para mag oo sa kanya.. tapos yinakap na niya ako at kiniss sa noo.. Ang ganda sa pakiramdam yung ganito..


Halla pinaghandaan talaga niya.. may dinner pa talaga sa garden at taga serve yung mga kaibigan namin.. Sobrang enjoy ng gabing to.. kwentuhan at tawanan..

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon